Ian Veneracion, nasa pangangalaga na ni Ogie Alcasid

by PEP Troika
May 17, 2022
ian veneracion & ogie alcasid
Ogie Alcasid welcomes Ian Veneracion to his talent management, A Team.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nadagdag sa kuwadra ng A Team ni Ogie Alcasid si Ian Veneracion.

Pormal na winelcome ni Ogie ang actor-singer sa kanyang talent management nitong Lunes, Mayo 16, 2022, sa Soru Izakaya sa Quezon City.

Dumalo rin at sumamang makipag-jamming ang iba pang A Team talents na sina Gian Magdangal, Lara Maigue, Poppert Bernadas, Moira Lacambra, Aikee, at Anthony Barion.

A Team talents

Continue reading below ↓

Ogie Alcasid (extreme right) with A Team talents (from left) Moira Lacambra, Anthony Barion, Poppert Bernadas, and Ian Veneracion

Maganda ang feedback at resulta ng concerts na ginawa ni Ian sa Naga, Iloilo, Pampanga, at sa iba pang gigs. Kaya nakakahiligan na niya ang pagkanta kasama ang kanyang banda.

Read: Ian Veneracion reveals A Love To Last stint made him love doing concerts: “Kumapal na yung mukha ko kumanta in public.”

Sabi naman ni Ogie, kilala nang magaling na aktor si Ian at itong pagkanta ay bahagi ng pagiging artist ng aktor.

“Yung movies and TV, I think it’s a constant in his career, di ba? He’s a very, very accomplished actor.

“But, I think it’s still scratching the surface pagdating sa music. So, we’re excited to see where this would take him. Hindi ko alam kung kailan titigil.

“In terms of hierarchy, actor talaga siya, e,” pahayag ni Ogie.

Continue reading below ↓

Nagbigay pa ng halimbawa si Ogie ng ilang Hollywood actors kagaya ni Kevin Bacon na naggi-gig na rin daw sa ibang lugar, at Robert Downey Jr. na nagre-record na rin ng ilang covers.

Dagdag na paliwanag ni Ian, “Just like painting, for example, there are certain things that you want to express in color, sa texture, stuff like that. Pero kikita ka ba sa painting na yun? Hindi.

“Kasi pag natapos mo, gusto mo ba ibenta? Hindi nga rin, e. It’s just a personal expression. Good for the soul.”

Pero biniro ni Ogie si Ian na mas yayaman siya sa pagkanta.

“Dito, yayaman ka. At importante, yayaman din ako,” napapangiting sabi ni Ogie kay Ian.

JERRY OLEA

Seryoso si Ian sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag-record na siya ng kanta na siya mismo ang nagsulat.

Tipong rock ito na pinamagatang "Ninuno," kasama ang kanyang banda. Inspired daw ito sa Juan dela Cruz band at iba pa niyang iniidolong rock bands.

Continue reading below ↓

Isinulat ni Ian ang lyrics na malalim ang paliwanag niya sa mensaheng gustong iparating ng naturang kanta.

“Parang call it out to our ancestors to send us your love… yun nga, 'Nasaan ang dangal? / Nasaan ang tapang? / Nasaan ang respeto?' ang lyrics nun.

"Kasi, yun ang questions to myself and also to the audience to ask yourselves those questions. Kasi nga, we come from a bloodline of warriors…

“Sa akin kasi, importante yung self-image kasi, e. You see yourself as a hero... instead of seeing yourself as a victim. We have the same struggles, from different perspective.

“If you’re a hero, you struggle with poverty. You struggle with this and that. Pero if you see there, as like you’re slaying dragons, it’s meaningful.

“Even if you’re suffering, it’s meaningful. Pero when you see yourself as a victim… ang hirap kasi kahit nung araw, nagrereklamo na parang kagatin ka lang ng lamok, parang ang hirap-hirap naman.

Continue reading below ↓

“You have the same circumstances, pero just because of your mindset from the hero to victim… it’s such a beautiful experience.”

NOEL FERRER

Hanggang ngayon ay solid pa rin ang suporta kay Ian ng mga fans.

Meron pa ngang fans club ang tandem nila ni Bea Alonzo na tinatawag nilang BeaIan Official, BeaIan Solid Forever, BeaIan Squad, at BeaIan GenTitas Official.

Kaya tinanong ng PEP Troika si Ian kung open ba siyang makatrabaho si Bea sa GMA-7, bilang Kapuso na ngayon ang aktres.

Sagot niya, “Malaking possibility, kasi now lumalawak na ang platforms, di ba? Puwede ka ngayong gumawa ng certain… for example, yung show or movie na hindi mo pa alam kung saan ipapalabas.

“Maraming ganun 'yan, e. Kasi, marami nang options. Hindi na tali lang ang isang producer sa isang platform.

"Kasi, sa online pa lang, ang dami na. Definitely, there is a possibility there."

Hindi siya naka-exclusive sa isang network kaya posible kayang magtrabaho siya sa GMA 7?

Continue reading below ↓

Sagot ni Ian, “Sa totoo lang, my whole career, I’ve never been exclusive with any network. Per project lang ako talaga. Hindi ako nakatali for a certain time.

“I’m open to all options naman. Kasi even now, merong mga ibang ventures na… yun nga, because the landscape is changing. Ang daming nangyayaring partnerships ngayon na ang dating hindi magkasama, ngayon nagsasama.”

Yun na! Abangan natin ang susunod na mga kabanata sa career ni Ian Veneracion.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid welcomes Ian Veneracion to his talent management, A Team.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results