Watch Now

Vico Sotto, wagi ulit para sa second term niya bilang mayor ng Pasig City

by PEP Troika
May 10, 2022
vico sotto second term
Vico Sotto, son of Vic Sotto and Coney Reyes, wins his second term as Pasig City mayor with a landslide victory against his opponents.
PHOTO/S: Vico Sotto Facebook

JERRY OLEA

Isa si Manay Lolit Solis sa tuwang-tuwa sa pagwawagi muli ni Vico Sotto bilang mayor ng Pasig City.

“Iyan ang ano, hindi nagmamadali!” bulalas ni Manay Lolit nang makatsikahan namin nitong Mayo 10, Martes sa SuperSam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.

“Talagang, di ba, andaming kumumbinsi sa kanya na higher position ang anuhin niya? Ayaw niya! Pasig muna siya.

“Talagang nakapag-deliver siya ng mga pangako niya. Nagtrabaho muna siya, di ba?

“Napakasuwerte sa kanya nina Vic [Sotto] at Coney [Reyes]. Achiever ang anak nila, huh?! Biruin mo, imposibleng hindi malayo ang marating ni Vico.

“Kasi, ngayon pa lang, marami nang talagang kumukumbisi sa kanya to run for higher position, di ba?

“At hindi siya nagmamadaling gaya ni Isko [Moreno]! E, kung si Isko, nag-stick muna sa Manila, siguro ngayon panalo 'yan.

“Tapos saka siya nag-run for a higher position, di ba? E, biglang… tsuk! Dahil sa naging ano niya, naging sikat siya sa Manila dahil sa ano, biglang nagpalit agad siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As of May 10, Martes ng 6:32 a.m., nakakuha si Vico ng 335,851 boto sa partial unofficial results aggregated from Comelec data sa 100% ng election returns.

Bale 88% ng mga botanteng Pasigueño ang bumoto sa anak nina Vic Sotto at Coney Reyes.

Ang kalaban ni Vico na si Vice Mayor Iyo Bernardo ay nagtamo ng 45,604 boto, na bale 12% ng kabuuang bilang ng mga botante sa nasabing lungsod.

Post ni Mayor Vico sa Facebook nitong Martes bago mag-alas dose ng tanghali, “Malinaw na malinaw ang tinig nating mga Pasigueño: TULOY ANG PAGBABAGO.

“Maraming salamat sa mga nagpakita ng tiwala't suporta sa buong Giting ng Pasig.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay Vico, nanalo rin ang running-mate niyang si Dodot Jaworski bilang vice mayor at ang katiket niyang si Roman Romulo bilang congressman.

Nanalo rin ang lahat ng dala niyang konsehal, kabilang ang aktres na si Angelu de Leon sa District 2 at ang dating Survivor Philippines castaway na si Kiko Rustia sa District 1.

Medyo nabahiran ng kontrobersiya ang landslide victory ng team ni Mayor Vico dahil sa pag-alma ng ilan sa mga nakalaban nilang hindi makapaniwalang ganun kalaki ang botong nakuha ni Vico at ng mga kapartido nito.

Samantala, as of Tuesday 5:32 p.m., kung saan 98.03% ng total election returns ang na-process ng COMELEC Transparency Media Server, nanatiling pang-apat si Isko (1.89M votes) sa presidential race.

Ang top 3 ay sina Ferdinand Marcos Jr. (31.02M votes), Leni Robredo (14.79M votes), at Manny Pacquiao (3.62M votes).

Read: Robin Padilla, Richard Gomez, Arjo Atayde, other celebs triumph in 2022 elections

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Siyempre, masaya tayo sa pagkapanalo ni Vico Sotto bilang mayor ng Pasig, pati na ang vice mayor niyang si Dodot Jaworski.

Isa pang ikinatuwa ko ay ang pananalo ni Joy Belmonte bilang mayor uli ng Quezon City kasama ang vice mayor niyang si Gian Sotto.

Buti naman at sila ang nagwagi at hindi ang may kinalaman sa pagkawala ng trabaho sa marami sa ating taga-media.

I’ll also take this opportunity to congratulate our friends na sina Lucy Torres-Gomez na bagong mayor ng Ormoc, at ang bagong congressman ng 4th District ng Leyte na si Richard Gomez.

Pamilya natin sila beyond politics kaya nandoon lagi ang pagmamahal.

GORGY RULA

Si Mayor Vico ang isa sa paboritong personalidad na ipinu-post sa TikTok. Mas marami ang natutuwa sa kanya, at gustung-gusto siya.

Ang daming nag-like sa mga kuha niyang nakaka-three-point shot, na magaling pala siyang mag-basketball. Ngayon naman, nakukuhanan nila ang mga nakaraang talumpati sa mga campaign sorties niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagmamalaki ng alkalde ng Pasig na walang bahid ng korapsyon ang kanyang administrasyon nung termino niya. Sinasabi niya sa contractors na never daw siyang tatanggap ng kickback kahit kanino.

Sabi niya sa isa sa mga speeches niya, “Sumusunod na tayo sa batas mula sa procurement at public bidding. Ang resulta, hindi niyo naman kailangan maniwala dahil puwede niyong i-check sa sarili ninyo.

“Puwede niyong i-check ang mga records natin na ang mga presyo ay nagsipagbabaan ang presyo ng mga pinapagawa ng city hall mula 20 up to 30 percent ng infrastructure projects.

“Ang dating nagpapagawa ng 10 million pesos, ngayon po ang mga nananalong bidder minsan, 8M hanggang 7M, meron pang kalahati ng dating presyo.

“Ang total savings po natin na dati’y napupunta sa SOP na kung tawagin nila yung kickback… ang dating natitipid natin ngayon na dati’y napupunta sa kickback nila ay more than one billion pesos.”

Kaya ang hirap na niyang talunin. Pero hindi maiwasang hanapan siya ng butas. May ilang hindi pa rin siyang kinukunsider na taga-Pasig kahit ilang taon din siyang nanungkulang konsehal, bago siya nanalong mayor ng naturang lungsod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman lalong pumopogi at ang hinihintay na lang ay meron na kaya siyang ipakikilalang magiging first lady niya sa susunod niyang termino bilang alkalde ng Pasig?

ALSO READ
, "widget": "Hot Stories"}]

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vico Sotto, son of Vic Sotto and Coney Reyes, wins his second term as Pasig City mayor with a landslide victory against his opponents.
PHOTO/S: Vico Sotto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results