Alfred Vargas, wala umanong balak balikan ang mga kalaban sa pulitika

by PEP Troika
May 13, 2022
pm & alfred vargas
Parehong nagwagi ngayong eleksyon ang magkapatid na PM Vargas (kaliwa) at Alfred Vargas; si PM bilang congressman sa fifth district ng Quezon City, at si Alfred bilang konsehal sa parehong distrito.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Aminado si Congressman Alfred Vargas na itong nakaraang May 9, 2022 elections ang pinakamahirap at pinaka-challenging sa kanya at sa kanilang buong pamilya.

Pagkatapos siyang iprinoklama bilang konsehal ng 5th district ng Quezon City noong Martes, May 10, at ang kapatid niyang si PM Vargas ang na-elect bilang congressman ng naturang distrito ay nakatulog na raw siya nang mahimbing.

Nagpapasalamat siya dahil hindi na lumala ang sigalot sa kalaban nila sa pulitika, kahit may natanggap silang death threat at kung anu-anong pagbibintang ang inakusa laban sa kanila nung panahon ng kampanya.

Read: Brothers Alfred and PM Vargas receive two bullets; claim death threat politically motivated

“Talagang ipinagdasal namin na huwag naman sanang umabot sa karahasan, sa mga intimidation, sa mga ano…

"Pero at the end of the day, kahit marami tayong sinapit na mga challenges, nanaig pa rin ang pagmamahal natin sa bayan at performance, at saka yung personal relationships natin sa mga Novaleno.

Continue reading below ↓

“Kahit mahirap yung laban, nakaka-proud din at saka nakakatuwang masabi na panalo pa rin ang aking kapatid by landslide victory, and talagang malaki pa rin yung mandato at pagtitiwala,” pahayag ni Alfred nang nakapanayam namin sa DZRH nung Miyerkules ng gabi, May 11.

Ayon pa sa actor-politician, gusto na nilang mag-move on at mas nananaig daw sa kanila ang pagnanais magkaisa. Wala raw silang planong maghabol pa o magsampa ng demanda sa inabot nilang harassment mula sa mga nakalaban nila sa pulitika.

“Wala kaming ganung pinag-uusapan na aksyon. Basta kami… kanina first day ng ano namin, balik-trabaho na.

"May mga project na kami agad na ihahain sa mga tao. Tuloy lang ang buhay, tuloy lang ang serbisyo.

“Kung sino kami nung day 1, ganun pa rin kami ngayon. Wala namang nagbago sa amin. Mas lalo pa kaming napamahal sa tao,” dagdag niyang pahayag.

Kasama ng actor-politician na nanalo bilang konsehal sa ikalimang distrito ng Quezon City si Aiko Melendez. Hindi man sila nasa isang partido, ang mahalaga ay magkakasama na raw sila para sa kanilang mga kadistrito.

Continue reading below ↓

“Oo naman. Isang araw lang ang eleksyon. There’s no reason para hindi mag-unite for the good of the country.

“Lalo naman sa pulitika, there’s no permanent friends, no permanent enemies,” pakli ni Alfred.

Read: Robin Padilla, Richard Gomez, Arjo Atayde, other celebs triumph in 2022 elections

JERRY OLEA

Dito sa nakaraang eleksyon ay nakilala nina Alfred at PM Vargas ang mga tunay na kaibigan.

Sabi ni Alfred, “Dito rin namin nakita na ang magandang dulot nito, nalaman namin kung sino talaga ang totoong kaibigan namin at totoong nandidiyan.

"At natutuwa kami, ang dami-dami pa rin naming supporters na talagang tunay na nagmamahal sa amin."

Ano ang pananaw niya sa mga naapektuhang friendship dahil sa magkasalungat ang pananaw sa pulitika at magkaiba ang sinusuportahang pulitiko?

“True friends don’t judge each other. They can argue, they can debate, but at the same time, the respect should always be there,” tugon ni Alfred.

Continue reading below ↓

“Kung hindi mo matanggap yung kaibigan mo o hindi ka matanggap ng isa mong kaibigan ‘kuno’ dahil sa mga paniniwala mo, okay lang yun. Ibig sabihin, hindi mo siya totoong kaibigan.

“Kung hindi mo siya totoong kaibigan, e, di good riddance.”

NOEL FERRER

All the best kina Alfred at PM Vargas! Pagkakataon na ngayong ipakita ninyo sa mga tao na karapat-dapat talaga kayo ng kanilang tiwala.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong nagwagi ngayong eleksyon ang magkapatid na PM Vargas (kaliwa) at Alfred Vargas; si PM bilang congressman sa fifth district ng Quezon City, at si Alfred bilang konsehal sa parehong distrito.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results