Pitong Kapuso stars, pupunta sa South Korea para sa isang bagong show

by PEP Troika
May 11, 2022
gma logo
Isang programa ang binubuo ng GMA-7 kung saan pitong Kapuso stars ang involved. Ang pinakabongga pa rito, sa South Korea sila magla-lock-in ng mahigit isang buwan.

GORGY RULA

Mas malalaki at magagandang shows ang pinaghahandaan ngayon ng GMA-7.

Isa sa nasagap namin ay isang programa ang binubuo kung saan pitong Kapuso stars ang involved. Ang pinakabongga pa rito, sa South Korea sila magla-lock-in ng mahigit isang buwan.

Nakausap na raw ang pitong artistang isasama rito, at isang actor-host ang maghu-host nito. Ayaw lang nilang magbigay ng iba pang detalye dahil magkakaroon ng announcement para rito.

Isa lamang ito sa mga bagong programang inaayos na ng Kapuso Network. Marami ring mga bagong drama series na sisimulan.

Kahit bandang end of the year pa magsisimula ang taping, inaayos na nila ngayon ang casting.

Ang maganda kasi rito, bibigyan ng break ang bagong stars ng Sparkle (GMA Artist Center). May ilang kilala at magagaling na veteran stars din ang kinukuha para major support sa mga bagong stars na ilulunsad.

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang expansion ng GMA Network. Namamayagpag sa ratings at commercial load ang Kapuso programs, kaya more and more ang TV projects nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Good news ito sa mga taga-industriya pagka’t maraming nabibigyan ng trabaho.

Exciting ang konsepto ng bagong programa na sa hinuha namin ay pinaghalong reality show, game show, at variety show kaya may host. Kaabang-abang din kung sinu-sino ang pitong regular cast members.

Balita namin ay kasama rito ang isang premyadong aktres at isang mahusay na twentysomething actor. Ito yung tipo ng palabas na unpredictable, at kapana-panabik kung may payanig din dito ang mga panauhing celebrities.

NOEL FERRER

Sana talaga ay lalo pang dumami ang mga bagong palabas at bagong trabaho para sa ating mga kaindustriya.

Sana, hindi lang ang GMA ang mag-expand kundi ang lahat ng iba pang media establishments.

Sana, marami pang bagong formats na magkakalat ng katotohanan at magiging kritikal din sa lahat, kahit sa may kapangyarihan. These will be challenging and exciting times.

Pero alam ninyo kung sino ang kinakatigan ng kasaysayan? Yung may commitment beyond commerce. At ang pinagsisilbihan, lampas sa sarili, ay bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang programa ang binubuo ng GMA-7 kung saan pitong Kapuso stars ang involved. Ang pinakabongga pa rito, sa South Korea sila magla-lock-in ng mahigit isang buwan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results