Michael V, balik-Bubble Gang studio mula nang magka-pandemic

by PEP Troika
May 16, 2022
bubble gang cast, director
Michael V (pangalawa sa kanan), first time muling tumuntong sa Bubble Gang studio mula nang magkapandemya. Kasama niya sa larawang ito sina (mula kaliwa) Archie Alemania, Direk Frasco Mortiz, at Paolo Contis.
PHOTO/S: Courtesy of Paolo Contis

GORGY RULA

Ngayong Lunes, Mayo 16, 2022, nagkita sa studio si Michael V at ang direktor ng Bubble Gang na si Direk Frasco Mortiz.

Nung 2022 lang pumasok si Direk Frasco sa Bubble Gang, at naka-work from home lang noon si Bitoy. Ngayong araw lang nakabalik sa studio ng GMA-7 si Bitoy para mag-taping sa Bubble Gang.

Dahil nasa Alert Level 1 pa rin tayo at napapanatiling mababa ang COVID cases, pumayag na rin ang head ng creative ng naturang gag show.

Ayon kay Direk Frasco, “Mula nung pumasok ako, never ko pa nakasama sa studio [si Bitoy].”

Sabi naman ni Michael V. “Siyempre, hindi ako titigil sa pagiging maingat at pagiging cautious. Ganun pa rin siyempre.

“Although, mas malakas na ang loob ko ngayon dahil siguro vaccinated na ako, may booster na.

"Saka nakikita ko na yung turnout ng mga pumapasok sa ganitong trabaho, at ang pagbalik dito sa new normal na tinatawag."

Continue reading below ↓

Excited si Direk Frasco sa bagong Bubble Gang ngayong 27 years na itong namamayagpag at patuloy na tinatangkilik ng mga manonood.

Pero siyempre, open daw sila sa mga pagbabago. Kaya madami-dami na rin ang natanggal sa original cast, at nagdagdag sila ng tatlong bagong miyembro.

Read: Michael V. reaches out to axed Bubble Gang cast members

“We’re really excited dun sa bagong chapter… I think parang lahat on their toes. Lahat, excited na pagandahin pa lalo yung programa.

“Slowly, binabago na naming yung flow ng programa,” pakli ni Direk Frasco.

NOEL FERRER

Malaking responsibilidad kay Direk Frasco ang bagong assignment na ito, knowing na institusyon na talaga ang Bubble Gang.

Sabi ni Direk Frasco Mortiz, mas mabibigyan ngayon ng highlight ang bawat miyembro ng cast, dahil hindi na sila ganun kadami.

“Basta bibigyan ng pagkakataong mabigyan ng opportunity to do something new. Mas makikita ng mga tao na, Uy, kaya pala nila!’

Continue reading below ↓

"Kumbaga, masusorpresa rin ang mga tao sa gagawin ng mga artista na kaya pala nilang gawin yun.

“It’s a mixture of old and new. Pero we’re making sure the way we package it, bago siya.”

May mga magagamit daw silang gags na bentang-benta sa social media, kagaya ng TIkTok.

“Yun nga, with the likes of Dasuri, mag-i-introduce kami ng mga bagong online personalities to do their material dun sa show. Para hindi lang, kumbaga, the usual sketches or spoofs na napapanood nila.

"May content na ang pinanggagalingan ay yung mismong personality, kasi iba rin yung comedy nila.

“Iba rin yung ginawa ng creative team, iba rin yung comedy na nangagaling doon sa personalidad na gumagawa nun.

“We’re trying to balance it out para iba yung experience nung mga manonood.”

JERRY OLEA

Sa dami ng mga natanggal sa Bubble Gang, masuwerteng naiwan sina Valeen Montenegro, Analyn Baro, at Faye Lorenzo para may pa-sexy pa rin sa ibang sketches nila.

Continue reading below ↓

valeen analyn faye bubble gang

Valeen Montenegro, Analyn Barro, and Faye Lorenzo

Ani Valeen, “Siyempre, kailangan maging pleasing to the eyes pa rin kami. Ilalaban naming mga girls 'yan. Kailangan magpakita kami ng skin.”

May mga i-retain pa raw na sketches, at may mga bago na silang gagawin.

Dagdag ni Valeen, “One of the old ones, meron kaming 'Tata Lino' at maybe meron pa ring 'Balitang Ina' with Chariz Solomon.

Continue reading below ↓

“Meron din kaming 'Marites, Mare Anong Latest?' yung nagtitipon ang mga tsismosa at papasok ang mga TikTokerist.”

Sabi naman ni Analyn, “Tuluy-tuloy pa rin ang pagpapa-sexy. Siyempre, gawin po namin lahat para mapaganda po yung program. Gagawin po namin yung best effort naming para mas nakakasaya.”

Dagdag na pahayag ni Faye, “Masaya kasi, iba’t ibang karakter ang ginagawa mo. Marami kang matutunan sa Bubble na hindi mo ini-expect na hindi mo pala kayang gawin. Natutunan mo siya, naaaral mo siya. Marami ka talagang matutunan.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V (pangalawa sa kanan), first time muling tumuntong sa Bubble Gang studio mula nang magkapandemya. Kasama niya sa larawang ito sina (mula kaliwa) Archie Alemania, Direk Frasco Mortiz, at Paolo Contis.
PHOTO/S: Courtesy of Paolo Contis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results