GORGY RULA
Bukas, April 25, 2022, na magsisimula ang bagong afternoon drama ng GMA-7 na Raising Mamay.
Pinaka-excited sa lahat sa pagsisimula nito ay ang StarStruck 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava, dahil ito na raw ang matagal na niyang ipinagdarasal.
Read: StarStruck 7 winner Shayne Sava introduced as "GMA Afternoon Prime Drama Princess"
Naalala ko nung contestant pa lang si Shayne sa StarStruck kung saan lagi siyang sinasamahan ng kanyang lola. Minsan ay kinakapos pa sila sa pamasahe.
Kaya nung nakapasok na sa finalists ng StarStruck ang 19-year-old Sparkle artist, ang laking tuwa nila dahil kahit paano ay may natatanggap na siyang talent fee habang nasa competition pa siya. Malaking tulong daw iyon sa mga gastusin nila.
Kaya ang laki ng pasasalamat ni Shayne nang manalo siya at ngayon ay binigyan na siya ng break ng GMA-7 dito sa Raising Mamay.
“Pakiramdam ko po, eto na po ang ibinigay ni God para sa akin. And sobrang thankful po ako and blessed, kasi napakaganda po ng proyekto na ito, and nagpapasalamat talaga ako dahil sa akin po napunta yung role na Abbygale Sandejas,” pakli ni Shayne sa nakaraang mediacon ng Raising Mamay.
Hindi maalis ang kabang nararamdaman niya, pero mas lamang daw ang excitement.
“Sobrang thankful po ako sa GMA at sa lahat na mga taong naniniwala sa kakayahan ko. Nagpapasalamat po talaga ako.
"More on excitement po ang naramdaman ko. Kinakabahan po ako, in a sense, kasi siyempre hindi ko po alam kung ano ang magiging reaction ng mga taong manonood sa akin.
“Pero sana po tangkilikin po nila, kasi marami po silang matututunan sa Raising Mamay, at sobrang heartwarming at sobrang ganda po ng proyekto ang Raising Mamay.
“Malapit na po nilang makita ang lahat na pinagpaguran namin,” dagdag na pahayag ni Shayne.
JERRY OLEA
Ang kasabay ni Shayne na nanalo sa StarStruck, ang Ultimate Male Survivor na si Kim de Leon, ay masaya rin sa projects na ibinbiigay sa kanya ng GMA-7.
Hindi sila naging love team ni Shayne, dahil si Abdul Raman naman ang partner ni Shayne sa Raising Mamay. Naunang nag-partner sina Shayne at Abdul sa Legal Wives.
Maganda ang role na ibinigay kay Kim sa Agimat ng Agila, at gusto raw niya ang kanyang ginagawa rito.
Kung may ipapa-love team daw sa kanya ang Sparkle at GMA-7, open siya rito.
“Kahit ano po ang ibato sa akin ng Sparkle, ng GMA, pero sa kanila ko na lang po ipinagkakatiwala sa ngayon ang career path ko.
“Sa akin po, okay po ako ng wala, pero okay din po ng meron. Kung meron naman po… basta okay po,” pakli ni Kim.
Ang Raising Mamay ay kapalit ng Little Princess ni Jo Berry. Nawa’y makapantay man lang ang ratings ng Raising Mamay sa nagtapos na drama series ni Jo!
NOEL FERRER
Good luck, Shayne Sava at Kim de Leon!!!
At least with Raising Mamay, if you take it to heart and do well, hindi na kayo malilinya sa usually nagiging The Who after a talent-reality search.
Sana eventually, you will have your own brand para mas magningning pa ang inyong Cynthia Luster!!! All the best!!!