Herlene Budol, hindi makapag-promote ng False Positive dahil sa Binibining Pilipinas

by PEP Troika
May 2, 2022
herlene budol
Si Herlene Budol nga ba ang magiging lucky charm ng bagong Kapuso prime-time series na False Positive?

GORGY RULA

Ngayong nakapanganak na si Jennylyn Mercado, ii-schedule na kaya ang pagre-resume ng taping ng Love. Die. Repeat na first project dapat ni Xian Lim sa GMA-7?

Siyempre, matatagalan pa iyan dahil aalagaan pa ni Jennylyn ang baby nila ni Dennis Trillo.

Read: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo welcome baby girl

Sabi naman ng kampo ni Xian, naghihintay lang sila sa pasabi ng mga boss ng GMA-7 kung ano ang susunod na show na gagawin ng bagong Kapuso actor, ngayong magsisimula na ang False Positive nila ni Glaiza de Castro.

Type din daw sana ni Xian ang hosting kung gusto siyang subukan ng GMA-7.

Pero excited siya rito sa False Positive dahil kakaibang serye ito na may halong fantasy at comedy.

Sabi ng direktor nilang si Irene Villamor, maganda ring mag-explore ng ganitong genre na may pagka-absurd.

Ang kakaiba pa rito ay kung paano nila ipinakita ang karakter nina Malakas at Maganda na ginagampanan nina Buboy Villar at Herlene Budol o si Hipon Girl.

Continue reading below ↓

“Bagong tingin kina Malakas at Maganda, nag-aaway pala sila!” natatawang pakli ni Direk Irene.

Ang lakas ng dating ngayon ni Herlene at pinag-uusapan ang partisipasyon niya sa Binibining Pilipinas 2022.

Read: Herlene Budol makes it to Top 40 of Binibining Pilipinas 2022

Hindi nga lang siya makapag-promote para sa False Positive dahil nakatutok na siya sa training niya sa Binibining Pilipinas.

Pero sabi ni Direk Irene, malaking bagay na ginampanan nina Buboy at Herlene sina Malakas at si Maganda kaya napahaba ang roles nila at mapapanood hanggang sa ending.

“Sobrang iba, dahil na rin given na si Herlene at si Buboy na parang ang comedic ano nila, timing, and the way na kung papano sila talaga nag-change si Malakas at si Maganda, which is cute. Tama naman,” dagdag niyang pahayag.

Magsisimula na ang False Positive ngayong Lunes ng gabi, May 2, 2022, pagkatapos ng First Lady.

Meron din itong live stream ngayong linggo. Basta may internet connection ka, maaari mo itong i-stream kahit nasa ibang bansa ka.

Continue reading below ↓

Mapapanood din ito sa official YouTube channel ng GMA Network mula ngayong Lunes, Mayo 2, hanggang sa Biyernes, Mayo 6, sa oras ng GMA Telebabad na 8:50 ng gabi.

JERRY OLEA

Iyong Mano Po Legacy: The Family Fortune ay eight weeks lang umere.

Ang second installment ng Mano Po Legacy na Her Big Boss ay na-extend.

Napag-alaman ng PEP Troika na one month lang ang False Positive. Pagkatapos nito ay isusunod ang Bolera nina Kylie Padilla at Rayver Cruz.

Titingnan muna siguro ng Kapuso executives kung malakas si Xian sa televiewers. Kapag mas nag-rate ang False Positive kesa sa pinalitan nitong Widows’ Web, napakagandang balita iyan para kay Xian.

Interesting na ikumpara ang False Positive sa Japanese comedy drama-series na He’s Expecting, na nag-umpisang mag-streaming sa Netflix umpisa Abril 21. Walo ang episodes nito.

Siyempre pa, may mga eksena sa False Positive at He’s Expecting na magpapaalala sa pelikulang Junior (1994), kung saan gumanap si Arnold Schwarzenegger bilang isang scientist na nabuntis at nanganak.

Continue reading below ↓

he's expecting and junior

NOEL FERRER

Nagre-rate ang mga programang nilalabasan ni Herlene Nicole Budol aka Hipon Girl kaya baka siya ang maging lucky charm ng False Positive.

Sabi ni Herlene sa interview sa kanya ni Ogie Diaz para sa YouTube channel nito, gagamitin na niya ang real name na Nicole Budol para sa Binibining Pilipinas 2022.

Continue reading below ↓

“Si Nicole na po ako ngayon. Ang totoo ko pong pangalan talaga, Nicole Budol. Parang dadagdagan ko lang po si Hipon na totoong ako po yung ipapakita ko,” ani Herlene.

“Kasi po sa school, Budol po ang tawag sa akin, ang surname ko po. Tapos sa amin po sa barangay po namin, Herlene po. Sa TV po, Hipon po.

“Ngayon po sa pageant industry po, ako naman po yung totoong ipapakita ko po, si Nicole Budol po.”

Siyanga pala, may social media manager o ghost writer na ba si Hipon Girl? Nag-iba na kasi ang estilo ng recent posts niya sa Facebook at Instagram.

Ano sa palagay ninyo, mga Ka-Budol, Ka-Squammy, at Hiponatics?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Herlene Budol nga ba ang magiging lucky charm ng bagong Kapuso prime-time series na False Positive?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results