JERRY OLEA
Parehong maikli ang pagbati kay Robin Padilla ng asawang si Mariel Rodriguez Padilla at ex-wife na si Liezel Sicangco.
Si Robin ang nangunguna sa bilangan sa senatorial race ngayong 2022 elections.
Read: Robin Padilla, di makapaniwala sa pangunguna sa senatorial race
Instagram post ni Liezel noong Mayo 10, Martes bandang 6:50 p.m.: “To the father of my children, Congratulations!!! May Allah always protect you and your team. Ameen”
Kapagkuwan ay ipinagmalaki ni Mariel sa Instagram at Facebook bandang 8:49 p.m. noong Martes: “My Senator is #1 we are beyond grateful!!! Pilipinas, maraming maraming salamat.”
Mas maikli ang Facebook post ni Queenie Padilla, ang panganay nina Robin at Liezel.
Nag-post si Queenie sa FB ng litrato ng ama na iwinawagayway ang watawat na Pilipinas, at ang caption ay “Victory!!!!” na may three green heart emojis.
Iyon din ang litrato sa IG post ni Liezel.
Bago mag-alas dose ng hatinggabi, nag-post si Kylie Padilla ng heartwarming message para sa ama sa Instagram at Facebook.
Ani Kylie, “I approached this like you were not my dad. I did my homework. I did my research. I did not want to be biased.
“I watched all the interviews and inintindi ko lahat ng sinabi mo. And all i can say I cannot wait for you to make your dreams a reality. I support you with all my heart.
“You have always been passionate about helping people and now you are in a position where you can make a bigger impact. I’m so happy and proud of you.
“But If I was to speak as his daughter all I have to say is mahal na mahal ng tatay ko ang pilipinas, mahal nya ang mga tao. Parte ng pagkatao nyang tumulong.
“He has always been selfless pag dating sa mga taong nangangailangan. If there is one thing I can attest to, my father did not need to become senator to help make change happen. He was already doing that before all of this.
“Kaya whatever happens after today, however busy you become please know that I love you and support you. Congratulations @robinhoodpadilla”
Si Kylie ang pangalawang anak nina Liezel at Robin.
Ipinagbunyi naman nang lubos ni Cesar Montano ang pagwawagi ng kapwa action star sa senatorial race.
Pahayag ni Cesar sa Facebook nito ring Martes ng gabi, “Our incoming Senator Robin Padilla is number 1 because of the majority number of votes of the Filipino people. Tayo pong lahat yun, bumoto sa kanya o hindi, tayo yun.
“We have to respect it , the way you want your own right to get respected. Hindi naman nangyayari po yung gusto ng isa eh gusto rin ng lahat. Pero kailangan natin irespeto ang napili ng nakararami. Batas po yan ng tao at batas din ng Diyos.
“Naniniwala po ako na marami pong maitutulong si Sen Robin sa bansa natin. I saw him how he helped and supported the needy & under-privileged filipino people several times noong sya po ay isang simpleng artista lamang. I am a living witness.
“Hindi lang po nya ugali ang ipag-ingay sa media kapag tumutulong sya. Unless other people do it for him. But he doesn’t toot his own horn.
“Sa simpleng pagkatao nya, alam nya ang tunay na problema ng mga pilipinong mabababa at hirap. At may solusyon si kapatid na Sen Robin sa mga ito.
“We all know we had senators from past & even present, matatalino at mga abogado pa ang iba. Pero walang ginawa kundi mamulitika & all selfish ambitious agenda. Pinagsisihan natin ang pagboto sa kanila.
“Maliwanag po na hindi lamang katalinuhan o diploma ang hinahanap nating katangian para sa ating mga karapatdapat na senador sa ating bansa. Kundi may tunay at ginintuang puso para sa karapatan ng mga mamayang Pilipino.
“Lalu na para sa mga inaaping mga manggagawa, mangingisda, at mga magsasaka. Hintayin lang po natin kapag nakaupo na si Sen. Robin. It’s unfair to judge him now.
“Mabuhay ka Kapatid na Senator Robin Padilla !!! Marami kami na nagmamahal sa’yo.”
NOEL FERRER
Tama naman si Kylie na Robin need not become a senator to help people because he has been doing it naman na, pero dahil inihalal siya ng tao, he may as well make the most of it.
Usually, bago ang actual Senate session, may mga training sa mga parliamentary procedures at merong ibang mambabatas na nag-e-enrol sa ilang courses on law.
I don’t know kung ano ang magiging diskarte ni Binoe dito. But as we have said, we wish him all the best, with that fervent hope that he will serve our country really well!
GORGY RULA
Agree ako, Sir Noel! May mga ilang kaibigan natin sa showbiz na nag-aral sa UP para mas lalo silang ma-train sa bagong hamong papasukan nila.
Iyon din ang aasahan natin sa mga bagong pulitiko kagaya nina Arjo Atayde, Jason Abalos, Nash Aguas, Ejay Falcon, at iba pang baguhan sa pulitika.
Read: Robin Padilla, Richard Gomez, Arjo Atayde, other celebs triumph in 2022 elections
Hindi naman sapat ang nakakatulong ka. Dapat ay alam mo rin kung ano ang dapat gawin lalo na kung nasa legislative ka.
Dito naman kay Robin, lingid sa kaalaman ng marami, noon pa man ay marami na siyang natutulungan lalo na sa mga kapatid niyang Muslim. Kaya siguro hindi siya nakakalimutan at sinuportahan siya sa pagpasok niya sa pulitika.
Pero marami pa rin ang nagulat, na kahit siya mismo ay ganun din. Hanggang ngayon ay trending pa rin siya sa Twitter at karamihan ay nagmamaliit sa kanyang kakayahan.
Magsisilbing hamon ito sa aktor para pagbutihin at pag-aralan niyang mabuti itong bagong responsibilidad na haharapin niya.
Inaasahang hindi eeksena diyan ang mga anak niya. Kagaya ni Kylie Padilla na okay naman ang showbiz career. Malapit nang iere ang bagong drama series niyang Bolera sa GMA 7.