Watch Now

Christine Bermas, banta sa pagrereyna ni AJ Raval sa Vivamax?

by PEP Troika
Apr 30, 2022
AJ Raval and Christine Bermas
Kay AJ Raval (kaliwa) unang na-offer ang Scorpio Nights 3 na ngayo'y papangunahan na ni Christine Bermas (kanan).
PHOTO/S: Vivamax Facebook

JERRY OLEA

Walang gusot sa pagitan nina AJ Raval at Christine Bermas.

Si AJ ang first choice na magbida sa pelikulang Scorpio Nights 3. Nang mag-back out si AJ, napunta ang project kay Christine.

“Tapos na po ako siguro ng phase ng nag-i-start po, puro pa-sexy,” saad ni AJ nitong Abril 27, Miyerkules sa Wing Zone-Araneta Coliseum, Cubao, QC matapos ang special screening ng pelikula niyang Kaliwaan.

“Siguro po, time naman para mabigay sa iba yung ibang opportunity. Like yung Scorpio Nights, na-meet ko po kahapon si Christine Bermas sa grand launch ng Vivamax.

“Tuwang-tuwa ako sa kanya. Magaan ang loob ko sa kanya. Nagkuwentuhan kami.

“'Tapos ayun, natuwa naman ako, na-meet ko siya, magaan ang loob ko sa kanya. Wala namang anything na insecurity.

“Kung may mga baguhan naman, susuportahan ko lagi. Like si Angeli Khang, or si Jela Cuenca. Nakasuporta lang ako sa kanila.”

Pinagsasabong sina AJ at Angeli. Si AJ ang itinuturing na reyna ng Vivamax, pero banta sa trono niya si Angeli lalo pa’t ang pelikula nitong Silip Sa Apoy ang pinakamaraming views sa unang weekend ng streaming.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano naman po, kung merong competition na nagaganap, hindi na po ako makikipaglaban. Ibibigay ko na po sa kanya,” pahayag ni AJ.

“Mahal ko po si Angeli. Pareho kaming nasa Taya. Talagang pinu-push ko siya nung panahon na yun.”

Ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing siya ang kasalukuyang reyna ng Vivamax?

“Grabe naman po! Ahhhm, siyempre po, masaya po ako. Grateful po ako na itinuturing po akong reyna,” malumanay na lahad ni AJ.

“Pero para po sa akin, parang naman po lahat ng artist sa Viva…”

If ever, handa ba siyang iwan ang pagrereyna niya sa Vivamax alang-alang sa pag-ibig?

“Ngayon po? For the sake of love po? Naisip ko na rin po siya lately, na siguro po kung papipiliin ako, mas pipiliin ko po yung career,” pag-amin ni AJ.

“Kasi, pag love ang pinili mo, pwedeng mawala yung career. Unlike pag career ang pinili mo, pwedeng suportahan ka ng nagmamahal sa ‘yo, or bibitaw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s either malalaman mo na totoong mahal ka niya, o hindi ka mahal.”

Siyanga pala, kabilang sa mga sumuporta sa special screening ng Kaliwaan sina Christine Bermas, Ayanna Misola, Massimo Scofield, Benz Sangalang, at Rash Flores.

Streaming ang Kaliwaan umpisa Abril 29, Biyernes sa Vivamax.

Nilikha ito ni Brillante Mendoza, at idinirek ni Daniel Palacio.

Co-stars ni AJ sa Kaliwaan sina Vince Rillon, Mark Anthony Fernandez, Juami Gutierrez, Felix Roco, Irma Adlawan, at Denise Esteban.

GORGY RULA

Si AJ Raval pa rin ang pinakasikat sa kanilang lahat. Gusto ko ang beauty ni Christine Bermas, dahil may character at naiiba-iba ang itsura niya depende sa role na ginagampanan. Pero mas may dating pa rin si AJ.

So far, si Christine ang may Vivamax films na back-to-back-to-back ang streaming. Three consecutive Fridays na ipinalabas ng Vivamax ang Moonlight Butterfly, Sisid at Island of Desire kung saan tampok si Christine.

Si Angeli Khang naman, parang naalala ko nung kabataan ni Amy Austria. Sa kanilang tatlo, mas may lalim umarte si Angeli, at puwede pa siyang mahasa at magiging magaling na aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal na silang iniimbitahan ng The Boobay and Tekla Show para i-guest, pero ang hirap daw humingi ng schedule sa kanila.

Baka puwede na silang i-guest ng Viva sa ibang shows ng GMA-7 o kahit sa ibang TV network para nasa mainstream na rin sila.

NOEL FERRER

Oo, kapag natapos na ang medical situation natin sa Covid-19, iyan na ang target ng pandemic stars—ang lumawak ang reach at mapunta sa mainstream.

Sana, may iba pa silang talent na maio-offer sa audience.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kay AJ Raval (kaliwa) unang na-offer ang Scorpio Nights 3 na ngayo'y papangunahan na ni Christine Bermas (kanan).
PHOTO/S: Vivamax Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results