Gladys Reyes, dinepensahan ang pakikiisa sa inendorso ng INC sa 2022 elections

by PEP Troika
May 6, 2022
Gladys Reyes
Gladys Reyes: "Once and for all nag-post ako para ipakita ang panindigan ko sa pananampalataya at anuman ang mangyari matupad ang kaisahan sa Iglesia."
PHOTO/S: @iamgladysreyes Instagram

JERRY OLEA:

Noong Abril 25 pa pinost ni Pokwang sa Facebook ang litrato na kasama niya sina Ai-Ai delas Alas at Eugene Domingo para sa Mother’s Day presentation ng All-Out Sundays (AOS) sa Mayo 8, Linggo, sa GMA-7.

Pink ang motif ng episode na magpupugay sa Wonder Moms, at nagmumura ang pagka-kakampink ng suot ni Pokwang. Siyempre pa, kabilang sa Kapuso moms na tampok sa AOS ay si Gladys Reyes na miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC).

READ: Iglesia Ni Cristo, opisyal nang inendorso ang kandidatura nina Marcos at Duterte

KakampINC ba ang suot ni Gladys? E, meron ding nakadisenyong berde, puti at pula na stripes sa kanyang suot. Associated ang red kay BBM, at green naman kay Sara Duterte. At ang green, white and red ay INC colors, di ba?

Post ni Gladys sa Facebook nitong Cinco de Mayo, Huwebes ng gabi, May 5, 2022: "Ako po at ang buo naming pamilya ay mananatiling kaisa ng aming pamamahala sa loob ng Iglesia Ni Cristo at patuloy na ipatutupad ang kaisahan, dahil ito po ay nakasulat sa banal na kasulatan, sa 1 Corinto 1:10 na wag magkabaha-bahagi at magkaroon ng isa lamang paghatol (o pagboto).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ito po ay ipinatutupad sa loob ng Iglesia sa simula't simula pa lamang. Huwag din po sana lagyan ng kahulugan ang kulay ng aking kasuotan nuong nakaraan, dahil yun lamang ang color motiff para sa Mothers Day Special na aming ginawa at wala na pong ibang ibig sabihin.

"Patuloy pong maninindigan sa aking pananampalataya, dumating man ang pag-uusig, di magpapatinag.

"Higit sa lahat, sana ay manaig ang respeto at pang-unawa sa isa't isa, magkaiba man ng pananaw ang iba."

Bago si Gladys, nauna nang nagpahayag ng pakikiisa sa mga ka-member na INC si Jaclyn Jose.

READ: Jaclyn Jose defends INC's choices for 2022 elections

GORGY RULA:

Matagal nang nai-tape ang episode ng All-Out Sundays tampok ang mga showbiz mom, at bagay naman sa kanila para sa Mother’s Day segment nila ang suot na pink.

Pero hindi maiwasang lagyan pa rin ng kulay iyun at kung anu-ano na ang comment ng ilang netizens, kaya kailangang magpaliwanag ni Gladys Reyes, na ayaw naman niyang nakaka-offend sa kahit kanino o saan mang partido.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-text ko si Gladys kagabi at maingat siya sa kanyang mga sinasabi.

Aniya, "Once and for all nag-post ako para ipakita ang panindigan ko sa pananampalataya at anuman ang mangyari matupad ang kaisahan sa Iglesia."

Kaya nga raw siya nag-post dahil ang faith na raw niya ang kinukuwestiyon.

"Bottomline naman talaga respect and understanding," text ni Gladys sa akin.

"Kami ni Carmi [Martin], sobrang okay talaga. Magkaiba man kami ng religion o pananaw, hindi kami nagka-conflict kasi may respect," dagdag pang text sa akin ni Gladys.

NOEL FERRER:

Siyempre, may respeto tayo sa choice ng bawa’t isa at ang paninindigan ng kung sinuman. Pero extra careful tayo sa dinidiinan ng simbahan.

Kasi, ito dapat ang nagtuturo at gumagabay sa atin kung ano ang tama at mali. Lagpas ito sa relasyon natin sa kapatid nating si Gladys o sinumang taga-Iglesia.

Nabasa ko lang ito at ilalagay ko lang dito para sa malayang pamamahayag at pag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga ng kaibigan nating si Darry Alonzo mula sa nakita niya sa Twitter, "If your priests, pastors, ministers, church leaders are asking you to vote for a thief and a liar, then you need a new religion." What do you think, mga ka-Troika?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes: "Once and for all nag-post ako para ipakita ang panindigan ko sa pananampalataya at anuman ang mangyari matupad ang kaisahan sa Iglesia."
PHOTO/S: @iamgladysreyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results