Herlene Nicole Budol, kinatutuwaan ng mga kasamahan sa Kagandahang Flores

by PEP Troika
Apr 24, 2022
herlene nicole budol binibining pilipinas 2022
Rodgil Flores of Kagandahang Flores on Herlene Nicole Budol: “Kapag nasa training kami, hinihintay talaga siya kasi masaya raw kapag kasama si Herlene. Mahal siya ng mga co-candidates niya sa KF. Suportado siya ng lahat. Tinutulungan siya.”
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram

GORGY RULA

Paboritong topic ng mga showbiz channel sa YouTube ngayon si Hipon Girl o Nicole Herlene Budol pagkatapos niyang makapasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas 2022.

Read: Herlene Budol makes it to Top 40 of Binibining Pilipinas 2022

Ang daming natuwa sa malaking transformation ni Herlene, kaya marami rin ang humuhulang makakasungkit siya ng korona sa Binibining Pilipinas 2022.

Pero tuluy-tuloy pa ang training niya lalo na sa poise, walking, at speech.

Kasama si Herlene sa grupong Kagandahang Flores ni Rodgil Flores.

Sa 40 finalists ay may 24 candidates si Rodgil, at sabay-sabay raw ang training sa kanila. Pero tuwing training ay si Herlene ang nakakatuwaan ng kapwa candidates.

Naging paborito raw siya ng lahat, at kinakaibigan niya ang mga kasamahan sa Kagandahang Flores.

Kuwento ni Rodgil sa PEP Troika, “Masaya kasing kasama si Herlene. Nakakatuwa siya. Tuwang-tuwa sa kanya ang mga kasama niya.

“Kapag nasa training kami, hinihintay talaga siya kasi masaya raw kapag kasama si Herlene.

Continue reading below ↓

“Mahal siya ng mga co-candidates niya sa KF. Suportado siya ng lahat. Tinutulungan siya.”

Naniniwala silang mananalo si Herlene, dahil nakikita raw nilang pursigido itong matuto at ang laki na ng ipinagbago nito.

“Gustung-gusto niya talaga. Kaya naka-focus siya pag tinuturuan namin,” pakli ni Rodgil.

Dagdag pa niya, “Sa July [31] pa naman ang coronation night. May time pa talaga siya mag-training.”

Konting hasa na lang daw sa 22-year-old comedienne/host, makukuha na nito ang tamang attitude sa Binibining Pilipinas.

Tinanong din namin kay Rodgil kung meron bang pinabago sa mukha ni Herlene.

“May konting enhancement siguro. Pero mas mabuti siguro, tanungin niyo na lang ang manager niya, si Wilbert [Tolentino].

“Si Wilbert talaga ang manager niya, e. Ako, sa training lang ako,” safe na sagot sa amin ni Rodgil Flores.

Sinubukan naming tawagan si Wilbert, pero hindi pa niya sinasagot ang aming tawag.

JERRY OLEA

Mag-i-streaming sana sa YouTube umpisa Marso 26, 2022 ang digital rom-com series ni Herlene Budol na Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask.

Continue reading below ↓

Naudlot iyon dahil sa isyung kinasangkutan ng leading man ni Herlene na si Kit Thompson.

Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson

Aminado si Herlene noon pa man na mahina siya sa pag-i-English. Pero bilang Hipon Girl, inaabangan ang kanyang "Tempura Walk" sa Binibining Pilipinas 2022.

Di ba, mga Ka-squammy, Kahipon, Kabudol, at Hiponatics?!

Panay-panay ang Istagram at Facebook post ni Herlene ng mga kasabihang pinapaniwalaan niya:

“Summer na, magsisilabasan na naman ang mga Hipon!”

“Kung kaya nila, ipagawa mo na lang sa kanila.”

“Aanhin mo po ang glutha kung panalo na si Hipon.”

“Ang batang panatag ay nag-Promil.”

“Aanhin mo ang talino kung nabu-Budol ka din.”

“Pag may tagumpay, i-Tiktok mo yan.”

At any rate, abang-abang din tayo sa mga kaganapan ng Miss Universe Philippines 2022, na gaganapin ang live coronation sa Abril 30, Sabado ng 7:00 p.m., sa SM Mall of Asia Arena.

Continue reading below ↓

Iho-host ito nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, at Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow.

Magpe-perform sina Bamboo, Francisco Martin, at Sam Concepcion.

Mapapanood nang LIVE at FREE ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 sa digital platforms ng ABS-CBN na iWantTFC at ABS-CBN entertainment YouTube Channel.

Sa lipon ng 32 kandidata ng timpalak, kanino kaya ipapasa ni Beatrice Luigi Gomez ang kanyang korona?

NOEL FERRER

Pumaslak si Herlene Budol sa audition ng Bb. Pilipinas 2022.

Post ni Hipon Girl sa Facebook nitong Abril 24, Linggo ng hapon, “Salamat sa Organization ng Binibining Pilipinas at sa panel of judges ng audition sa pag pili at na aliw sa akin.

“Pangako ni Hipon girl na pag bubutihin etong opportunidad na patimpalak linaan sa akin ni Papa Jesus. Gusto ko maging Spokeperson sa Advocacy kong Autism Awareness & Detection para sa mga bagong henerasyon. dahil naniniwala ako na children are our future.”

Continue reading below ↓

Pinasalamatan din ni Herlene ang ate niyang si Daisy Lopez also known as Madam Inutz, at ikinuwento sa FB at IG kung ano ang papel nito sa kanyang journey sa Binibining Pilipinas.

Samantala, bago ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2022, magpapasiklaban ang 32 candidates sa iba't ibang preliminary activities sa Abril 27, Miyerkules ng 6:00 p.m., sa The Cove Manila.

Mapapanood ang highlights ng activities sa digital platforms ng ABS-CBN Entertainment — sa Facebook, TikTok, Twitter, at Instagram.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rodgil Flores of Kagandahang Flores on Herlene Nicole Budol: “Kapag nasa training kami, hinihintay talaga siya kasi masaya raw kapag kasama si Herlene. Mahal siya ng mga co-candidates niya sa KF. Suportado siya ng lahat. Tinutulungan siya.”
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results