GORGY RULA
Consistent pa ring mataas ang ratings ng Family Feud na tila nakasanayan nang panoorin ng televiewers.
Ayon sa AGB Nielsen NUTAM Ratings, naka-8.3% ang game show na hinu-host ni Dingdong Dantes noong nakaraang Biyernes, Abril 29, 2022.
Narito naman ang ratings ng mga prime-time show nung Sabado, Abril 30:
Naka-7.7% ang 24 Oras Weekend, at 1.6% ang TV Patrol Weekend. Naka-8.9% ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, at 1.4% ang My Papa Pi.
Ang Agimat ng Agila ay 10.6%, at 1.2% ang Pinoy Big Brother Kumunity Season 10. Ang fresh episode ng Magpakailanman ay 12.4%, at 1.5% ang Maalaala Mo Kaya.
Bukod sa Happy ToGetHer, okay na rin ang ratings ng ibang programa ng Kapuso network noong Linggo, Labor Day, Mayo 1.
Ang delayed telecast ng Miss Universe Philippines 2022 na ipinalabas sa umaga nung Linggo ay naka-4.2%. Sumunod ang iBilib na 3.3% at Kapuso Movie Festival na 4.4%.
Ang All-Out Sundays ay 4.2%, at 2% naman ang ASAP Natin ‘To. Naka-3.7% ang GMA Blockbuster (Shrek 2), at 3.5% naman ang FPJ Da King (Sigaw ng Katatungan).
Medyo tumaas ang Raya Sirena na naka-3.7%, at nakabawi ang The Best Ka! na may 3.9%.
Ang Regal Studio Presents (Supermom) ay 3.8%, at 5.5% naman ang Amazing Earth.
Pagdating sa prime-time block, naka-11.5% ang 24 Oras Weekend, at 1.6% ang TV Patrol Weekend. Medyo tumaas din ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-11.2%.
Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay 17.2%, at bongga rin sa taas ang The Boobay and Tekla Show na may 5.4%.
NOEL FERRER
Naka-12.2% ang “killer finale” ng Widows’ Web noong Abril 29, Biyernes ng gabi, sa GMA-7.
Highest rating iyon ng suspenserye nina Carmina Villarroel, Ashley Ortega, Pauline Mendoza, at Vaness del Moral.
Ang pumalit sa Widows’ Web umpisa Mayo 2, Lunes, ay ang False Positive nina Glaiza de Castro at Xian Lim.
Naka-6.5% lamang ang "finale fit for royalty" ng Prima Donnas (book 2) noong Abril 30, Sabado ng hapon, sa Kapuso Network. Laylay sa ratings ang book 2 ng Prima Donnas kumpara sa book 1 kung saan usap-usapan si Aiko Melendez bilang kontrabidang si Kendra.
Ang pumalit dito umpisa Monday afternoon ay ang Apoy sa Langit nina Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos, at Lianne Valentin.
Magtatapos na sa Mayo 7, Sabado, ang pangalawang aklat ng Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla. Sa timeslot nito siguro isasalpak ang Jose & Maria’s Bonggang Villa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera umpisa Mayo 14, 2022.
JERRY OLEA
Parehong naka-4.2% ang rating ng Miss Universe Philippines 2022 delayed telecast at All-Out Sundays noong Linggo sa GMA-7.
We cannot overemphasize na waging-wagi ang Kapuso programs tuwing weekend.
Samantala, nagtala ng all-time high na 641,000 concurrent viewers sa live airing ng Miss Universe Philippines 2022 noong Abril 30, Sabado ng gabi, sa YouTube channel ng ABS-CBN.
Napapanood ito nang LIBRE sa nasabing YouTube channel at iWantTFC.
Sariwain ang pagkapanalo ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi at ang kanyang pinagdaanan sa kompetisyon.
READ: Pasay City's Celeste Cortesi is Miss Universe Philippines 2022
Panoorin muli kung paano rumampa at pinakita ang kani-kanyang talino sa Q&A portion ng iba pang winners na sina Miss Universe Philippines Tourism 2022 Michelle Dee, Miss Universe Philippines Charity 2022 Pauline Cucharo Amelinckx, first runner-up Annabelle McDonnella, at second-runner up Ma. Katrina Llegado.
Huwag ding palampasin ang pasabog na final walk ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez suot ang kanyang Francis Libiran tuxedo suit.
Namnamin ang OPM performances nina EZ Mil, Sam Concepcion, JM Bales, at Arthur Nery pati na ang pagpukaw ng damdamin ng viewers ng American Idol finalist na si Francisco Martin.