Jamir Zabarte-Zonia Mejia love team personally picked by Dingdong, Marian for sitcom

by PEP Troika
3 days ago
Jamir Zabarte, Zonia Mejia
Meet Jamir Zabarte and Zonia Mejia, a.k.a. JaNia, the love team picked by Dingdong Dantes and Marian Rivera for their sitcom Jose and Maria’s Bonggang Villa.
PHOTO/S: PR

GORGY RULA

Personal choice ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang co-stars nila sa bago nilang sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa.

Ilan sa mga kasama rito ay sina Benjie Paras, Shamaine Buencamino, Pinky Amador, Mike "Pekto" Nacua, Johnny Revilla, Hershey Neri, at Loujude Gonzalez.

Kaya nagpapasalamat silang lahat na pinili sila para sa bagong sitcom na ito, at sina Dingdong at Marian pa ang bida.

May kinuha sina Dingdong at Marian na magka-loveteam mula sa Sparkle, at kaagad na nagustuhan nila nang magpa-audition ang tambalang Zonia Mejia at Jamir Zabarte.

Nung nakita raw nila at ng mga taga-APT ang audition tape ng dalawa, nakita agad ang chemistry at bagay sila sa mga roles nila sa sitcom.

Ipinakilala na ang kanilang love team sa Heartful Café, pero mas kagigiliwan daw sila rito sa Jose and Maria’s Bonggang Villa.

Kaya nagpapasalamat ang dalawa na sila ang napili, pero hindi maiiwasang may pressure silang mararamdaman.

Continue reading below ↓

Ani Zonia, “Sa lahat naman po na show na binibigay, may pressure. Pero yun po ang parang motivation namin para gawin yung best namin sa lahat ng trabaho na binibigay sa amin, kasi kung wala pong pressure, baka easy-easy lang kaming dalawa.”

Dagdag na pahayag ni Jamir, “Good pressure naman po ito para sa akin. Hindi naman po nawawala kasi mas ini-enjoy po namin yung bawat eksena na gagawin namin. Yun po ang time na magkasama kami.”

Mas magpo-focus daw muna sila sa kanilang love team, at hindi muna nila iniisip kung magkaka-developan ba sila o magkaroon ng ligawan.

Sabi ni Zonia, “Kami naman po, ini-enjoy namin bawat journey namin pareho. Masaya kaming magkasama talaga."

Dagdag ni Jamir, “Parehas po kami ng pinanggalingan sa buhay. Parehas po kami ng pinaglalaban, parehas po kami ng pangarap sa buhay. Parehas po kaming may plano sa pamilya namin.

“Ini-enjoy lang po namin ang bawat oras na magkasama kami, kasi masaya lang kami. Hindi namin iniisip ang work, e."

Continue reading below ↓

Mahuhusgahan ang tambalang ito sa Jose and Maria’s Bonggang Villa na magsisimula na ngayong gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

JERRY OLEA

Pumapasok na sa ating diwa ang tambalan nina Sofia Pablo at Allen Ansay sa Raya Sirena, na nagbago na ng timeslot.

Simula Mayo 15, 2022, Linggo, ay mapapanood ang Raya Sirena tuwing 10:50 a.m. sa GMA-7.

Abangan natin kung mas bobongga ang ratings ng Raya Sirena sa bago nitong timeslot. Harinawang huwag itong lumubog!

Aabangan din natin ang kahihinatnan ng Zonia-Jamir tandem at ng DongYan sitcom sa ratings game. Ang pinalitan nitong Agimat ng Agila (Season 2) ay lumipad nang ganap sa ratings at commercial load, huh?!

Waging-wagi sa ratings ang Family Feud at Amazing Earth na hino-host ni Dingdong, kaya hopia at expectorant tayo na magpapakitang-gilas din ang sitcom nila ni Marian.

NOEL FERRER

It seems like sa pinagdaraanan ng ating bansa, sa gitna ng pandemya at pagkaka-polarized ng mga Pinoy dahil sa eleksyon, magandang pampakalma ang komedya.

Continue reading below ↓

Dingdong and Marian’s sitcom is geared at tackling the life of an ordinary couple kaya swak iyan sa mga broad base ng mga manonood.

Sana, maging bonggang-bongga ang Jose and Maria’s Bonggang Villa!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Jamir Zabarte and Zonia Mejia, a.k.a. JaNia, the love team picked by Dingdong Dantes and Marian Rivera for their sitcom Jose and Maria’s Bonggang Villa.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results