Pangunguna ni Robin Padilla sa senatorial race, tumanggap ng magkahalong reaksiyon

by PEP Troika
May 10, 2022
robin padilla leads senatorial race
Magkahalo ang naging reaksiyon ng theater actor na si Johnrey Rivas at ni FDCP Chairperson Liza Dino sa pangunguna ng aktor na si Robin Padilla sa senatorial race.
PHOTO/S: @marieltpadilla on Instagram

JERRY OLEA

Nagpupuyos ang kalooban ng ibang Kakampinks sa pag-ariba ni Robin Padilla sa senatorial race samantalang ligwak sa Top 12 si Chel Diokno.

Read: Robin Padilla, di makapaniwala sa pangunguna sa senatorial race

Naghuhumiyaw ang Facebook post ng theater actor na si Johnrey Rivas sa Facebook nitong Mayo 9, 2022, Linggo ng gabi, “OKAY PLEASE, THIS IS JUST MY REQUEST! SA LAHAT NG BUMOTO KAY ROBIN, PLEASE UNFRIEND ME! PARANG AWA NIYO NA. PROMISE MAGIGING MASAYA BUHAY NIYO NG HINDI NIYOKO KAIBIGAN.”

johnrey rivas post

Continue reading below ↓

Dagdag-himutok ng iritadong si Johnrey, “Dinaan tayo ni Mareng Mariel sa paglaglag ng ELECTRICFAN! Tapos, sa pa wonderful tonight ni Padilla! Susmaryosep!”

johnrey rivas post

Mayo 10, Martes ng madaling-araw, ang shout out pa ni Johnrey sa FB: “Boss Robin Padilla para matuwa kami sayo, Hire mo nalang si Atty. Chel Diokno para siya nabahala. Ayieee”

Continue reading below ↓

johnrey rivas

Sa kabilang banda, nag-uumapaw ang tuwa ni FDCP Chair Liza Diño sa pagkapanalo ni Robin, na tinagurian dati bilang "Bad Boy of Philippine Cinema."

Post ni Chair Liza sa Facebook nitong Martes ng madaling-araw: “Congratulations kuya SENATOR Robin Padilla!

“Sa wakas, maipapasa na ang Eddie Garcia Bill dahil nandyan ka na sa Senado. Mula noon hanggang ngayon, ikaw ang kasangga ng FDCP para ipagtanggol ang karapatan ng mga workers!

Continue reading below ↓

“You have always been the silent supporter on this advocacy. Unfortunately, sa senado nabinbin ang pagsasabatas ng EDDIE GARCIA BILL. But things happen in its proper time at naniniwala akong ito na ang pagbabagong hinihintay ng ating mga manggagawa para kilalanin ang mga karapatan nila.

“Nakakalungkot na ibang mga ka-industriya pa natin ang hindi naniniwala sa kakayahan mo but I bear witness to your aspirations and vision for our sector. Panahon na para magkaroon ng taong may tunay na malasakit at KATAPANGAN na sya mismong magsusulong para sa pagpapayabong ng pelikulang Pilipino.

“KEBER SA SINASABI NG IBA. Hindi ka nila kilala. Daanin mo na lang sa gawa. I'm rooting for you! I know your heart is in the right place.

“MABUHAY KA KUYA ROBIN!“ Kung nabubuhay pa sina Dikong (Direk Deo J. Fajardo Jr.) at Ate Luds (Inday Badiday o Lourdes Jimenez Carvajal) ay siguradong tuwang-tuwa sila sa tagumpay na ito ni Binoe (palayaw ni Robin)!!!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Marami nga ang nagulat sa pangunguna ni Robin Padilla sa senatorial race.

Pero ayon sa ilang kaibigang Muslim na nakausap ko bago mag-eleksyon, talagang 100 percent ang suporta ng Muslim community sa kandidatura ni Robin. Malaking bagay ring inendorso siya ng Pangulong Rodrigo Duterte at nasa kampo pa siya ng Uniteam nangangampanya.

Continue reading below ↓

Ang buong akala namin ay si Raffy Tulfo ang mangunguna, pero sinabi ng broadcaster sa isang interview na hindi niya hinahangad ang mag-number one. Mas hangad daw niya ang tumulong sa taumbayan.

Inaasahan din natin iyan kay Robin na alam kong may malasakit naman sa mas nangangailangan.

Pero hindi mapigilan ang mga nakakainsultong komento ng maraming netizens na hindi makapaniwala sa pagkapanalo ng aktor. Naikukumpara pa nila kay Atty. Chel Diokno na mas may karapatan daw makapasok sa Top 12 kesa kay Binoe.

Pero si Robin ang pinili ng masa, na sa tingin ko, patok sa mga tao ang pagla-live selling ng asawa niyang si Mariel Rodriguez, at ang nag-viral na “nahulog ang electric fan!”

Sa pagkapanalo ni Robin sa Senado, ang dami na namang memes na forte talaga ng mga Pinoy. Natawa na lang kami sa comment ng iba na puwede na raw makabuo ng isang action movie sa Senado na pinamagatang…

Continue reading below ↓

“Ang Pinuno, si Agimat at si Bad Boy!”

NOEL FERRER

Binabati natin si Robin Padilla sa kanyang pagkapanalo.

We wish him well, at sana mas marami pa siyang mapagsilbihan sa kanyang bagong posisyon bilang senador!

Lagi tayong umaasa kapag may isang taga-industriya nating nagwawagi sa eleksyon na sana ay mapagsilbihan niya ang ating sektor nang maige, lalo pa’t naisantabi tayo (at naging non-essential) sa mahabang panahon.

Sana talaga ay pansinin tayo bilang mahalaga at maimpluwensiyang sektor ng lipunan.

Good luck and all the best, Binoe!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkahalo ang naging reaksiyon ng theater actor na si Johnrey Rivas at ni FDCP Chairperson Liza Dino sa pangunguna ng aktor na si Robin Padilla sa senatorial race.
PHOTO/S: @marieltpadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results