Apoy Sa Langit at False Positive, magsisimula na bukas!

by PEP Troika
May 1, 2022
Apoy SA Langit, False Positive
Dalawang bagong serye ang magsisimula bukas, May 2, 2022, sa GMA-7: Ang Apoy Sa Langit (kaliwa) at False Positive.
PHOTO/S: GMA-7

JERRY OLEA

Dominated ng Kapuso programs ang TV ratings tuwing weekend (Sabado at Linggo). Hindi makaporma ang mga kalaban, 'ika nga.

Ang kalaban ng Kapuso shows kung weekends ay sariling ratings. Ganoon din sa afternoon slots kung weekdays (Lunes hanggang Biyernes).

Sa primetime kung weekdays, Kapuso programs pa rin ang rumaratsada, pero kahit paano ay nakikipagpukpukan ang combined ratings ng Kapamilya shows na FPJ’s Ang Probinsyano at The Broken Marriage Vow.

Ayon sa AGB Nielsen NUTAM Ratings, noong Abril 22, Biyernes, tinalo muli ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ang tandem nina Melody (Sanya Lopez) at President Glenn Acosta (Gabby Concepcion).

Naka-12.2% ang combined ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano, samantalang naka-12.1% ang First Lady.

Pero nakabawi agad ang First Lady na naka-14.3% noong Abril 25, Lunes kumpara sa 10.9% ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Noong Abril 26, Martes, naka-13.7% ang First Lady kumpara sa 11.2% ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Noong Abril 27, Miyerkules, naka-14.9% ang First Lady kumpara sa 10.0% ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

At noong Abril 28, Huwebes, naka-14.6% ang First Lady kumpara sa 10.7% ng FPJ’s Ang Probinsyano.

First Lady ratings

Sa mga panghapong palabas ay namamayagpag ang Family Feud at mga teledrama ng GMA.

Sa finale week (Abril 18-22) ng Little Princess ni Jo Berry ay consistent ang pagrereyna sa hanay ng mga drama series.

Continue reading below ↓

Noong Abril 18, Lunes, naka-6.7% ang Family Feud, 6.5% ang Little Princess, 5.5% ang Artikulo 247, at 5.1% ang Prima Donnas.

Noong Abril 19, Martes, naka-7.1% ang Family Feud, 6.7% ang Little Princess, 5.7% ang Artikulo 247, at 5.3% ang Prima Donnas.

Prima Donnas`

Noong Abril 20, Miyerkules, naka-7.9% ang Family Feud, 7.0% ang Little Princess, 5.8% ang Artikulo 247, at 5.5% ang Prima Donnas.

Continue reading below ↓

Noong Abril 21, Huwebes, naka-7.8% ang Family Feud, 6.8% ang Little Princess, at parehong 5.4% ang Artikulo 247 at Prima Donnas.

Noong Abril 22, Biyernes, naka-7.4% ang Family Feud, 7.0% ang huling episode ng Little Princess, 5.7% ang Artikulo 247, at 5.5% ang Prima Donnas.

Noong Abril 23, Sabado, naka-4.6% ang Prima Donnas.

Kumusta kamo ang pilot week ng Raising Mamay na pumalit sa Little Princess, habang finale week na ng book 2 ng Prima Donnas?

Noong Abril 25, Lunes, naka-7.8% ang Family Feud, 5.6% ang buena manong episode ng Raising Mamay, 5.3% ang Prima Donnas, at 5.1% ang Artikulo 247.

Noong Abril 26, Martes, naka-8.4% ang Family Feud, parehong 5.9% ang Raising Mamay at Artikulo 247, at 5.8% ang Prima Donnas.

Noong Abril 27, Miyerkules, naka-8.6% ang Family Feud, 6.1% ang Raising Mamay, 5.8% ang Prima Donnas, at 5.5% ang Artikulo 247.

At noong Abril 28, Huwebes, naka-7.7% ang Family Feud, 6.1% ang Prima Donnas, 5.8% ang Raising Mamay, at 5.2% ang Artikulo 247.

Continue reading below ↓

Hindi na in-extend ang book 2 ng Prima Donnas na nagtapos noong Abril 30, Sabado. Malabo nang magka-book 3 ito.

Prima Donnas

Simula Mayo 2, Lunes ng 2:30 pm, mag-uumpisa ang teledramang Apoy sa Langit pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.

Bilang kapalit ng suspenseryeng Widows’ Web, magsisimula naman sa Lunes ng 8:50 pm ang False Positive, kasunod ng First Lady.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Dalawang bagong Kapuso drama series ang magsisimula bukas.

Una, ang Apoy sa Langit na pumalit sa timeslot ng katatapos lang na Prima Donnas.

Apoy Sa Langit

Para sa akin, nakaka-excite ito. After Mano Po Legacy: The Family Fortune kung saan kontrabida siya, balik-bida si Maricel Laxa sa GMA afternoon drama series.

Continue reading below ↓

Nadagdagan pa si Mariz Ricketts na ngayon din babalik sa pag-arte.

Ang isa sa lead actress dito na si Mikee Quintos ay excited din dahil first time din daw niyang kumanta ng isa sa theme songs nito.

Si Mikee ang kumanta ng love theme song na pinamagatang "Sa Iyo," at first daw niyang kumanta ng isang original song para sa ginagawa niyang drama series.

Natutuwa si Mikee dahil nagagawa pa rin niya ang first love niya, ang pagkanta kahit abala siya sa ginagawa niyang TV projects.

Pagkatapos niya ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, kaagad na ibinigay sa kanya itong Apoy sa Langit.

Si Zephanie Dimaranan naman ang kumanta ng official theme song nito na pinamagatang "Tunay na Mahal."

Pursigido rin ang GMA-7 sa pagbigay ng break sa mga bagong mukha na talents ng Sparkle GMA Artist Center.

Dito sa Apoy sa Langit ay bibigyan nila ng chance na mag-shine si Lianne Valentin.

Continue reading below ↓

Apoy Sa Langit

Hindi na bago si Lianne, pero hindi pa siya napapansin sa mga una niyang nagawa.

Bahagi siya noon ng ilang drama series ng GMA-7, pero itong Apoy sa Langit ang nabigyan siya ng magandang role, medyo may pagka-daring siya rito.

“It's very challenging and new for me,” pakli ni Lianne.

Continue reading below ↓

“I just know na it's sexy, daring, and mature role pero mas na-realize ko habang tumatagal na yung role ni Stella, there's more to it dahil maraming shift and emotions…

“And personally yung pagiging sexy and daring, nahihirapan ako diyan pero sinet ko lang yung mind ko na I'm gonna commit, ako si Stella, I'm gonna do Stella, and Stella is my role, sa akin lang siya, wala nang iba and it pulled off naman and sobrang iba yung makikita ninyong Lianne dito.”

Ang dinig ko, may isa pang bagong mukhang balak nilang bigyan ng magandang project, ang isa pang magandang taga-Sparkle na si Elle Villanueva.

Samantala, sa GMA Telebabad naman ay mapapanood na ang first project ni Xian Lim bilang Kapuso leading man. Ito ang False Positive na mini-series kung saan ay susubukan ang tandem nila ni Glaiza de Castro.

False Positive

Continue reading below ↓

Medyo naalangan pa raw noon si Glaiza kay Xian dahil first time nilang magsama sa isang project, pero ang nakakatuwa raw sa bagong Kapuso actor, talagang siya ang nag-effort na makisama at nakipag-bonding sa lahat na katrabaho nila rito sa False Positive.

“Pero siyempre pag bago, di ba? Parang hindi mo alam kung paano i-approach. Parang nahihiya ka pa. Pero makikita naman sa tao kung friendly siya. Siya naman talaga ang nagri-reach out. Bonding nga siya sa set e.

“Nakakatuwa siya… kasi may ibang tao, di ba, na may sariling mundo? Minsan ganun ako, e. May sarili akong mundo.

“Nakakatuwa na nakikipag-bond siya. Kahit sa mga zoom sessions namin, nakikita na okey ang taong ito,” puri ni Glaiza kay Xian.

Bukod kay Xian ay maganda rin ang role na ibinigay kay Herlene Budol bilang si Maganda.

Pero hindi lang makapag-promote si Herlene dahil nasa Binibining Pilipinas na siya ngayon.

Pero nakini-kinita kong magbibida rin itong si Herlene sa isa sa mga drama series ng GMA-7.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ang daming available work sa GMA talaga!

At ang dami na ring tumalon at sumakabilang bakod like Xian Lim and Zephanie.

Pero maganda rin na may napapasikat na mga bago ang GMA-7, at sila ang may kakayahang magbigay ng clear brand sa mga artista.

Kahit papaano, buhay ang entertainment industry.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang bagong serye ang magsisimula bukas, May 2, 2022, sa GMA-7: Ang Apoy Sa Langit (kaliwa) at False Positive.
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results