Julie Anne San Jose, tinanong sa reaksiyon ni Rayver Cruz sa kanyang sexy pictorial

by PEP Troika
May 13, 2022
Julie Anne San Jose, Rayver Cruz
Ano ang scoop ng mga ka-close nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz tungkol sa hinihinalang namumuo nilang espesyal na pagtitinginan?
PHOTO/S: @myjaps Instagram

GORGY RULA

Isinabay ni Julie Anne San Jose sa launching ng kanyang bagong endorsement ang pasabog na sexy pictorial niya sa Boracay.

Read: Julie Anne San Jose, ano ang reaksiyon sa pagyakap sa kanya ni Rayver Cruz?

Kinunan ito nang mag-guest siya sa summer special ng Happy ToGetHer, at pagbalik ng Maynila ay inilunsad siyang celebrity endorser ng Aquaskin Amino Collagen.

Marami ang natuwa sa pictorial niyang yun, at isa na rito si Rayver Cruz.

"So far po, wala naman siyang violent reactions. He’s always been supportive," pakli ni Julie Anne sa media launch ng iniendorso niyang produkto.

Kapag natatanong siya tungkol sa tunay na relasyon nila ni Rayver ay ipinapasa niya ang sagot sa Kapuso actor, na malapit na ring mag-promote ng bago niyang drama series na Bolera kasama si Kylie Padilla.

Ano kaya ang isasagot ni Rayver kapag itanong ito sa kanya sa mediacon ng naturang drama series?

Continue reading below ↓

Kahit ang ilang mga taong malapit sa dalawa ay walang maisagot kung talagang sila na ba dahil hindi raw ito isini-share kahit kanino.

Ang duda nila ay nasa "getting to know," pero alam nilang malaki ang respeto ni Rayver sa magulang ni Julie Anne kaya hindi raw sila nagmamadali sa ngayon.

Pero siyempre, inaabangan kung ano kaya ang inihahandang pa-birthday ni Rayver kay Julie Anne.

Sa darating na Martes, Mayo 17, 2022, ay ipagdiriwang ni Julie Anne ang kanyang 28th birthday at curious ang mga taong malapit sa Limitless Star kung may pa-surprise ba si Rayver.

Tahimik lang daw kasi ito at hindi isini-share kung ano ang balak niya. Pero may celebration daw si Julie Anne sa kanyang kaarawan.

Tinanong ko ang ilang taong malapit kay Julie Anne at masaya raw silang nakikita nilang masaya ito. Pero sa ngayon ay mas inspired daw itong magtrabaho pa lalo.

Naka-focus daw muna siya ngayon sa pagkanta. May inaayos daw na concert na gagawin sa Resorts World Manila sa August, at meron din siyang U.S. tour sa July 2022.

Continue reading below ↓

Baka sa last quarter of this year na raw siya gagawa ng drama series. Wala pa raw pinag-uusapan kung ano ito at kung sinu-sino ang makakasama.

JERRY OLEA

Walang dahilan para mag-react violently si Rayver sa sexy pictorial ni Julie Anne.

Ang ex ni Rayver na si Janine Gutierrez ay seksing-sexy sa pictorial nito para sa Bench Body pero wala tayong naulinigang violent reaction from Paulo Avelino.

Kung paseksihan din lang ngayong tag-araw, Team Janine ba kayo o Team Julie Anne?

NOEL FERRER

Experience the 2022 New York Festivals TV and Film Awards Silver Medal Awardee for Entertainment Special - Variety Special on free TV! Catch the TV airing of "Limitless: A Musical Trilogy" this May on GMA!

Watch Limitless: A Musical Trilogy 'Part 1: Breathe' this Sunday, May 15, at 2:00 p.m. ‘Part 2: Heal’ and 'Part 3: Rise' on May 22 and May 29, respectively.

Come and relive Julie Anne San Jose's musical journey only on GMA. At dahil sa Limitless trilogy ni Julie Anne, nagkaroon ng pagbabago sa timeslots ng mga programa na sanib-pwersa ang Regal at Kapuso Network.

Continue reading below ↓

Simula sa Mayo 15, Linggo, Raya Sirena will air at 10:50 a.m., while Regal Studio Presents will follow at 11:35 a.m.

Nasa ikaapat na episode na ang Raya Sirena nina Sofia Pablo at Allen Ansay. Samantala, ire-replay ng Regal Studio Presents ang first episode nito na "That Thin Line Between" na pinagbidahan nina Ken Chan at Sanya Lopez.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano ang scoop ng mga ka-close nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz tungkol sa hinihinalang namumuo nilang espesyal na pagtitinginan?
PHOTO/S: @myjaps Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results