JERRY OLEA
Ongoing ang exhibit ng art installation na KAINGIN sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Roxas Blvd., Pasay City.
Post ng CCP sa Facebook page nito noong Abril 30, 2022, “The Cultural Center of the Philippines presents KAINGIN: An Earth Month Art Installation by Jinggoy Buensuceso, curated by Junyee as a continuation of Angud Installation (2007).
“Jinggoy Buensuceso’s installation highlights the connections between humans and nature. The exhibition is open from 30 April to 30 May 2022 at the CCP Front Lawn and 4F atrium.”
Red thread ang ginamit sa nasabing art installation, at may kahulugan ito: “The red thread of fate is tied around the world, and it’s a tie that binds us. This is a prayer for a revolution, and each one of us is the revolution.”
Kapagkuwan ay naging pink ang ribbons na bumibigkis, at ang artist na si Jinggoy L. Buensuceso ay nag-post sa Facebook nitong Mayo 7, Sabado, ng umaga, “Tao Tao Kasama Kaba Sa Isang Libo?
“KAINGIN Forest Bloomed in Pink”
Kinagabihan nung araw ding iyon, nag-post ang CCP sa FB page nito:
“This is to inform the Filipino public that the CCP disavows any responsibility for the unauthorized action taken by a few personnel to deck the front lawn of the CCP with ribbons donning the color associated with one of the presidential candidates. This is a blatant and brazen violation of election rules.
“The management firmly reiterates that the CCP is a government institution and therefore will never engage in any partisan activities specially during elections.
“We express our sincerest apologies for this unconscionable breach of electoral laws and betrayal of public trust.
“Rest assured that a sweeping and prompt investigation will be undertaken to uncover the personnel responsible for the said act.”
Agad kaming nag-message kay Jinggoy L. Buensuceso via Messenger upang linawin ang usaping ito. As of this writing ay wala pa kaming natanggap na tugon.
Mayo 8, Linggo ng umaga, nagsadya kami sa CCP.
Aba! Wala na ang bigkis sa art installation!
Nang usisain namin ang guard kung kailan tinanggal ang pink ribbons, ang sagot nito sa amin, “Tinanggal din agad.”
NOEL FERRER
Alam ba ninyong parehong hiningi ng kampo ni BBM at ni Ma’am Leni ang CCP Open Grounds para gamitin sa Miting De Avance at iba pang rallies?
Meron pang nakarating na kuwento sa Troika na ang kampo ni BBM ay dumaan pa sa isang board member ng CCP ngunit mariin ang pagtanggi ng CCP sa partisan politics.
Laking gulat ko nga na marami sa kanila ay nakita ko sa Miting De Avance ni VP Leni kagabi sa Makati City...possibly on their personal capacity.
GORGY RULA
Nadadaanan ko nga iyan kapag pumapasok ako sa aming radyo, at iba naman ang aking interpretasyon sa obrang iyan ni Buensuceso.
Ngayong nagkaroon pa ng isyu dahil sa laso na nakabigkis sa naturang art installation, lalo tuloy nabahiran ng pulitika.
Tinanggal na ito, at parang mas na-appreciate ko na siyang tingnan.
Hindi lang naman sa exhibition na ito natin makikita ang mensahe sa malaking hamong haharapin natin bukas.
Kahit sa misang dinadaluhan natin ngayon, halos iisa ang mensaheng gustong iparating ng mga paring nagmimisa.
Pahalagahan ang ating boto. Huwag ibenta ang ating boto, dahil hindi ang boto ang ating ipinagbili kundi ang ating kinabukasan, pati ang ating mga anak at apo.
Sabi ni Fr. Mario Sobrejuanite sa isa sa mga gospels niya, isipin natin na mahalaga ang boto ng bawat isa. Ang boto natin lahat ay pareho lang ang halaga.
Ang boto ng pinakamayamang botante ay pareho lang sa boto ng pinakamahirap na botante.
Ang boto natin bukas ay walang kulay, at hindi boto sa kung kaninong tao, kundi boto sa ating bansa.
Ang iboboto natin ay para sa lahat na mga Pilipino, hindi para sa iilan lamang.
“You should not wish a person to win. You wish na dapat bayan ang manalo,” pakli ni Fr. Sobrejuanite.
“Kapag sinasabi natin na ang dapat na manalo ay Pilipinas, dapat na itanong natin, sino kaya ang magpapanalo ng Pilipino?” dagdag niyang pahayag.
Diyan na ngayon papasok ang tamang qualities ng isang taong magpapanalo sa mga Pilipino.
Kaya dito na natin pag-aralan ang nararapat na karakter ng isang kandidato.
Siyempre, ang nakikita naman natin ngayon sa mga tumatakbo ay ang pinakamabuti nilang karakter.
Bakit hindi natin suriin ang tunay na karakter ng taong mamumuno sa ating bansa?
Ano ba ang tunay na karakter ng taong ito na nakikita natin bago mag-eleksyon, during the election, at pagkatapos ng eleksyon? Ito ang pag-isipan natin at pag-aralan.
Hindi sa mga nakikitang kulay na suot ng tao at pati sa kulay ng isang art exhibition.
Sana, bukas, sa pagpunta natin sa voting precint, ipagdasal daw natin na tayo ay magiging ‘enlightened voter.’