Ana Jalandoni, busy sa mga pelikula; Janelle Lewis, maglalaho muna sa showbiz

by PEP Troika
3 days ago
Ana Jalandoni, Janelle Lewis
Si Ana Jalandoni (L) ang bida sa mga pelikulang Manipula at The Revelation. Si Janelle Lewis naman ay focus muna sa pageant na sasalihan.
PHOTO/S: Gerry Olea, Gorgy Rula

JERRY OLEA

Mapangahas ang launching film ni Ana Jalandoni na Manipula, sa direksiyon ni Neal “Buboy” Tan.

Maliban sa leading man niyang si Aljur Abrenica, nagpasasa sa alindog ni Ana sina Kiko Matos, Christian Vasquez, Marco Alcaraz, at Mark Manicad.

Si Ana mismo ang producer ng Manipula, na noong Oktubre 2021 pa nagpa-presscon sa isang restaurant sa Timog Avenue, Quezon City.

Ikakasa na sana ang streaming nitong Marso, pero naudlot dahil sa isyung bugbugan nila ni Kit Thompson.

May bagong pelikula si Ana na malapit nang simulan, ang psychological thriller na The Revelation.

Co-stars niya rito sina Aljur Abrenica, Vin Abrenica, at Jelai Andres, sa direksyon ni Ray An Dulay.

“Sa istorya, gagawin po ng karakter ni Ana ang lahat para sa pamilya,” kuwento ni Direk Ray An sa storycon noong Mayo 11, 2022, Miyerkules, sa Nile Bar, Malate, Manila.

“Siya po ay simpleng waitress dito. Naghahanap po siya, of course, ng taong makakasama niya sa buhay.

Continue reading below ↓

“Magkakaroon siya ng thinking na, ‘Ano ba ang future ko sa mga susunod na panahon? Sino kaya ang mag-aahon sa akin sa hirap?’

“Sa hirap niya na ganun, sa sitwasyon niya, makakatisod siya ng lalaking akala niya, matino at maayos. Hindi pala.

“Titingnan natin kung paano siya magiging effective na tao para sa sakit ng karakter ni Aljur.”

May crime of passion sa The Revelation. Gaano ka-sexy ang movie?

“Gagawa po kami ng sexy scenes, pero incidentals po siya,” pagmamatuwid ni Direk Ray An.

“Ang pelikula ay hindi po intended na to do a sexy movie.

“Ahhm, para pong kung titingnan ninyo ang ibang mga genre movie abroad, na talagang naghahalikan lang sila, meron silang mga chorva, pero mga five seconds lang, mga ganun.

"Talagang hindi naman doon ito naka-focus. Parang ganun. So it’s all about the story, nagkataon lang na kailangan lang siya na gawin sa pelikula.

“Kaya ayun, sinabihan na namin ang mga artista, na may mga ganito. Wala kaming inilihim sa mga artista tungkol sa mga ganung eksena.

Continue reading below ↓

“Kasi kapag wala yun, parang hindi rin mabubuo yung pelikula, e. Kasi, parang kumbaga, ahhm… yung isang batang lumalaki, tinuli, ipakita natin na tinuli.

“Kasi, yun talaga ang story, e. Yung babaeng nagkaroon ng mens, ipakita natin. Hindi mo puwedeng i-jump yung pinagdaanan. Part siya ng story…

“Yun po ang mangyayari sa sexiness. May mga shots, may mga bed scenes—hindi ko po kayo bobolahin na wala, 'tapos pagdating sa set, meron.”

Meron bang magtatalop nang todo?

“Wala naman, sa ngayon!” bulalas ni Direk Ray An na himig nagbibiro.

“Abangan niyo na lang po ang mangyayari. Pag-uusapan po namin ng mga artista kung paano yun gagawin.

“Hindi po natin sila didiktahan na ganito, ganyan.”

Joyzell Dulay, Ana Jalandoni, Aljur Abrenica, Leo Dominguez, Ray An Dulay

Continue reading below ↓

Nagpasalamat si Direk Ray An kay Ana dahil game ito sa mga maseselang eksena.

Ang shooting ng The Revelation ay sa Tagaytay City, sa lungsod kung saan naganap ang pang-uumbag ni Kit kay Ana.

Nilinaw ng scriptwriter na si Joyzell Dulay na hindi base sa true-to-life events ang pelikula.

Inspired daw ito ng twists sa pelikulang Takas na pinagbidahan ni Teejay Marquez. Si Joyzell din ang nagsulat ng Takas, at ang asawa niyang si Ray An ang nagdirek.

GORGY RULA

May pagka-psychological thriller din yata itong Manipula base sa trailer na napanood namin.

Ganun din pala itong The Revelation na pagbibidahan ulit ni Ana Jalandoni.

Pati ang nangyayari sa kanya at kinasangkutan niyang gulo ay may pagka-psychological thriller na rin.

Sana, pagkatapos nitong The Revelation ay i-consider na ni Ana ang mag-teleserye, kahit kontrabida roles. Nababagay naman siya at sana nahahasa na ang pag-arte niya sa dalawang psychological thriller films na napupunta sa kanya.

Continue reading below ↓

Napanood ko ang Takas ni Direk Ray An Dulay at tipong ganun din ang ginawa niyang pinagbidahan ng beauty queen na si Janelle Lewis.

Sandaling nakatsikahan ko si Janelle sa press presentation ng Miss World Philippines nung nakaraang Huwebes, May 12.

Sinabi niya sa akin na pagkatapos ng pelikulang Takas, pansamantalang titigil daw muna siya sa pag-aartista.

Babalik daw siya sa beauty pageants, at pinaghahandaan niya ang pagsali sa isang prestihiyosong beauty competition.

Ayaw lang daw muna niyang sabihin kung saan ito at kailan siya sasali, pero gusto raw niyang dito muna mag-focus at kailangang paghandaan daw niya nang mabuti.

“Currently, I’m not accepting any offer for showbiz. Maybe for commercials.

“Ang showbiz, kasi matagal yun, e. It’s a duration ng taping yun for a teleserye. So I’m declining at the moment, because I want to focus on pageants,” pahayag ni Janelle.

NOEL FERRER

Wala na bang planong umarte ulit si Direk Ray An Dulay? That’s something he does well.

Continue reading below ↓

Siguro ngayon, as director, vicariously na lang niya isinasabuhay ang mga roles at characters na sana siya ang gumaganap.

He was one daring actor, too, during his time. Now, we’ll see kung saan siya mag-e-excel more—sa acting o sa directing.

Ano sa tingin ninyo?

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Ana Jalandoni (L) ang bida sa mga pelikulang Manipula at The Revelation. Si Janelle Lewis naman ay focus muna sa pageant na sasalihan.
PHOTO/S: Gerry Olea, Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results