Archie Alemania nag-react sa "game over" tweet ni Gab Valenciano

by PEP Troika
3 days ago
Archie Alemania on Gab Valenciano
Archie Alemania, a BBM-Sara supporter, on imitating the dance moves of Gab Valenciano, a Leni-Kiko supporter: "...ginawa ko bilang komedyante lang naman, hindi para mang-inis o mang-asar." On the right is Gab's reaction.
PHOTO/S: Screen Grab from Tiwtter (L); @gabvalenciano on Twitter

GORGY RULA

Isa si Archie Alemania sa masuwerteng naiwan sa original cast ng Bubble Gang na magseselbra ng 27th year sa telebisyon this 2022.

Inanunsiyo sa mediacon nung Biyernes, Mayo 13, ang mga artistang magpapaalam sa show, ang mga mare-retain, pati na rin ang tatlong bagong members na ipinasok: sina Tuesday Vargas, Dasuri Choi, at Kim de Leon.

Doon na rin sa naturang mediacon ay hiningan namin ng paliwanag si Archie kaugnay sa ginawa niya sa isang campaign sortie ng UniTeam.

May nag-post kasi ng video niya kung saan tila ginagaya niya ang istilo ng pagsasayaw ni Gab Valenciano sa mga campaign sorties ni Vice President Leni Robredo.

Continue reading below ↓

May reaksiyon doon si Gab na kung saan ay ini-repost niya ang video na yun ni Archie sa Twitter, at may caption na “Game over, Archie” with a finger heart emoji.

Saad ni Archie, “Unang-una, wala naman kaming samaan ng loob, kahit dati pa magkaibigan naman kami nun.

“Nung sinabi niya, pabiro lang siguro yun. Wala naman ako masamang tinapay kahit kanino man.”

Continue reading below ↓

Wala raw siyang intensiyong pagtawanan si Gab nang ginawa niya yun sa isang kampanya.

“Kung ano man yung ginawa ko, bale sa akin, ginawa ko bilang komedyante lang naman, hindi para mang-inis o mang-asar.

“Ako ang gusto kong pagtawanan ng tao. Ayoko yung iba ang pagtawanan ng tao dahil sa akin.

“Ang gusto ko, ako yung pagtawanan ng tao sa ginawa ko. Hindi sa ginawa ko pagtawanan yung ibang tao. Yun lang sa akin,” dagdag niyang pahayag.

Sa tingin daw niya ay hindi ito isyu sa kanila, at sa pagkakaalam niya ay okay naman sila ni Gab, pati ang mommy nitong si Angeli Pangilinan-Valenciano.

Pero hindi pa raw nagkaroon ng chance na magkausap sila, at hindi pa raw sila nagkikita.

“Wala naman akong masamang tinapay kina Gab saka kina Tita Geli. I still consider Gab as my friend.

“Siguro, pahinga muna ngayong eleksyon, katatapos lang, e. Siguro, magku-cross naman kami ng path ni Gab siguro.

Continue reading below ↓

“Hindi pa naman kami nagti-text o nagtatawagan. Pero, we’re gonna cross paths, ang liit lang naman ng showbiz, e. Magkakausap at magkakausap kami.

“Makaklaro rin uyan. Wala iyan. Maliit na bagay,” pahayag ni Archie.

Sa Mayo 27 ay bagong Bubble Gang na ang mapapanood sa direksiyon ni Direk Frasco Mortiz, at si Michael V pa rin ang nasa creative.

Kasama pa rin sina Paolo Contis, Sef Cadayona, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Analyn Baro, Faye Lorenzo, at Kokoy de Santos.

READ: WHERE ARE THEY NOW: Bubble Gang cast

JERRY OLEA

Sabi ni Ms. Bang Arespacochaga, ang consultant ng Bubble Gang,
“We really wanna relaunch Bubble Gang para maging fresh at bago. After the lockdown kasi, siyempre medyo naaberya tayo dun.

“So now that we are more relaxed, ngayon is the best time for us to come up a new Bubble Gang.

"We wanna offer our viewers something fresh and new, kaya we have new sets of members of the Bubble Gang family.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Kilala ang Bubble Gang for its unique and pioneering brand of comedy, kaya naman ito nagtagal.

The inclusion of new members will only make it better. Lagi namang may materyal for comedy.

Hihintayin natin ang magagandang output ng creative staff ng Bubble Gang na siguradong Level Up na!

Excited na ulit akong makita ang kaibigan nating Bitoy in full swing once again.

For me, siya ang matibay na haligi at poste kaya isa nang institusyon ang Bubble Gang.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Archie Alemania, a BBM-Sara supporter, on imitating the dance moves of Gab Valenciano, a Leni-Kiko supporter: "...ginawa ko bilang komedyante lang naman, hindi para mang-inis o mang-asar." On the right is Gab's reaction.
PHOTO/S: Screen Grab from Tiwtter (L); @gabvalenciano on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results