Ayanna Misola, kinabahan sa eksena kasama ang buhay na isda sa Putahe

by PEP Troika
May 17, 2022
ayanna misola lutang
Ayanna Misola on starring in the remake of Dina Bonnevie's Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili: “Excited na ako, and nagpe-prepare talaga ako para mabigay ko yung best ko. Kasi, gusto kong maipakita sa idol ko na kaya kong bigyan ng justice ang role na yun.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Vivamax

JERRY OLEA

Humigit-kumulang dalawang oras na kinunan ni Direk Roman Perez Jr. ang opening scene ng pelikulang Putahe, kung saan nakasalampak si Ayanna Misola sa baybay ng dagat.

Puting kamison lang ang saplot ni Ayanna, at aninag ang mga korona niya sa dibdib. May dinaklot siyang munting isda na itinapat niya sa bukana ng kanyang pagkababae.

Ano bang isda iyon? Nabuhay ba iyon matapos makahulagpos sa pagkakahawak ni Ayanna?

“Ay, ano po! Nahuli lang po namin yun!” natatawang sabi ni Direk Roman matapos ang screening ng Putahe noong Mayo 11, 2022, Miyerkules, sa isang mall sa Quezon City.

“Hindi po namin alam kung anong isda yun. Nabuhay naman po yun. Nakatakas, e!

“Alam po ni Ayanna yung kuwento. Nakatakas po. Ikuwento mo, Ayanna!”

Natatawa ring lahad ni Ayanna, “Ahhhm, ayun… nung sinu-shoot namin yun, parang… binili ba yun or nahuli?”

“Nahuli,” tugon ni Direk Roman.

Pagpapatuloy ni Ayanna, “Nahuli lang yung isda. Isa lang yun. Buti na lang, nung nakatakas siya, tapos na ako! Nakaraos na ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nahilo yata yung isda sa mga pinaggagawa ko. So, nasugatan ako. Tinakasan niya ako.

“Siguro, ikukuwento niya sa ibang mga isda kung ano yung na-experience niya.”

Read: Ayanna Misola, pinatunayang mali ang mga nagsabing "hindi ako pang-big screen"

Maliban sa sugat sa kanyang palad, nagdusa si Ayanna sa mga zooplankton na nagpasasa sa kanyang mga hita habang nakabukaka siya sa pampang.

“Habang nakaupo ako, tinutusok ako ng mga maliliit na hipon. Masakit! Ha! Ha! Ha! Tinitiis ko na lang dahil nakatutok yung kamera,” napapangiwing salaysay ni Ayanna

“Kinakabahan nga ako, baka matusok yung ano, yung sensitive part. Buti na lang, hindi.”

Inireklamo ni Ayanna sa mga staff na pinapapak ng mga plankton ang kanyang mga binti.

“Pero wala tayong choice,” pagbuntong-hininga ni Ayanna.

“Kada wave, dumidikit sila. Tapos, tatanggalin ko.

“Tapos pagka-wave, babalik na naman. Nakakaloka!”

Laking-Sta. Rosa, Laguna ang 20-anyos na si Ayanna. First time daw niyang mag-beach sa shooting nitong Putahe sa isang isla sa Oriental Mindoro.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Co-stars ni Ayanna sa Putahe sina Janelle Tee, Massimo Scofield, Ronnie Lazaro, Mon Confiado, Shirley Fuentes, Carlene Aguilar, Nathan Cajucom, Hershey de Leon, Chad Lozano, Tabs Sumulong, at Jiad Arroyo.

Mayo 13, Biyernes, nag-umpisa ang streaming ng Putahe sa Vivamax.

GORGY RULA

Sobrang excited si Ayanna sa next movie niya, ang remake ng pelikulang Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili (1989) na ididirek din ni Roman Perez Jr.

Bida si Dina Bonnevie sa nasabing movie na idinirek ni Eddie Rodriguez, at tinampukan din nina Eddie Gutierrez, Tonton Gutierrez, Juan Rodrigo, Julio Diaz, Raoul Aragon, Manjo del Mundo, Gino Antonio, at Rey “PJ” Abellana.

Read: Ayanna Misola, bida sa remake ng Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili ni Dina Bonnevie

“Idol ko si Miss Dina dati pa. Childhood idol ko siya. Sana, maka-work ko siya,” saad ni Ayanna.

“Excited na ako, and nagpe-prepare talaga ako para mabigay ko yung best ko. Kasi, gusto kong maipakita sa idol ko na kaya kong bigyan ng justice ang role na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa totoong buhay ba, nawala na siya sa sarili?

“Lagi naman akong lutang. Lagi akong wala sa sarili!” natatawang sambit ni Ayanna.

“Hindi ko alam kung bakit. Pag natataranta siguro ako. Katulad nung nangyari minsan sa isang mall, parang nagmamadali akong mag-CR.

“Tapos na-lock pa ako sa fire exit dahil sa sobrang kamadalian ko. Kasi, first time kong mag-CR sa cinema. First time kong mag-CR dun.

“Tapos sa kasyungahan ko, dun pa ako napunta sa fire exit. Nagulat ako, bakit biglang tumahimik?

“Akyat-panaog ako dun, e. Kinabahan ako, kasi last show na yun nung cinema. So, baka ma-trap ako dun sa mall.

“E, yung mall pa naman, may issue siya before. Palakad-lakad ako. Kada puntahan ko, puro trap door. Tapos walang signal.

“Meron akong kasama sa mall pero magkalayo kasi kami ng kaibigan ko. Ayun, naghanap ako ng signal, tinawagan ko siya.

“Ilang beses din daw niyang binuksan ang fire exit pero wala ako dun. Sabi ko, ‘Hintayin mo na lang ako diyan!’ Kasi, nawawalan nga ng signal yung phone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Ate Carlene [Aguilar] yun. Siya ang pinaka-close kong artista.”

NOEL FERRER

Mukhang ganun na ba ang trend o kalakaran ngayon? Isang matindi at daring na debut film tapos isang remake ng sexy/daring/bold classic like Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili o Scorpio Nights.

Sana talaga, makaya ng bagong artists nito ang kahingian ng paglu-launch ng kanilang careers.

Ang tanong, will these films ever be exhibited on the big screen or sa online siya talaga gagawa ng marka para hindi na kailangang dumaan sa censorship?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayanna Misola on starring in the remake of Dina Bonnevie's Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili: “Excited na ako, and nagpe-prepare talaga ako para mabigay ko yung best ko. Kasi, gusto kong maipakita sa idol ko na kaya kong bigyan ng justice ang role na yun.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results