Julie Anne San Jose, ano ang reaksiyon sa pagyakap sa kanya ni Rayver Cruz?

by PEP Troika
May 4, 2022
Julie Anne San Jose, Rayver Cruz
Julie Anne San Jose on closeness with Rayver Cruz: "Summer is always fun. Ray and I enjoy each other’s company, it’s always fun with him."
PHOTO/S: Julie Anne San Jose Facebook / Rayver Cruz Instagram

GORGY RULA

Natutuwa si Julie Anne San Jose na nakapag-guest siya ulit sa sikat na sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer.

Kasama si Julie Anne sa summer special na kinukunan ngayon sa Boracay, kaya nagpapasalamat siya kay John Lloyd at sa buong team ng Happy ToGetHer, lalo nang nalaman niyang binanggit ng aktor na ang episode nila ang isa sa pinakagusto nito.

Read: Happy ToGetHer ni John Lloyd Cruz, sa Boracay ang taping ng summer specials

"Such an honor po na ma-invite ulit dito sa show at thank you to John Lloyd na nagustuhan niya yung aming episode.

"Nakakatuwa ang cast talaga. Rehearsals pa lang, nagtatawanan na lahat," pakli ni Julie Anne nang nakatsikahan siya roon sa Boracay ng kaibigan naming si Joe Barrameda.

Julie Anne San Jose, John Lloyd Cruz

Continue reading below ↓

Hindi na namin pinalagpas ang matagal na naming kinukulit sa Limitless Star, ang tungkol sa kanila ni Rayver Cruz.

Read: Rayver Cruz, Julie Anne San Jose trade sweet messages on IG; are they an item?

Parang sumasabay kasi sa init ng summer ang closeness nilang dalawa.

"Summer is always fun. Ray and I enjoy each other’s company, it’s always fun with him," natatawang sagot ni Julie Anne.

Safe pa rin ang sagot ni Julie Anne tungkol sa kinatuwaan ng mga kaibigan nila at mga netizen sa Instagram post ni Rayver Cruz noong May 1.

Napayakap ang aktor kay Julie Anne sa halip na mag-apir pagkatapos nilang kantahin ang "Location Unknown" ng Honne.

Sabi nga ni Julie Anne sa mga nakaraang interviews, mas mabuting si Rayver na lang ang tanungin kung ano talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Pero sakaling sila na ni Rayver, mas gusto ba ni Julie Anne na tahimik na lang at hindi na aminin sa publiko?

Continue reading below ↓

"Ideally po, mas okay sa akin when it comes to relationships, to keep it private. Pero hindi ko po ililihim if ever may mag-ask po sa akin in the future po," diretsong sagot ni Julie Anne.

JERRY OLEA

Sabi pa ni Julie Anne, kaya sila lalong naging close ni Rayver ay dahil pareho silang mahilig sa music, at ito talaga ang madalas na bonding nilang dalawa.

"Yes, madami po kaming things in common na pareho naming hilig, like making music. Yun po ang isa sa mga bonding moments namin ni Rayver," sambit ni Julie Anne.

NOEL FERRER

Dahil malapit na ang eleksyon, magandang malaman kung sino ang napupusuang kandidato ni Julie Ann San Jose.

Nasabi niya rin ito sa mga naging kasamahan niya sa musical na Still.

Napag-uusapan kaya nila ni Rayver ang politika gayong ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz ay hayagang supporter ng anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos?

Continue reading below ↓

Kung magpapamilya nga, nagkakaiba ng mga pinipili, mga magjowa o magkaibigan pa ba?

Teka, magjowa na ba sina Julie Ann at Rayver? Or friends pa rin lang?

Naku, ha, they are of age na at lipas na sila sa pagpapa-tweetums, ha?!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on closeness with Rayver Cruz: "Summer is always fun. Ray and I enjoy each other’s company, it’s always fun with him."
PHOTO/S: Julie Anne San Jose Facebook / Rayver Cruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results