Watch Now

Paolo Contis, balak na rin bang pasukin ang pulitika?

by PEP Troika
May 12, 2022
Paolo Contis, Ako Bicol Partylist
Paolo Contis on campaigning for Ako Bicol party-list: "Masaya ako na kinuha ako ng Ako Bicol to endorse them kahit sa gitna ng mga masasamang issues sa akin, nagtiwala sila. Masaya rin ako na I was able to deliver."
PHOTO/S: Paolo Contis Facebook

GORGY RULA

Maraming natutunan si Paolo Contis sa nakaraang eleksyon nang tumulong siya sa pangangampanya sa inendorso niyang party-list na Ako Bicol.

Read: Paolo Contis, Yen Santos spotted holding hands at Makati mall

Masaya siya at nagpapasalamat dahil maganda ang ibinunga ng pag-iikot niya para ikampanya ang naturang party-list. Nakakuha ito ng dalawang seats sa Kongreso at mas maraming nakuhang boto kumpara sa nakaraang eleksyon nung 2019.

Pero ang isa pang ikinatuwa ng Kapuso actor, ipinagkatiwala sa kanya ng Ako Bicol na iendorso ito sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan niya.

"Na-realize ko sa pag-iikot ko sa Bicol na grabe ang suporta nila sa Ako Bicol dahil nakikita nilang may ginagawa talaga for them.

"Masaya sila pag nakikita kami. Napaka-warm. Sabi ko nga, puwede mong kunin lahat ng artista to endorse you but at the end of the day, ang iboboto pa din nila is yung may mga nagawa at ginagawa talaga for them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Masaya ako na kinuha ako ng Ako Bicol to endorse them kahit sa gitna ng mga masasamang issues sa akin, nagtiwala sila.

"Masaya rin ako na I was able to deliver," text ni Paolo sa PEP Troika.

Nagustuhan daw ang aktor kapag nakikipagsalamuha sito iya sa mga taga-Bicol. Nakikita raw nilang may charm talaga siya sa mga tao.

Malaking bagay rin daw ang teledramang I Left My Heart in Sorsogon, kaya napalapit siya sa mga Bicolano.

Pumasok ba sa isip niyang pasukin na rin ang pulitika at tumakbo sa Bicol?

Taga-Catanduanes kasi ang Mommy ni Paolo, at nangako raw siya sa mga taga-Ako Bicol na sasama pa rin siya sa mga gagawin ng naturang party-list, basta sumakto lang sa schedule niya.

"Sa totoo lang, malaki naitulong sa akin ng Ako Bicol para mapamahal ulit sa akin ang mga Bicolano.

"Nakita ko rin ang tunay na ibig sabihin ng public service, na sana gayahin sila ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko iniisip yung pagpasok sa pulitika. Sa ngayon, masaya ako na I’m part of Ako Bicol party-list.

"Mag-iikot pa rin ako during this term para makatulong pa ako. Hindi hanggang kampanya lang," saad ng aktor.

Read: Paolo Contis, sinagot ang netizen na nagsabing isama ng aktor si Yen Santos sa Bicol "as a friend"

NOEL FERRER

Sana nga ay magpakitang-gilas ang mga party-list ngayon dahil kasasabi lang ni Presidente Rodrigo Duterte na mas mabuting tanggalin na ito ng bagong administrasyon dahil nabalahura na raw ito.

Sayang dahil maganda talaga ang intensiyon ng party-list na dapat ay may representation ang marginalized groups.

Pero ngayon, naging palasak ang bentahan ng grupo na ang nakikinabang ay mga political families din. Sana nga, lalo pang ma-streamline ang mga ganitong layer ng bureaucracy.

JERRY OLEA

Oragon talaga si Paolo! Malakas ang karisma ng Pandemic Superstar, na tinagurian ding King of Netflix Philippines, at nagpasikat ng “as a friend.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaasahan nating magpapakitang-gilas pa si Paolo sa Bubble Gang, kahit sa pagre-reformat nito. Meron pa kayang hosting job o malaking project na ihahatag ang Kapuso Network kay Paolo?

Aba, dapat lang!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis on campaigning for Ako Bicol party-list: "Masaya ako na kinuha ako ng Ako Bicol to endorse them kahit sa gitna ng mga masasamang issues sa akin, nagtiwala sila. Masaya rin ako na I was able to deliver."
PHOTO/S: Paolo Contis Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results