Cryptic tweets ni Ken Chan tungkol sa backstabbing, patama kay Rita Daniela?

by PEP Troika
Apr 25, 2022
ken chan rita daniela tampuhan
Ken Chan: “Realization: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sayo ay kaya kang siraan. Buti na lang talaga…” Is Ken alluding to perennial love team partner Rita Daniela?

GORGY RULA

Totoo kayang may tampuhan ang dating magka-love team na sina Ken Chan at Rita Daniela? Ito na rin ba ang dahilan kaya binuwag na ang kanilang RitKen love team?

Read: Why Rita Daniela and Ken Chan, a.k.a. RitKen, have undeniable chemistry

Sa mediacon noon ng Mano Po Legacy: Her Big Boss, binanggit ni Ken na ang Ang Dalawang Ikaw ang huling TV series na pagsasamahan nila ni Rita. Magkakanya-kanya raw muna sila ng projects na iba ang makakatambal.

Read: Ken Chan, tiniyak na nakasuporta si Rita Daniela sa tambalan nila ni Bianca Umali

Wala pang nagsasalita sa kanila tungkol sa tampuhan ng dalawa, pero muling napag-usapan ito dahil sa magkakasunod na tweets ni Ken simula noong Sabado, April 23, 2022, tungkol sa taong nagba-backstab daw sa kanya.

Kabilang sa tweet ng Kapuso actor: “Reminder: Huwag na huwag kang maninira ng ibang tao masama yun, lalo na wala namang atraso sayo yung taong sinisiraan mo.

Continue reading below ↓

“Nakatingin sayo si Lord (pray emoji).”

May ipinost din siyang quote card:

Continue reading below ↓

May isang follower na maaring kilala ni Ken ang nag-comment at sinagot niya.

Sabi ng follower na may user name na Fanatic Girl: “Ken chan?! Ano puwede ako ngyn weekend. Pag usapan natin yan pinagdadaanan mo?! Shot puno na ba?! Hahaha.

"Pero kung ano man yan, kapit lang kay Lord di Ka niya huhusgahan. Tapos tawagan mo si Rita, ganern! Charooot!”

Sagot ni Ken: “Mas importante yung sinabi mo na kumapit kay Lord [smile and pray emoji].”

Komento ni Fanatic Girl: “Yun ang masakit sa backstab… hindi yun mga sinasabi or kinakalat niya, ang mas masakit kung sino ang may hawak ng knife paglingon mo.”

Pagsang-ayon ni Ken: “Nakuha mo!!”

Dahil dito, lalong pinagdudahang si Rita ang tinutukoy ni Ken, lalo na’t napag-uusapang may tampuhan silang dalawa.

Nilinaw rin kasi ni Ken na hindi ang mga kamag-anak niya ang kanyang tinutukoy sa magkakasunod niyang tweets.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya: “Nagtaka ka pa kung bakit ganito mga posts ko ah. Tanungin mo kaya sarili mo kung bakit.

“Realization: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sayo ay kaya kang siraan. Buti na lang talaga…”

JERRY OLEA

Sa pagtu-tweet na lang daw inilalabas ni Ken ang sama ng loob dahil malapit sa kanya ang taong ito. Humingi siya ng pasensya sa mga naapektuhan.

Continue reading below ↓

Aniya, “Ngayon lang ako nagpost ng mga ganito. I’m sorry guys kailangan ko lang ilabas ang galit na nararamdaman ko.

“Pasensya na naaapektuhan ko kayo. Hindi ko lang din kasi kinaya…”

Himutok pa ni Ken, “Kapag nagrant ako at nilabas ko ang saloobin ko baka hindi niyo kayanin kaya ok na ito. Salamat sa inyong lahat!”

Huling napanood ang RitKen sa MMFF 2021 official entry na Huling Tag-ulan sa Tag-araw.

NOEL FERRER

Base sa mga lumabas na tweets, meron ngang pinagdadaanan si Ken.

Pero ke patungkol yun kay Rita o hindi, at least nagpapakatotoo lang si Ken. At mahalagang mailabas niya yun. At naiintindihan natin yun!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan: “Realization: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sayo ay kaya kang siraan. Buti na lang talaga…” Is Ken alluding to perennial love team partner Rita Daniela?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results