41 directors ng DGPI, nagkaisa sa piniling pangulo na "walang itinatago, walang iniiwasan"

by PEP Troika
May 4, 2022
Directors Guild of The Philippines Inc., #PHElections2022, dgpi
41 directors ng DGPI, naglunsad ng campaign video kunsaan inihayag nila ang mga katangiang hinahanap nila sa napili nilang presidential candidate na iboboto sa May 9, 2022 elections.

NOEL FERRER

Apatnapu’t isa (41) sa pinakamagagaling na direktor ng bansa mula sa Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) ang naglabas ng video na ang pipiliin nila sa darating na eleksyon ay ang magbibigay ng "liwanag sa dilim."

Bravo sa DGPI!

Kabilang dito sina: Adolf Alix, Andoy Ranay, Antoinette Jadaone, Baby Ruth Villarama, Carlitos Siguion-Reyna, Dan Villegas, Dante Nico Garcia, Ditsi Carolino, Ed Lejano, at Ellen Ongkeko Marfil.

Kasama rin sina Erik Matti, Ice Idanan, Irene Villamor, Jay Altarejos, Jeffrey Jeturian, Jim Libiran, Joel Lamangan, Jose Javier Reyes, Jun Lana, Kanakan-Balintagos, at Keith Sicat.

Nakiisa rin sina Khavn, Kidlat Tahimik, Lav Diaz, Mac Alejandre, Mae Cruz Alvar, Mike Dagnalan, Mikhail Red, Paolo Villaluna, at Petersen Vargas.

Nandito rin sina Quark Henares, Rae Red, Raymond Red, Rica Arevalo, Rod Singh, Sari Dalena, Sigrid Bernardo, Treb Monteras, Victor Villanueva, Wil Fredo, at Zig Dulay.

Walang kulay, walang partido, pero alam natin yung makakabuti sa bayan. Karamihan dito ay mga hayag ang pagsuporta sa magiging Ina ng Bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"O, anong pipiliin nyo? Dilim? O liwanag?" mapaghamong tanong ng National Artist na si Kidlat Tahimik.

Ang mensahe ng video ay isinulat ni Direk Joey Reyes, at edited and coordinated by our DGPI President Paolo Villaluna!!!

Mabuhay!!!

Wala silang binanggit na eksaktong presidential candidate, bagkus ay inilarawan nila ang mga katangiang hinahanap nila sa karapat-dapat na lider.

Tanging boses lamang ng mga direktor ang maririnig sa video, habang ang visuals ay cut-to-cut ng mga eksena ng ilang mga piling artista.

JERRY OLEA

"Hinihingi ng panahong ito ang inyong kabayanihan, ang inyong tapang, ang inyong lakas upang manumbalik ang tamang kamalayan, ang katotohanan, ang katarungan, ang pag-asa."

Iyan ang panimula ng makabuluhang mensahe ng DGPI video, tampok ang tinig ng pinagpipitaganang direktor na si Lav Diaz.

Maarok kaya nina Aling Nena at Mang Kanor ang marubdob na mensahe ng video?

Maglalabas din kaya ng similar video ang Kapisanan ng mga Direktor ng Pelikulang Pilipino (KDPP)? What about the Film Academy of the Philippines (FAP) kung saan director general si Vivian Velez?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang DGPI at KDPP ay parehong nasa ilalim ng FAP, di ba? E, ang AKTOR (League of Filipino Actors), may pa-video pa ba kaugnay sa nalalapit na eleksyon?

Parami nang parami ang tanong sa ating diwa. Papunta na tayo sa pinaka-exciting na part, ika nga. Painit nang painit ang mga kaganapan, patutsadahan, at balitaktakan.

Nasa mga huling araw na ng kampanyahan, maging ang bentahan o bilihan ng boto. Pasiklaban ng miting de avance sa Sabado.

Naghahanda na ang iba’t ibang media outlet para sa coverage ng eleksyon.

"Labanan natin ang dilim! Labanan natin ang dilim! Labanan natin ang dilim!!! Waaahhh!!!" hiyaw ni Khavn sa pagtatapos ng DGPI video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Malaking bagay ang partisipasyon ng mga taga-showbiz at iba pang celebrities sa darating na halalan dahil sila pa rin ang mas interesting panoorin at subaybayan ng sambayanan.

Ano kaya ang pantapat dito ng napakasipag ding direktor na si Direk Darryl Yap, kung meron man? Ang ilan namang filmmakers ay playing safe na lang ba o ayaw na lang makialam?

Sa nangyayari ngayon, may mga magkakaibigang nagkakasira. May pamilyang nagkakahati-hati, pero sana pansamantala lang ito. Sana, magkakaintindihan bandang huli at kalimutan na kung saang kulay man tayo nitong eleksyon.

Nung nakausap namin si Pauleen Luna, sinabi niyang ipinapakita nila ang buo at solid na suportahan ng pamilya Sotto.

Iniintindi na lang daw nila na may ibang kaibigang naiba ang pinanigan at sinuportahan at naintindihan daw nila yun.

Nirerespeto raw nila ang desisyon ng bawat isa pagdating sa ganitong pagkakataon.

"Respetuhan lang naman. Wala namang pilitan. Siyempre, may kanya-kanyang opinyon ‘yan. Pero, siyempre there’s a line. Basta lang wala namang bastusan, okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero of course, we all respect each other’s opinions and bets, just like how they would respect ours.

"Pero hindi mo maiwasan, minsan may mga foul ka talagang makikita. Minsan kasi dalang-dala talaga yung mga tao," saad ni Pauleen.

Ayaw na lang daw nilang sumali sa mga nagbabalitaktakan at baka makaapekto pa ito sa pamilya.

Minsan ay nakakasakit, pero hindi na lang daw nila pinapatulan para hindi na lumala ang isyu at hindi masira ang pagkakaibigan.

"We have to be careful with what we say, because it might reflect on our family member who’s running for office. So, kagat-dila na lang, huwag na lang kalimutan.

"Sana nga, huwag lang din mawala yung respeto, dahil isang araw… hindi naman sa isang araw, siyempre we’re talking about our future.

"Pero, na pag-ano rin naman e. Itong pagkakaibigan natin, ilang taon din binuo, di ba?" dagdag na pahayag ng actress-TV host.

RELATED STORIES:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
41 directors ng DGPI, naglunsad ng campaign video kunsaan inihayag nila ang mga katangiang hinahanap nila sa napili nilang presidential candidate na iboboto sa May 9, 2022 elections.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results