Relasyon ng magkapatid na JV Ejercito at Jinggoy Estrada "kasinlamig pa rin ng North Pole"

by PEP Troika
May 15, 2022
JV Ejercito and Jinggoy Estrada
May hidwaan pa rin ang magkapatid na JV Ejercito (L) at Jinggoy Estrada, pero siniguro ng dalawa na walang epekto ito sa trabaho nila bilang senador.
PHOTO/S: @jvejercito on Instagram, Jinggoy Estrada on Facebook

GORGY RULA

Ngayon pa lang ay tinututukan na ang muling pagsasama sa senado ng magkapatid na Senators JV Ejercito at Jinggoy Estrada.

Hindi pa man sila napoproklama, ang hidwaan pa rin nilang magkakapatid ang nauungkat sa kanilang mga interview.

Pareho silang nakapanayam sa radio program nina Ka Tunying Taberna at Gerry Baja sa DZRH na Dos por Dos nung nakaraang Biyernes, Mayo 13, 2022.

Dito sinabi ni Senator JV na hindi pa niya masasabi kung magkakaayos sila ngayon dahil sa di magandang nangyari sa kanila nitong nakaraang kampanya.

“Sa ngayon, kasinlamig pa rin ng North Pole ang aming relasyon,” natatawang pahayag ni Senator JV.

“Wala pa. Titingnan na lang natin. Basta ito’y hindi maging balakid sa aming performance, sa aming trabaho ay okay na rin yun,” sagot niya sa tanong sa kanya ni Gerry Baja kung posibleng magkaayos pa silang dalawa.

“Sa trabaho na lang ako magpu-focus. Pero tingnan na lang natin. Kung magkaayos, bakit hindi?

Continue reading below ↓

“Pero ano, e, masyado nang lumalim talaga ang hidwaan, kaya it will take time, to be honest.

“May mga incidents kasing nangyari nitong nakaraan na medyo personal—ayoko na lang ikuwento ito—nung kampanya, na medyo mas lalong nagpalala ng aming hidwaan.

“Pero tingnan natin. As long as makakabuti sa aming trabaho, bakit hindi po,” saad ni Senator JV.

Si Senator Jinggoy naman ang sunod na tinawagan.

Pero ayaw na niyang pag-usapan ang isyu nila ni Senator JV dahil hindi raw ito nakakatulong sa hinaharap na problema ng ating bansa.

“Hindi naman nakakatulong sa ekonomiya ang hidwaan naming magkakapatid,” pakli ni Senator Jinggoy.

Wala raw problema kay Senator Jinggoy kung magsama sila uli ng kapatid niya, basta para sa ating bansa.

“Ako naman, I can work with anybody. Kahit sino sa Senado, kahit kapatid ko pa iyan, kahit half-brother ko pa iyan, kahit sa opposition senator.

“Nangyari na sa akin iyan 2004, I can work with anybody. Yung mga kalaban namin sa pulitika, I get along with all of them.

Continue reading below ↓

“Basta sa senado, sa amin, kung ano ang ikabubuti sa aming mga kababayan, sama-sama kami, united kami sa pagboto,” nakangiting pahayag ni Senator Jinggoy.

Ang most publicized feud nila ay nangyari noong 2012.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noon kay JV, sinabi niyang nag-ugat ito dahil sa isang headline.

Aniya, “Sa tingin ko, misunderstanding lang because of the title of the article na sabi, e, ‘JV sees sibling rivalry with Jinggoy to extend up to the Senate.’"

Saad naman ni Jinggoy sa hiwalay na interview sa mga broadsheets, "I am very upset and deeply hurt over some of the comments made by him and his efforts to generate publicity over a supposed competition or rivalry between us at my expense."

Nobyembre 2012, pinagbati sila ng kanilang ama.

Ani, "Nagtapikan lang, nagkamayan."

Pero taong 2014, nagkaroon ulit ng hidwaan ang dalawa noong pirmahan ni JV ang committee report na nagrerekomendang mag-file ng charges laban sa mga senador na dawit sa pork barrel scam, kung saan isa si Jinggoy sa mga akusado.

Continue reading below ↓

Nagkaroon ng usap-usapang pagbabatiin sila noong June 2015, pero ang sabi ni Jinggoy noon, "Impossible dream."

JERRY OLEA

Kung nagkaroon man ng hidwaan ang half-brothers na JV at Jinggoy, keri nilang isantabi iyon alang-alang sa kapakanan ng ating bansa.

Inaasam natin na magkatulungan ang dalawang anak ni former President Joseph Estrada para isulong ang pag-unlad at pagyabong ng Pilipinas! Mabuhay!

NOEL FERRER

Isantabi ang hidwaan para sa bansa, tama iyan.

At sana, umabot tayo sa pagkakataong hindi madodomina ng magkakamag-anak, magkakapatid, at mag-iina, o magkaanu-ano ang mga sangay ng ating gobyerno. Kasi ito ang magiging itsura nito sa kanyang pagbubukas.

Sana ang mga mambabatas ay magiging maalam talaga sa paggawa ng batas na siyang kumakatawan sa mahihirap nating mga kababayan, at hindi pansarili lamang.

Sa huli’t huli, ang trabaho natin bilang mga mamamayan ay manatiling mapagmatyag. Patuloy silang panagutin, dahil kaya natin sila inihalal ay para pagsilbihan nila tayo and not the other way around.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May hidwaan pa rin ang magkapatid na JV Ejercito (L) at Jinggoy Estrada, pero siniguro ng dalawa na walang epekto ito sa trabaho nila bilang senador.
PHOTO/S: @jvejercito on Instagram, Jinggoy Estrada on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results