Watch Now

Andrea Torres, bumawi sa mga kasamahan sa Argentinean film na bumisita sa Pilipinas

by PEP Troika
May 16, 2022
andrea torres & marcelo melingo
Andrea Torres with Pasional leading man Marcelo Melingo.

GORGY RULA

Bumawi si Andrea Torres sa pag-aasikaso sa buong team ng Malevo Films ng Argentina, ang producer ng pelikulang Pasional na pinagbibidahan ng Kapuso actress, at co-production sa GMA Network.

Kinunan sa Argentina ang halos kabuuan ng pelikula kung saan naka-partner dito ni Andrea ang Argentinian actor na si Marcelo Melingo.

Ginagampanan ni Andrea rito ang role ng isang Tango dancer na naging jury member sa isang international Tango Dance Festival, at nakarelasyon si Norberto, isang biologist na ginagampanan ng Argentinian actor na si Marcelo Melingo.

Read: Andrea Torres to star in an Argentinian movie; learns how to dance for her role

Na-enjoy ni Andrea ang shooting ng Pasional sa Argentina dahil inasikaso raw sila nang husto roon ng mga taga-Malevo Films.

“Sa Argentina, naikot nila ako dun, sobra. Ang dami nilang mga na-explain sa akin na lugar dun. And siyempre, na-meet ko rin iba pang mga kaibigan nila dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, feeling ko, mas nakilala ko sila nang husto. Nanood din ako ng play ni Marcelo na siya yung nagdirek.

“I enjoyed a lot kasi inayos nila lahat. They made sure na maging comfortable ako. They made sure na bawat eksena magiging smooth, yung ganyan.

"So, maganda. Maganda yung memories ko sa country nila,” pahayag ni Andrea sa nakaraang mediacon ng Pasional kasama ang mga taga-Argentina.

Bukod kay Marcelo, dumating din ng bansa ang iba pang involved sa production ng pelikula gaya ng assistant airector na si Nicolas Cacciavillani, ang producer na sina Luciano Croatto at Agustin Clerico, director of photography na si Gio Croatto, at ang direktor na si Francisco D’Intino.

pasional cast & crew

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andrea Torres (fourth from right) with Pasional assistant director Nicolas Cacciavillani; producer Luciano Croatto; director of photography Gio Croatto; director Francisco D'Intino; actor Marcelo Melingo; and producers Agustin Clerico and Noel Maximo

Tiniyak ni Andrea na ma-enjoy ng mga taga-Argentina ang pamamalagi nila rito sa Pilipinas. Tatlong linggo silang nag-ikot at nakapag-shoot sila sa Coron at Caramoan island.

Ayon sa Kapus actress, “Dito naman sa Philippines, siyempre between ng work, nagkaroon kami ng time to swim, to meet together.

“Na-celebrate namin yung birthday ni Nico, birthday ko. Yung mga ganun.

“Ngayon nga medyo nalulungkot na kami kasi magka-cast party na kami. Malapit na silang umuwi, pero looking forward sa pagbalik nila rito at pagbalik ko rin dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pa silang na-finalize na playdate, pero baka bandang November 2022 daw ang showing ng Pasional dito sa Pilipinas at pati sa Argentina.

JERRY OLEA

Napaka-passionate na sayaw ang tango. Unforgettable para sa akin ang pagta-tango nina Al Pacino at Gabrielle Anwar sa saliw ng "Por una Cabeza" sa pelikulang Scent of A Woman (1992).

Bilang Pasional ang title ng pelikula nina Andrea at Marcelo, meron silang intimate scenes na medyo passionate.

“Siyempre, may limits pa rin. Pero dito since sa beach, may mga eksena na naka-swimsuit, and of course may mga scenes kami ni Marcelo na medyo intimate talaga para ipakita yung level ng pagmamahalan nina Norberto and Mahalia,” pahayag ni Andrea.

NOEL FERRER

Good things really happen to good people. Masaya tayo sa magandang break na ito para kay Andrea Torres.

Sa Argentina na kaya niya mahahanap at makakatagpo ang susunod niyang mamahalin sa buhay? Malay mo naman!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres with Pasional leading man Marcelo Melingo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results