Watch Now

Jillian Ward, may financial advice sa Prima Donnas co-stars

by PEP Troika
Apr 29, 2022
Jillian Ward
Jillian Ward on refusing to get into a romanic relationship for now: "Hindi pa po puwede. Ako po kasi, ayaw ko po mag-boyfriend po talaga. Pati po sa parents ko, ayaw din po nila."
PHOTO/S: @jillian Instagram

GORGY RULA

Bukas, April 30, 2022, na mapapanood ang ending ng pangalawang aklat ng Prima Donnas.

Umalagwa ang career ng tatlong bidang sina Jillian Ward, Sofia Pablo, at Althea Ablan, kasama na rin ang kontrabida sa kuwento na si Elijah Alejo.

Siyempre, mas nakakalamang si Jillian dahil mas nauna siyang nag-artista sa tatlong young stars.

Nakapag-ipon na siya, nakapagpundar ng maliit na negosyo, at recently ay natupad din ang matagal niyang pangarap na magkaroon ng sports car.

Read: Jillian Ward proud owner of BMW at 16: "My new baby car."

Sa nakaraang farewell mediacon ng Prima Donnas, tinanong namin si Jillian kung ano ang maipapayo sa kanyang co-stars kung paano ma-handle nang mabuti ang kanilang kinikita.

Ani Jillian, "Ang parents ko po talaga ang nagha-handle ng finances ko. Ang masasabi ko, unahin po nila yung mga necessary po talaga.

"Katulad po nung Trudis Liit ko po, nung seven years old ako, inuna po namin ang pagpapagawa ng bahay, bago po mag-invest sa sasakyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre po, kung kaya po nila, try po nila mag-business."

Pero mas mabuting pag-igihin pa rin daw ang trabaho bilang artista.

"Gawin po nilang mas malawak po yung way po nila para po makapag-ipon, like, businesses or gumawa po sila ng ibang way sa craft po nila para ma-express po nila ang talents po nila.

"Para po kasi sa akin, dapat po isipin nila para mag-improve ang isang artista bago po kumita lang," saad ni Jillian.

Abangan bukas ang ending ng book two ng Prima Donnas.

Ang ipapalit sa timeslot nito simula sa Lunes, Mayo 2, ay ang Apoy sa Langit, tampok sina Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos, Mariz Ricketts, Dave Bornea, at Lianne Valentin.

NOEL FERRER

Nabuo sa Prima Donnas ang love team nina Jillian at Will Ashley. Pero hanggang love team lang dahil ayaw pa naman daw ni Jillian magka-boyfriend.

"Hindi pa po puwede. Ako po kasi, ayaw ko po mag-boyfriend po talaga. Pati po sa parents ko, ayaw din po nila," pahayag ni Jillian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, ngayon po, focus po talaga sa work, lalo pong mag-start na rin po ako ng bagong show.

"So, kahit po nga crush, iniiwasan ko po ngayon kasi gusto ko po talaga na ang buong time ko ay mapunta po sa acting career ko.

"Sa amin naman po ni Will, talagang tumanda na po kami nang sabay. So, sobrang kumportable na po kami sa isa’t isa.”

JERRY OLEA

Wala akong naramdamang clamor para i-extend ang ikalawang aklat ng Prima Donnas. Wala na siguro itong ikatlong yugto.

Sa tatlong bida ng Prima Donnas, bongga si Sofia Pablo na title role sa fantaseries na Raya Sirena, na napapanood tuwing Sunday afternoon sa GMA-7.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jillian Ward on refusing to get into a romanic relationship for now: "Hindi pa po puwede. Ako po kasi, ayaw ko po mag-boyfriend po talaga. Pati po sa parents ko, ayaw din po nila."
PHOTO/S: @jillian Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results