GORGY RULA
Ang ganda ng ginawa ni Wilbert Tolentino kay Herlene Budol, kasi ang laki ng nabago sa kanya, lalo pa siyang gumanda!
Matapos ang Binibining Pilipinas, tiyak na sopistikada na si Herlene at hindi na bagay sa kanya ang bansag na "Hipon Girl."
Pero minahal si Herlene sa tunay niyang image at attitude, at sinusubaybayan itong journey niya hanggang sa Binibining Pilipinas 2022.
Kapag mabago ang image ni Herlene, lalo kaya siyang mamahalin ng mga Hiponatics at Ka-Budol?
Para sa akin kasi, parang mas type ko ang dating pagkakilala ko kay Herlene na siya lang talaga ang nababagay sa titulong Hipon Girl.
JERRY OLEA
Wagas ang pasasalamat ni Herlene Nicole Budol kay Karen Davila nitong Abril 25, 2022, Lunes ng gabi, sa Facebook at Instagram dahil sa tsekeng P100K na ipinagkaloob nito sa kanya.
Post ni Herlene Hipon: “Isang malaking karangalan po uli yung nag Congratulate si Mam Karen Davila sa pag pasok ko sa Binibining Pilipinas 2022 at eto pa ang surpresa nya sa akin mga KaHipon at hanggang ngayon walang tigil iyak ko.
“ibinigay po nya sa akin yung earnings sa youtube nya nung ininterview nya sa akin nakaraan April 2 sa halagang 100,000 pesos po bago ako nag register ng Binibining Pilipinas na umabot ng 2.2M views.
“Mam Karen, God bless you more po at malaking tulong po eto para sa aking pamilya at ibibigay ko po eto kay Nanay Bireng at Tatay Oreng ko.
“Salamat ng Marami dahil 3 mons ako bawal mag tanggap ng trabaho at endorsement sa policy ng Binibining Pilipinas. kaya umaasa nalang din ako ng income sa youtube Channel ko sa pag pa vlog!
“mga KaSquammy sa mga indi pa naka panood ng interview ko po kay Mam Karen e ilagay ko sa comment section ang link.
“Salamat kay Sir Wilbert Tolentino at Pinakilala mo sa akin si Mam Karen Davila.
“Ako nga pala si Binibining number 8 Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at mag iiwan ng kasabihan ‘Magsipag at wag umasa sa iba. indi araw araw ay bday natin. baka magulat ka pa ka birthday mo si karen’”
As we write this, umabot na sa 2.3M views ang YouTube interview ni Karen Davila kay Herlene.
Samantala, naka-11.7M views na ang interbyu ni Toni Gonzaga kay Herlene na in-upload noong Hulyo 25, 2021 sa YouTube channel na Toni Gonzaga Studio.
More and more ang pinapasalamatan ni Herlene Hipon. Kahapon ng hapon ay nag-post din siya sa socmed ng pasasalamat kina Raffy Tulfo at Willie Revillame dahil sa pagsuporta sa kanyang journey sa Bb. Pilipinas 2022.
Read: Herlene Budol, tinawagan ni Willie Revillame nang makapasok siya sa Binibining Pilipinas 2022
NOEL FERRER
Wow, ganoon pala ang laki ng mga kinikita kapag nagba-vlog? Buti na lang, ginagamit ni Karen Davila ang kanyang platform para sa mabuti at nakaka-inspire.
Sana all! Sana, hindi na sa paninira at fake news!
Good luck kina Herlene Hipon at Karen. God bless your good souls!