Bela Padilla, masaya sa mga papuri kina Zanjoe Marudo at JC Santos sa 366

by PEP Troika
Apr 25, 2022
bela padilla zanjoe marudo jc santos
Bela Padilla: “If it’s a JC performance or a Zanjoe performance, I’ll be very happy. Ahhm, I also think I… parang even on set naman, minsan talaga pinapanood ko lang silang dalawa... So, if the take away from the film is that it’s a JC or a Zanjoe film, I’ll be very happy. That means I did my job well.”

JERRY OLEA

London-based na si Bela Padilla.

Kapag kailangan niyang bumalik sa Pilipinas, babalik siya. Medyo naka-adjust na siya sa buhay sa London.

Read: Bela Padilla, di pa rin iiwan ang pag-arte kahit sa London na naninirahan

“Kasi, magwa-one year na rin po, e. Medyo naka-adjust na po, saka may friends na rin ako doon,” sagot ni Bela nang mainterbyu namin matapos ang special screening ng pelikula niyang 366 noong Abril 20, 2022, Miyerkules, sa isang mall sa Quezon City.

“May favorite places na lagi kong pinupuntahan. So, parang I’m starting to feel na dun na talaga.

“Medyo madali na po akong naka-adjust sa culture nila. Yung daddy ko po kasi, British. Saka yung mga ate ko po, nakatira dun.”

Nami-miss ba niya ang Kamaynilaan at ang gulo ng local showbiz?

“Marami, marami po akong nami-miss. Kaya lang, parang for now… I guess ang dami kong realizations nung pandemic.

“Kaya ako nag-decide na lumipat muna for the meantime sa London.”

Continue reading below ↓

So, malabong mag-teleserye siya sa ngayon?

“For now po, hindi po muna. Saka parang wala pa naman ding sunud-sunod na soaps at the moment.”

Streaming ang 366 sa Vivamax umpisa Abril 15, Biyernes Santo. Leading men dito ni Bela sina Zanjoe Marudo at JC Santos.

Si Bela mismo ang sumulat ng screenplay at nagdirek ng 366.

GORGY RULA

May mga nagsasabing ang 366 ay isang Zanjoe Marudo movie. Angat na angat daw kasi ang pagganap ni Zanjoe sa pelikula.

“I’ll be happy about that po if ever that’s what they take away,” reaksiyon ni Direk Bela.

“Kasi, tatlo na po yung ibinigay nila dito na trabaho. So, kung hindi siya maalala as a Bela performance, I’m OK.

“If it’s a JC performance or a Zanjoe performance, I’ll be very happy. Ahhm, I also think I… parang even on set naman, minsan talaga pinapanood ko lang silang dalawa.

“Lalo na si JC, kahit konti yung scenes niya, sobrang markado, di ba? Ginalingan niya talaga kahit nung nagmumulto na lang siya. Nagpapatak pa rin siya ng mga apat na luha.

Continue reading below ↓

“Si Zanjoe, ganundin, nanonood na lang ako dun sa ibang scenes namin. Kasi, he really performed.

“So, if the take away from the film is that it’s a JC or a Zanjoe film, I’ll be very happy. That means I did my job well.”

NOEL FERRER

Sumailalim si Bela sa scriptwriting workshop ni Ricky Lee, pero hindi niya ipinabasa sa multi-awarded writer ang script ng 366.

“May mga project po ako na ipinapabasa kay Sir Ricky but this one wasn’t one of them,” ani Bela.

“The next one I’m doing, yes, alam po ni Sir Ricky yung susunod kong gagawin.”

Maliban sa pagiging scriptwriter, direktor, at lead actress ng 366, co-producer din ba siya sa movie?

Napailing si Bela, “Hindi na kaya.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla: “If it’s a JC performance or a Zanjoe performance, I’ll be very happy. Ahhm, I also think I… parang even on set naman, minsan talaga pinapanood ko lang silang dalawa... So, if the take away from the film is that it’s a JC or a Zanjoe film, I’ll be very happy. That means I did my job well.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results