Ruffa Gutierrez, may basbas ang pakikipag-usap ni Yilmaz Bektas sa kanilang dalawang anak

by PEP Troika
Apr 27, 2022
ruffa gutierrez daughters
Ruffa Gutierrez on being a single mother to daughters Venice and Lorin: "I’m just really grateful that I have a lot of work, di ba? Kasi, it’s not easy… happy lang ako na binless ako and, you know, I’m grateful that God has given me the opportunity to take care of my kids on my own."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

May basbas ni Ruffa Gutierrez na makipag-ugnayan muli ang dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice sa kanilang amang si Yilmaz Bektas.

Nasa tamang edad na raw ang dalawa para harapin ang pagkakataong makaharap ang kanilang ama at maayos ang dapat nang maayos, dahil kahit ano man ang mangyari ay ama pa rin nila ito.

Ayon kay Ruffa, nung nakaraang Holy Week ay nagkausap si Yilmaz at ang bunsong anak nilang si Venice.

Kuwento ng aktres sa nakaraang media launch ng bagong negosyo niyang Gutz and Glow, “Si Kezra, the sister of Yilmaz, sent me a message. Kasi, we’re in contact naman, e.

"Sabi niya, ‘Yilmaz had a dream about Venice last night. He’s just asking how’s Venice, and he wants to talk to her.’

“So, I told Venice, and Venice was, you know, quite upset. And she said, ‘Mommy, give my number. I wanna talk to him. I’m already 17 years old and I think it’s about time that we have a direct communication.’

Continue reading below ↓

“Nakakaano… sobrang tigas ni Venice. Pag-hello nung daddy niya, yung alam mo, matapang siya, and then pag-'Hello Venice, how are you…' waaah, yung talagang umiyak siya talaga. Talagang hagulgol si Venice.

"So, I guess, nandiyan pa rin talaga ang pain sa kanila, hindi mawawala yun, and I hope one day they will be reunited.

“Hindi naman kailangan kasama pa ako, di ba? Kasi, like I said, Lorin is 18 turning 19, and Venice is turning 18.

"Can you imagine? My God, I feel so old!

“So, nakita ko yung pain. I think the more that they are able to communicate with their dad, the more na mawawala, matatanggal yung pain sa heart nila.”

Noon pa man ay pinag-uusapan na nila ni Yilmaz ang pakikipagkita nito sa kanilang dalawang anak, pero hindi raw sila nagkakasundo kung saan gaganapin ang reunion.

Ipinaliwanag daw ito ni Yilmaz kay Venice nang nagkausap sila.

“Sabi naman ni Yilmaz, ‘I have reasons why I haven’t been able to see you. I’ve been telling your mom, kayo ang pumunta sa Istanbul.’

Continue reading below ↓

“E, ako naman, gusto kong siya ang pumunta sa Pilipinas. E, alam niyo naman, di ba? Medyo delikado, di ba?

"So, hindi kami nagkakasundo kung saan magkikita ang mga bata. And sabi ko, baka pag 18 o 19 na sila, sige, puwede na kayong pumunta sa Istanbul,” pakli ni Ruffa.

Read: Ruffa Gutierrez reveals reconnecting with ex-husband Yilmaz Bektas; is she open for reconciliation?

Sa tingin daw ng aktres, sa ganitong paraan ay magkakaroon ng healing at matatanggal ang bigat ng dibdib na dinadala ng kanyang mga anak, lalo na si Lorin.

Tingin daw ng panganay niyang anak ay dapat maging bahagi si Yilmaz sa mga gastusin sa pagpapalaki sa kanila ni Venice.

Ani Ruffa, “Maybe it’s the time na mag-reconcile sila. So, whatever pain na meron sa dibdib nila, matatanggal na yun. Because, after all, that’s still their dad naman.

“Hindi naman maiaalis yun, e. Kumbaga, wala na yung tatay nila sa buhay ko, but there’s sometimes na naiiyak ako na bakit ako nasa ganitong sitwasyon like that. Kasi siyempre, may anak kayo, di ba?

Continue reading below ↓

“But, I think, may trauma man sila, they’re matured enough to know that life goes on. Nandiyan naman ang mommy at daddy ko, ang daming nagmamahal sa kanila.

"Sana kung may trauma man sila, matanggal yun.

“Maybe one day, pag magkita sila ng daddy nila, I think that’s the only time na mawawala na lahat ng pain and trauma.”

JERRY OLEA

Sabi pa ni Ruffa, mabuting ang mag-aama na lang ang mag-usap dahil naiintindihan na nila ang mga nangyayari. Hindi na raw nila kailangang mag-usap ni Yilmaz.

“Ayoko nang ma-stress, kasi tuwing kausap ko siya pag mga ganyan ang topic, we end up ano, opening old wounds,” saad ni Ruffa.

“So, mabuting sila na mag-usap ng mga bata.”

Naging emotional si Ruffa nang sinabi niyang nagpapasalamat siya sa Diyos dahil naitatawid niya ang pag-aaral ng kanyang mga anak.

Sa Amerika nag-aaral ngayon si Lorin, at malaki raw ang tuition fee nito.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Ruffa, “Naging successful naman ako na wala akong support, di ba? Mas lalo ngang naging successful ako pagbalik ko dito, di ba? So, I’m very grateful.

“I’m just really grateful that I have a lot of work, di ba? Kasi, it’s not easy… happy lang ako na binless ako and, you know, I’m grateful that God has given me the opportunity to take care of my kids on my own.

“I’m just happy na tuluy-tuloy ang work. So, maraming salamat sa lahat na kumukuha sa akin. Thank you, guys, you’re helping my kids' tuition.”

NOEL FERRER

Teka, teka, ano reaction ni Ruffa about Herbert Bautista? Tumutulong ba siya sa kampanya?

In fairness kay Ruffa ha, kitang-kita ang glow niya!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez on being a single mother to daughters Venice and Lorin: "I’m just really grateful that I have a lot of work, di ba? Kasi, it’s not easy… happy lang ako na binless ako and, you know, I’m grateful that God has given me the opportunity to take care of my kids on my own."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results