AJ Raval, napagod sa pagpapasasa sa kanya ng apat na lalake sa Kaliwaan

by PEP Troika
Apr 28, 2022
aj raval on kaliwaan sex scenes
AJ Raval on Kaliwaan co-star Vince Rillon: “Yung torture scene ni Vince, parang hihimatayin ako kanina! Talagang nagtsi-chill ako, nagtatakip ako ng mata. Pero I don’t wanna miss the scene. Kasi, ang ganda! Ang ganda ng story. Ang galing na aktor ni Vince!”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Apat na lalaki ang nagpasasa kay Monica (AJ Raval) sa pelikulang Kaliwaan, na mag-i-streaming umpisa Abril 29, 2022, Biyernes sa Vivamax.

Ang mga ito ay ang Muslim admirer niyang si Raji (Juami Guitierrez), ang boyfriend na sekyu na si Boogie (Vince Rillon), ang astig na pulis na si Marlon (Mark Anthony Fernandez), at ang mataderong si TJ (Felix Roco).

Napagod ba si AJ sa pagpapasasa sa kanya ng iba’t ibang lalaki sa pelikula?

“Sa totoo lang po, yes po,” pag-amin ni AJ matapos ang special screening ng Kaliwaan nitong Abril 27, Miyerkules, sa isang sinehan sa Quezon City.

“Meron pong araw na parang… buong isang araw, puro karga lang ako. Umiiyak po ako.

“Tapos, nung pack-up na po kami, dala-dala ko pa rin siya. And then, tumakbo po ako sa friend ko. Lock-in kami nun, e.

“Tapos pumunta ako sa friend ko. Tapos pumunta lang ako dun, iyak lang ako nang iyak. Hindi ko po alam bakit ako umiiyak.

Continue reading below ↓

“Parang nadala ko po yung emosyon ng karakter.”

Matindi yung eksena ni AJ with Mark Anthony.

“Si Kuya Mark, di ko alam, aliw na aliw po ako sa kanya na katrabaho,” pahayag ni AJ.

“Parang after nun, gusto ko na siyang maging tropa. Nakakaaliw po siya. Tapos, yung eksena po namin, ahhh…

“Very ano naman po siya, very professional. Saka yung mga restrictions, talagang nagtatanong siya kung hanggang saan puwede.

“Marespeto naman po siya sa mga eksena namin. At napakagaling. Magaling po si Kuya Mark.”

Ito na ba ang huling sexy film o project ni AJ ba siya magbalik sa pag-aaral?

Read: AJ Raval, titigil na sa pagpapaseksi kaya umatras sa Scorpio Nights 3?

“Ay, hindi po!” bulalas ni AJ.

“Actually, hindi po ito yung last ko. Ahhh, meron po akong naka-line up na Sitio Diablo kay Direk Roman [Perez Jr.] naman po.

“At yung pagpapaseksi naman po and showbiz, never ko naman po sinabi na mawawala ako. Gagawa pa rin po ako.

Continue reading below ↓

“At yung pagpapa-sexy, gusto ko po siya, masaya po ako dun. Never ko na pong bibitawan yung pagpapa-sexy.

“Siguro, parang… ahhh, bawas-bawas lang din po siguro ako ngayon. Yun lang.”

Ang Kaliwaan ay isang splatter film, torture porn, o gorno (portmanteau ng ‘gore’ at ‘porn’). Nilikha ito ni Direk Brillante Mendoza, at idinirek ng protégé niyang si Daniel Palacio.

Ito ang unang pelikula ni AJ na nagkaroon ng special screening sa sinehan.

“Ang naging reaksiyon ko nang mapanood ito sa big screen… 'Ganito pala kaganda yung film! Kasali pala ako dito!' sabi ko sa sarili ko!” sambit ni AJ.

“Kasi, nung sinu-shoot namin yun, parang… nagbe-breakdown ako the whole day. Ang akala ko talaga, yung film, drama lang.

“So, hindi ko in-expect na ganun pala kaganda yung story saka yung, ayan, kung gaano kagaling sina Vince, sina Kuya Felix.

“Yung torture scene ni Vince, parang hihimatayin ako kanina! Talagang nagtsi-chill ako, nagtatakip ako ng mata.

Continue reading below ↓

“Pero I don’t wanna miss the scene. Kasi, ang ganda! Ang ganda ng story. Ang galing na aktor ni Vince!”

GORGY RULA

Hindi naman pala tuluyang iiwan ni AJ ang paghuhubad. Maaaring magiging mapili na lang ang sexy actress sa mga project na gagawin niya.

Pagkatapos nitong Kaliwaan ay gagawin na raw niya ang Sitio Diablo na ididirek naman ni Roman Perez Jr.

Gusto raw niyang may lalim na ang mga susunod na pelikulang gagawin niya, kagaya nitong Kaliwaan.

Sabi ni AJ, “Never ko naman bibitawan ang pagpapa-sexy. Siguro po gusto ko na lang po mag-prepare, mag-workout.

"Ang pagpapa-sexy naman po, gusto ko talaga siya. Natutuwa naman po ako pag tinatawag akong ‘pantasya ng bayan.’

"Kung ngayon po, kung magpapa-sexy po ako, gusto ko po yung may meaning po talaga,” saad ni AJ.

Natuwa raw ang pamilya niya (pati si Aljur Abrenica ha?) na nag-decide na siyang mag-aral.

Ayaw lang i-share ni AJ kung anong kurso ang kukunin niya at kung saang school. Pero sa Pampanga raw siya mag-aaral.

Continue reading below ↓

Read: AJ Raval, nag-enroll sa English Proficiency online course

NOEL FERRER

Malalim ang karga ng characters nina AJ at Vince sa pelikulang Kaliwaan.

Ipinaliwanag nang husto nina Direk Brillante at Direk Daniel ang mga karakter nila, at binigyan sila ng sapat na oras upang ma-internalize nila yun. Palagi silang pinaalalahanan ni Direk Brillante na magpakatotoo lang, at ilabas yung totoong emosyon.

Dun sa eksenang nag-away sina AJ at Vince ay nagtulakan muna sila off camera para makuha yung emosyon. Totoong nagkasakitan sila sa eksena, as in nagkapasa sila at nasugatan.

Sana, ginalingan na talaga ni AJ dito lalo pa’t magagaling ang mga leading men niya. Aabangan natin iyan!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on Kaliwaan co-star Vince Rillon: “Yung torture scene ni Vince, parang hihimatayin ako kanina! Talagang nagtsi-chill ako, nagtatakip ako ng mata. Pero I don’t wanna miss the scene. Kasi, ang ganda! Ang ganda ng story. Ang galing na aktor ni Vince!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results