Watch Now

Mga bida ng False Positive, may unforgettable memories sa paglilihi

by PEP Troika
May 1, 2022
Tonton Gutierrez
Buboy Villar
Rochelle Pangilinan
Alma Concepcion
Dianne dela Fuente
Ikinuwento ng mga bida ng GMA-7 teleserye na False Positive na sina (L-R) Tonton Gutierrez, Buboy Villar, Rochelle Pangilinan, Alma Concepcion at Dianne dela Fuente ang kani-kanilang mga unforgettable moments habang nagbubuntis o naglilihi ang kanilang mga asawa. Photo credits: Nice Print Photo (Rochelle Pangilinan); Instagram (Tonton, Buboy, Alma, and Dianne)

GORGY RULA

Naungkat muli ang pinagdaanan ni Alma Concepcion nung nabuntis siya sa kanyang nag-iisang anak nang napag-usapan ang paglilihi ng mga nanay sa nakaraang mediacon ng False Positive.

Tinalakay kasi sa bagong drama series na ito nina Glaiza de Castro at Xian Lim ang hirap na pinagdaanan ng mga nabubuntis.

Dito nangyari ang sumpa na ipinaranas kay Xian kung paano magbuntis ang isang babae.

Kaya sa mediacon ng bagong drama series na ito sa GMA Telebabad, tinanong namin ang experience ng ibang nasa cast na nanay na kung anong hirap ang pinagdaanan nila nung naglilihi sila.

Ayon kay Alma Concepcion, nung panahong naglilihi siya ay naghiwalay sila ng ama ng kanyang anak.

Mabuti at nandiyan daw ang mga kaibigan niyang nakaalalay sa paglilihi niya.

“Nabuntis ako na single, kasi nag-break kami ng dad ng anak ko nung ano… ang mga nakapaligid sa akin nun, mga kaibigan. Nagrelyebo sila sa akin, lahat sila nag-sleep over,” pakli ni Alma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang weird lang nung pagbubuntis ko nun, ang hinahanap ko, ang burger steak ng Jollibee.

“During that time, year 2000, kokonti pa lang yung 24 hours na Jollibee. So, minsan may isa akong kaibigan na 6:00 am pa lang, nakapila na siya sa Jollibee na sarado pa.

“Effort talaga yung paghahanap ng burger steak for me, kasi wala pang 24 hours na Jollibee nun,” dagdag niyang pahayag.

Ang hirap daw noon na buntis ka, tapos nakipaghiwalay sa kanyang partner. Isa raw iyun sa mga hirap na pinagdaanan niya.

“Habang nagbubuntis ako, I was going through a breakup. So, double whammy siya bale. So, tapos hindi ka makainom.

“May mga bagay na broken-hearted ka, single ka, hindi ka buntis, puwede kang gumimik. Puwede kang magpakalasing, everything. Kaya lang nung sa akin, hindi ako puwedeng uminom. Hindi ako puwedeng maki-party sa mga friends ko, so mas mahirap.

“Yun yung pinakamasakit na nangyari sa buhay ko na nabuntis ako na break din kami ng daddy ng anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyun yung lowest point sa buhay ko. If I look back, sa dami ng mga pinagdaanan ko, iyun ang pinakamasakit, kasi talagang yung recovery ko, taon, e.

“Kasi habang nagri-recover ako sa break-up, may anak ako. Buntis ako. Napakahirap nung depression,” saad ni Alma.

Mabuti ngayon at hindi naman daw naapektuhan ang anak niya dahil sa mga kalungkutang pinagdaanan niya nung buntis siya.

Ang anak daw niya ang nagbibigay-saya sa kanya, at thankful din siya na tuluy-tuloy ang trabaho niya kagaya nitong False Positive na magsisimula na sa GMA Telebabad, bukas, Mayo 2.

JERRY OLEA

Hirap din daw nung nagbubuntis siya si Rochelle Pangilinan, na kasama rin sa False Positive.

Pero mabuti at ang haba raw ng pasensya ng asawa niyang si Arthur Solinap na pinahirapan din niya nung stage nang paglilihi niya.

“Ang gusto ko lang kasi nun, siya [Arthur] lang lahat na nagbibigay sa akin ng lahat na gusto ko,” pagbabalik-tanaw ni Rochelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kunwari, pag pinabili niya sa iba, gusto ko si Art ang bumili. Pero pag pinabili ko na sa iba, parang hindi ko na siya makain. Nag-change of heart na ako. Akala niya pinagtitripan ko siya. Pero sa tingin ko, hindi, e.

“Kasi nung nagpabili ako sa kanya ng siopao, iba yung bumili, binili pa from Iloilo, 'tapos dinala dito sa Manila, hindi ko na gusto. 'Ay, ayoko na ng siopao,' kasi ang gusto ko lang talaga si Art ang bumili. Kahit anong siopao, kahit diyan-diyan lang, basta si Art lang ang bumili lahat.

“Parang na-enjoy ko lahat na paglilihi at pagbubuntis ko. In-enjoy ko talaga lahat ng stage.”

Kasama rin sa cast ng False Positive ang dating singer na si Dianne dela Fuente.

Maaga siyang nabuntis at napakasalan ang kanyang non-showbiz husband na napaka-supportive daw sa kanyang pagbubuntis.

“He was very supportive. Until now, yung pagsasama namin kahit na it’s been 19 years, it’s been strong,” kuwento ni Dianne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang mga trials na dumaan sa amin… actually, my second child was diagnosed na may butas sa puso. So, that made our bond… yung relationship namin, bonded po talaga. And that’s one of reasons bakit hindi na nasundan ang second child ko.

“She’s now 16. She’s okay na… boy and girl po sila, e. So, sabi ko, I’d rather ano e… okay na ako sa dalawa, na mabuhos mo lahat na atensyon mo, ng love mo. Nag-stop din ako sa showbiz for some time para to stay home.”

NOEL FERRER

Hindi pahuhuli ang mga aktor na nasa False Positive. Ibinahagi rin nila ang kanilang pinagdaanan nung nagdadalantao ang kanilang misis o partner.

Kuwento ni Tonton Gutierrez, “Masaya na at the same time, mahirap. Kasi may panahon na naglilihi siya ng santol.

“Nung panahon na yun, hindi season ng santol. Lahat na fruit stand na napuntahan sa Quezon City, umabot ako ng Makati, umabot ako ng Maynila, wala akong nakitang santol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, one time… pinalilihian pa rin niya [Glydel Mercado] ang santol. Ilang araw kong hinanap iyan, siguro a week.

“One time, nagkausap kami ni Pekto. Nakuwento ko kay Pekto na ang asawa ko, naglilihi ng santol, e hindi naman panahon ngayon yun, e.

“Sabi niya, ‘Diyan sa may bahay ng lola ko, merong santol.’ Sabi ko, saan? Sa may Fairview daw.

“Sabi ko, puwede ba akong makahingi? ‘Puwede naman.’ ‘Sige, puntahan ko kahit saan iyan.’ Ayun, nakahingi na ako ng santol.

“Umuwi na ako kay Glyds, eto na yung santol. ‘E, hindi ko na gusto e.’

“Almost two weeks na everyday ko hinahanap yun.

“Lahat naman na pinaglihian niya, mga naiisip niya na kainin, nag-effort naman talaga ako na ibigay sa kanya.”

Ganundin daw ang karanasan noon ni Buboy Villar nung ipinagbubuntis ng dati niyang partner ang panganay niya.

“One time na naglilihi ang ex ko nun, gusto niya ng grapes na walang buto. Ayaw niya na may buto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naghanap ako. Pumunta ako kung saan-saan na market, sa Muñoz, sa Commonwealth, talagang wala. Although, may nahanap ako sa may Farmers [Market, Cubao].

“Pagdating ko, pakwan na pala ang gusto niya.

“May pikon ako, kasi alas-tres ng madaling araw, talagang hindi siya makatulog.

“Pero siyempre, bilang isang partner niya, ayoko rin naman siya na malungkot. Ayokong maramdaman niya na parang hindi siya inaalagaan siyempre.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinuwento ng mga bida ng GMA-7 teleserye na False Positive na sina (L-R) Tonton Gutierrez, Buboy Villar, Rochelle Pangilinan, Alma Concepcion at Dianne dela Fuente ang kani-kanilang mga unforgettable moments habang nagbubuntis o naglilihi ang kanilang mga asawa. Photo credits: Nice Print Photo (Rochelle Pangilinan); Instagram (Tonton, Buboy, Alma, and Dianne)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results