Paolo Contis, aminadong kinabahan sa Bubble Gang revamp

by PEP Troika
May 15, 2022
Paolo Contis
Nang malaman ni Paolo Contis na magkakaroon ng revamp sa cast members ng Bubble Gang, kinabahan raw siyang baka isa siya sa matatanggal.
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram

GORGY RULA

Noong nagkaroon ng revamp sa cast members ng Bubble Gang, aminado si Paolo Contis na kinabahan siyang baka isa siya sa matatanggal.

Lahat daw sila roon ay puwedeng matanggal at palitan, kaya akala ng Kapuso actor ay mawawalan siya ng isa pang programa.

"May kaba yun siyempre. At the end of the day, lahat naman tayo kumbaga, replaceable ika nga,” pakli ni Paolo sa nakaraang mediacon ng Bubble Gang.

Sinundan na rin namin siya ng tanong kung meron pa ba siyang kasunod na project sa GMA-7.

Pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon, tila wala nang kasunod na ibang project para sa kanya. Itong Bubble Gang na lang ang natira.

"Ako naman kasi, priority ko naman talaga, comedy, di ba? Pero siyempre, nung binigay sa akin yung I Left My Heart in Sorsogon, thankful ako.

"Kung meron mang plano na ibigay sa akin na panibago, of course, I will be thankful,” saad ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa sa ipinagpasalamat niya, dahil sa I Left My Heart in Sorsogon, kinuha siyang mag-endorse ng Ako Bicol na partylist kaya meron siyang pinagkaabalahan. Tanging ang Bubble Gang kasi ang current project niya.

Hanggang sa ngayon ay hindi raw niya alam kung meron pang ibang programang ibibigay sa kanya ang Kapuso network.

"Ako naman, nagtitiwala sa GMA, whatever their decision is. Hindi naman ako yung tipo ng artista na gusto ko ganito, hingi ako ng ganito. Hindi ako nagpa-follow up kung ano ang gagawin.

"So for now, I’m doing Bubble Gang. Paminsan-minsan, nag-All-Out Sundays ako.

"After I Left My Heart in Sorsogon, iyon nga, nag-concentrate ako sa pag-endorse ko ng Ako Bicol, and, thankfully, naging maayos naman siya.

“We’ll see after nito, kung ano ang sunod na plan. Again, ako naman hindi ako nanghihingi. Naghihintay lang ako ng kung para sa kanila, ano ang deserved ko, that’s what I do,” sabi pa ng actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Nobody is indispensable, ika nga.

Pero walang dahilan para tanggalin si Paolo sa Bubble Gang.

Mahusay siyang makisama sa mga katrabaho, at malakas ang hatak niya sa televiewers.

Kaya nga patok ang mga pelikula niya sa Netflix.

Kahit napaglaruan nang lubos ang kanyang “as a friend” remark sa social media ay behaved siya bilang aktor.

Asset ng Kapuso Network si Paolo!

NOEL FERRER

Sa edad niyang 38 at sa 32 years niya sa industriya, dapat may say na rin siya sa projects na gagawin niya.

Kaya na niyang magpasulat ng mga materyal na gusto niya at puwedeng sumosyo pa siya sa projects na sa tingin niya ay makakaangat sa estado niya bilang aktor.

Dahil aminin naman natin, mahusay na aktor si Pao.

I hope he learns from the likes of his friends Dingdong Dantes at Coco Martin and even John Lloyd Cruz na ang level up ng pagka-aktor ay hindi lang iyong maghihintay siya ng susunod na project na ibibigay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Instead, make it happen!!!

Teka, alam ko may pelikulang naghihintay sa kanila ng talent kong si Joross Gamboa, ha, ang Pangarap Kong Oscars.

Tuloy pa ba iyon? Abangan na lang.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang malaman ni Paolo Contis na magkakaroon ng revamp sa cast members ng Bubble Gang, kinabahan raw siyang baka isa siya sa matatanggal.
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results