Massimo Scofield, "sariwa" at "malinamnam" ang leading ladies sa Putahe

by PEP Troika
Apr 29, 2022
Massimo Scotfield, Ayanna Misola, Janelle Tee
Massimo Scofield (left) sa love scenes nila ni Ayanna Misola (center): "Walang malisya. Kumbaga, kailangan mong maging propesyonal talaga." Co-star din ni Massimo sa Putahe si Janelle Tee (right)
PHOTO/S: Jerry Olea / @ayannamisola / @_janelletee Instagram

JERRY OLEA

Malapit nang mapanood ang baguhang hunk actor na si Massimo Scofield sa Vivamax series na Iskandalo.

Read: Newbie sexy actor Massimo Scofield on full-frontal nude scenes: "Hindi naman siya mali para sa akin."

Katambal niya sa pelikula ang sexy star na si Ayanna Misola.

"Lalaki ako dito ni Agatha," sabi ni Massimo nang makatsikahan namin nitong Abril 27, 2022, Miyerkules, sa Wing Zone-Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

"Ako yung magiging buddy-buddy niya rito. Kumbaga, ako ang magbibigay minsan sa kanya ng liwanag.

"Nawawala na siya dito, e, wala na siya sa tamang kaisipan."

Maliban kina Massimo at Ayanna, nasa cast ng Iskandalo sina AJ Raval, Cindy Miranda, Jay Manalo, at Sean de Guzman.

Kasama rin sina Arnold Reyes, Jamilla Obispo, Arvic Tan, Rocky Salumbides, Julio Diaz, Evangeline Pascual, Joonee Gamboa, at Carlene Aguilar.

Tampok din sina Ayanna at Massimo sa pelikulang Putahe na nakatakdang mag-streaming sa Mayo 13 sa Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Massimo Scotfield, Ayanna Misola

Gaano siya ka-daring sa Putahe?

"Pulutan na pulutan po talaga! Kasi, talagang ibinigay ko lahat. Binigay ko lahat!" bulalas ni Massimo.

"Binigay ko lahat, sagad talaga. Walang pag-aalinlangan!"

Hirit ni Massimo, kung siya ay isang putahe, dinuguan siya.

Katuwiran niya, "Mahilig ako sa laman, tapos lalagyan mo pa ng dugo… sarap nun! Ha! Ha! Ha! Ha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naku, aayawan siya ng mga miyembro ng relihiyon na hindi kumakain ng dinuguan.

Natatawang biro ni Massimo, "Pero malay mo, pag napanood nila, mapatikim sila ng dinuguan, di ba?"

Ang isa pang bidang babae sa Putahe ay si Janelle Tee, at maihahambing ito ni Massimo sa inihaw na bangus.

"Matinik po siya, e. Matinik, solid! Malinamnam, masarap," sambit ni Massimo.

Saang putahe naman niya maikukumpara si Ayanna?

Napangiti si Massimo nang sakdal tamis, "Puwede kong sabihing… kasi, batang-bata ito, sariwang-sariwa. Sashimi, ganun!"

Iisa ang manager nina Massimo at Ayanna, si Jojo Veloso, kaya wala raw malisya ang mga eksenang naglalampungan sila.

"Wala! Wala po. Walang malisya. Kumbaga, kailangan mong maging propesyonal talaga," wika ni Massimo.

"Kasi, huwag po nating hahaluan ng malisya ang ganun. Awkward po yun. Saka pangit, ang pangit yung mabubuo ninyong samahan kung bibigyan mo ng malisya."

Nasa cast din ng Putahe sina Ronnie Lazaro, Shirley Fuentes, Carlene Aguilar at Mon Confiado. Ang Iskandalo at Putahe ay parehong idinirek ni Roman Perez Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

May mga limitasyon si Ayanna sa maseselang eksena, at OK lang iyon kay Massimo.

Ayon kay Massimo, "Nakukuha naman po namin yung ganung bagay. Kasi, OK na OK ang bond namin, ang samahan namin, ang bonding namin.

"Kumbaga, ginagawa na lang namin yun. Wala lang, parang ganun."

Itong Putahe ang big break ni Massimo bilang aktor. Before kasi ay pa-support-support lang siya, pero dito sa Putahe ay isa na siya sa lead stars.

GORGY RULA

Takaw-pansin ang pasilip ni Massimo sa eksena nila ni Jela Cuenca sa pelikulang Silip Sa Apoy, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Nagpasilip muli si Massimo sa papel na taong-grasa sa pelikulang Island of Desire, na idinirek ni Joel Lamangan.

Nasa Island of Desire din si Jela pero ang kaharutan nito roon ay si AJ Oteyza, samantalang si Sheree Bautista ang nakalampungan ni Massimo.

Sa Mayo 1, Linggo, may bagong pelikula si Massimo sa ilalim ni Direk Joel, ang GL movie na Girl Friday, kung saan co-stars niya sina Angeli Khang, Jela Cuenca, at Jay Manalo. Mag-asawa ang papel dito nina Jela at Massimo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Massimo Scofield (left) sa love scenes nila ni Ayanna Misola (center): "Walang malisya. Kumbaga, kailangan mong maging propesyonal talaga." Co-star din ni Massimo sa Putahe si Janelle Tee (right)
PHOTO/S: Jerry Olea / @ayannamisola / @_janelletee Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results