Mga artista, patuloy ang pangangampanya para sa mga party list

by PEP Troika
May 1, 2022
Congressman Ronnie Ong
Coco Martin
Angel Aquino
Michael de Mesa
Patuloy ang pangangampanya ng mga artista para sa kani-kanilang napupusuang kandidato at party list representatives. (L-R) Congressman Ronnie Ong, Coco Martin, Angel Aquino and Michael de Mesa

GORGY RULA

Mahigit isang linggo na lang, eleksyon na at abala na ngayon ang mga artista at celebrities sa pagtulong sa pangangampanya ng mga kandidatong sinusuportahan nila.

Isa na rito si Coco Martin na habang nasa break ng taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, all-out ang pagtulong niya sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar kasama ang iba pang kasamahan sa kanilang teleserye para sa sinusuportahang AP Partylist.

Coco Martin
Rep. Ronnie Ong
Michael de Mesa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa grupo niya sina Julia Montes, Raymart Santiago, Angel Aquino, John Prats, Michael de Mesa, at iba pang co-stars nila sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar kagaya ng Cebu, Pangasinan, at Tondo.

Congressman Ronnie Ong
Coco Martin
Angel Aquino
Michael de Mesa

Nakahiwalay sa pangangampanya si Yassi Pressman na malapit din sa first nominee nito na si Cong. Ronnie Ong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging close sina Cong. Ronnie, Coco at Yassi nung nakaraang eleksyon kung saan may ibang partylist pa silang sinusuportahan noon.

Naging close sila magmula noon at sinasabi ni Coco na parang magkapatid na ang turingan nila ni Cong. Ronnie kaya all-out ang suporta niya sa muling pagtakbo nito sa ilalim ng AP Partylist.

Bukod sa grupo ni Coco Martin, may iba ring celebrities na sumusuporta sa Buhay Partylist kung saan ang ilan sa kanila ay kaibigan ng first nominee nitong si Von Valdepenas.

Nakiisa sina Janice de Belen at ang anak niyang si Inah de Belen, kasama rin sina Maxine Medina, Miriam Quiambao, Dianne Medina, Nicole Donesa, Jeffrey Santos, Arny Ross, Jan Marini, DJ Jai Ho, at celebrity athletes na sina Melissa Gohing at Peter June Simon.

Janice de Belen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maxine Medina

Melissa Gohing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahat daw sila ay nakiisa sa adbokasiya ng naturang partylist na pro-life at pro-God.

Samantala, nagulat kami nang nalaman naming pati pala si Melanie Marquez ay tumatakbo na rin. Third nominee pala siya ng Lingkud Bayan Partylist.

Wala pang sinasabi si Melanie kung anong sector ang niri-represent ng kanyang partylist.

NOEL FERRER

Para sa ating nasa media at entertainment sector, sana ay masuportahan natin ang mga manggagawa lalo na sa cultural, artistic at entertainment sector.

Ang kanilang kapakanan ay labis na naisantabi nitong pandemya at itinuring silang “non-essential.”

Lahat tayo, Kapuso man, Kapatid, Dabarkads, Katropa, Katrabaho, Kaibigan atbp ay mga Kapamilya, kaya ang 101KapamilyaPartylist ay para sa atin with their first nominee… multi-awarded writer Jerry B. Grácio.

JERRY OLEA

Noong Pebrero 27 pa naka-pin sa Facebook account ng katukayong si Jerry B. Gracio ang pag-asam niya na, “Sana may debate rin para sa mga partylist para matanong natin kung ano ang stand ng ACT-CIS at 1-Pacman sa political dynasty, ano ang nagawa ng Ako Bicol para sa mga Bicolano, o ng An Waray para sa mga Waray, totoo bang partylist ng mga 4Ps beneficiary ang 4Ps o nambubudol lang sila, para ba talaga sa kabataan ang Duterte Youth o para kay Duterte, bakit tinanggalan ng boses ng Tingog ang ABS-CBN, tinig pa naman ang pangalan nila, bakit lumipat si Pialago sa Frontliners, e na-disqualify na nga ang party-list niya, at ano ang masasabi ng first nominee ng Dumper partylist kay Juliana Pariscova.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng propesor at manunulat na si Joselito D. de los Reyes sa Facebook nitong Mayo 1, Linggo, "Bihira ang tunay na marginalized sa partylist. Sa pamagat lang sila marginalized.

“Kaya mula nang mauso ang partylist, kahit tawasin ako, hindi ako bumoboto ng alam kong ang nominee ay pakawala ng trapo.

“This election, nagkataon na may isang partylist na kilalang-kilala ko ang first nominee, si Jerry Gracio. Makata, manunulat, cultural worker at organisador. Alam ko ang likaw ng bituka. Galit sa halang ang kaluluwa.

“Kapamilya siya through and through. Batid niya ang problema ng sektor ng manggagawa. Hindi siya surplus ng mga trapo at political dynasties sa bansa. Alam niya ang kaniyang ginagawa. Kaya naman… #101KapamilyaPartylist.”

Para sa mansanas na masarap!!!

Suportado ng mag-asawang Senador Manny at Jinkee Pacquiao, pati ni Mommy Dionisia, ang partylist na 8 PDP Cares kung saan first nominee si Kathryna Yu-Pimentel.

Ang ibig sabihin ng PDP na iyan ay Pilipino Dapat Paglingkuran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dating sexy star at TV host na si Marissa del Mar ay first nominee ng 49 OFW partylist.

Sabi ni Ate Marissa sa presscon noong Abril 25, Lunes sa Max’s Sct. Tuason St., QC, ang ibig sabihin ng OFW partylist ay One Filipinos Worldwide.

Paliwanag ni Ate Marissa, “Meaning to say, kasama po ang ating mga overseas Filipino workers, local and overseas. Lahat po ng ating manggagawa at mga pamilya.

“Kaya One Filipinos Worldwide, lahat po tayo, nakataya dito. Lahat po tayo, kasama dito.

“Ang One Filipinos Worldwide po is a sectoral organization kung saan kasama po natin ang karamihan sa ating mga OFW leaders sa lahat po ng private and non-private organizations.

“Kasama po natin ang mga non-government organizations, at tayo po lahat ay nagbuklud-buklod, nagsama-sama potayo.

“At hindi ko po nahindian ang clamor po ng ating mga OFW leaders, na tayo po ay ipagpatuloy po natin ang ating 22 years na pagseserbisyo po, mula pa po sa ating Buhay OFW TV ng TV5, World-Class Kababayan ng GMA News TV, at ang ating Up Close and Personal with Marissa del Mar sa IBC-13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Twenty-two years ago po nagsimula yung clamor natin for public service. Kaya gusto po nating ipagpatuloy ito upang sa ganoon ay mas marami pa po tayong matulungan sa abot po ng ating makakaya.”

Bakit ngayon lang siya sumabak sa election-related public service?

Napabuntong-hininga si Ate Marissa, “Two elections ago, may offer na po sa akin na pumasok tayo sa public service pero ang sabi ko po, e, hindi tayo ready but we are not closing our doors.

“Sabi ko, puwede naman tayong makatulong kahit sa maliit na bagay na pagtulong na ginagawa natin ngayon.

“Modesty aside, sabi ko po, kaya na natin ‘to kahit wala tayo sa pulitika. Pero dahil po sa ating mga OFW leaders, sa mga kababayan po natin na wala pong tigil na pumupunta sa atin sa ppisina, nagbabantay sa ating bahay at sa ating mga pinupuntahan…

“Na sinasabing, ‘Madam, kailangan pa po namin ang kagaya ninyo dahil kami po, natulungan niyo po na wala kayong hiningi na kapalit sa amin.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy ang pangangampanya ng mga artista para sa kani-kanilang napupusuang kandidato at party list representatives. (L-R) Congressman Ronnie Ong, Coco Martin, Angel Aquino and Michael de Mesa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results