Lolit Solis, pinasalamatan ng isang ginang sa "verbal abuse" nito kay Bea Alonzo

by PEP Troika
May 3, 2022
lolit solis verbal abuse on bea alonzo
May galit ba ang talent manager at entertainment columnist na si Lolit Solis (kaliwa) sa Kapuso star na si Bea Alonzo (kanan) kaya madalas niya itong birahin sa Instagram?
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

JERRY OLEA

Pinasalamatan ng isang fortysomething na ginang si Manay Lolit Solis nang makita siya nito kamakailan sa isang membership shopping place.

“Kinalabit niya ako. Thank you raw dahil na-save ko ang marriage niya,” kuwento ni Manay Lolit nang makatsikahan namin nitong Mayo 3, 2022, Martes, sa SuperSam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.

“Sabi niya, nasubaybayan niya ang pagbe-verbal abuse ko raw kay Bea Alonzo sa Instagram. Kahit ano pa raw ang sabihin ko kay Bea, dedma lang si Bea.

“E, siya rin daw, biktima ng verbal abuse ng asawa niya. Kaya naka-relate siya kay Bea. Natitiis daw ni Bea ang pagbe-verbal abuse ko raw kahit hindi kami magkaanu-ano.

“E, siya, gusto na raw sana niyang hiwalayan ang mister niya at idemanda. Pero dahil sa IG posts ko, hindi na raw siya makikipaghiwalay. Lalaban na lang daw siya sa pagbe-verbal abuse ng asawa niya!” bulalas pa ni Manay Lolit, na magdiriwang ng ika-75 kaarawan sa Mayo 20.

Continue reading below ↓

Natawa si Manay Lolit sa nasabing ginang kaya muntik na raw sanang bigyan niya ito ng gift cheque ng nasabing membership shopping.

GORGY RULA

Hindi raw alam ni Manay Lolit kung ano ang ire-react niya sa sinabi nung babae sa kanya. Sa tingin ko, napagod na rin si Manay Lolit sa kapu-post tungkol kay Bea Alonzo.

Tinanong nga siya ni Ogie Diaz kung ano ba ang galit niya kay Bea. Hindi raw niya alam. Pero aminado si Manay Lolit na masama ang loob niya sa manager ni Bea na si Shirley Kuan, na kasamahan niya sa PAMI (Professional Artists Managers, Inc.).

Pero tapos na yun. Nailabas na ni Manay Lolit ang saloobin niya, baka tumigil na rin siya.

Ang isa pa nga sa ikinaloka ni Manay Lolit, ginamit pa itong tanong sa "Maritest" segment ng Lunch Out Loud.

NOEL FERRER

Let Lolit Lead You Back. Sa totoo lang, nami-miss ko na si Nay Lolit.

Continue reading below ↓

I’m sure, wala lang sa kanya ang mga iyan at ang attitude niya sa buhay ay travel light at dapat masaya lang. Quite a good guide to living, di ba?

Mula sa PEP Troika, Advance Happy 75th Birthday, Nay Lolit!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May galit ba ang talent manager at entertainment columnist na si Lolit Solis (kaliwa) sa Kapuso star na si Bea Alonzo (kanan) kaya madalas niya itong birahin sa Instagram?
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results