Watch Now

Aljur Abrenica, willing bang mag-frontal nudity?

by PEP Troika
May 19, 2022
aljur abrenica frontal nudity
Aljur Abrenica on showing skin on movies: “Wala pa naman akong ganun… wala naman akong restrictions diyan as long as the story demands it. Sa sarili ko lang yun, ha, may napapanood akong sobrang sexy pero hindi naman kailangan. For the sake of…”
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

JERRY OLEA

Nagustuhan ni Aljur Abrenica ang istorya ng psychological thriller na The Revelation.

“Kahit gaano pa kalaki yung production, lahat… pag hindi ko nagustuhan yung istorya, hindi ko talaga tinatanggap,” pagtatapat ni Aljur sa storycon ng The Revelation noong Mayo 11, 2022, Miyerkules, sa Nile Bar, Malate, Manila.

“Unang basa ko pa lang dito, nagustuhan ko na siya. Kasi, hindi ko siya na-predict, e. Interesting ang takbo ng story, tapos challenging ang karakter.”

Co-stars ni Aljur sa pelikula sina Ana Jalandoni, Vin Abrenica, at Jelai Andres, sa direksiyon ni Ray An Dulay. Sinu-shoot na nila ito sa Tagaytay City.

Read: Aljur Abrenica reacts to Robin Padilla topping senatorial race

Pagpapatuloy ni Aljur, “May revelation sa bawat major character ng story. Kumbaga, may understanding na hindi porke’t ganito ang pinagdaanan ng tao ay masama na siya.

“There’s always a reason behind it, di ba? Ang lesson din sa akin, you shouldn’t judge a person, di ba? Because there’s always a story behind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Unless it’s not… sometimes kasi, kaya nga interesting din siya, depende rin sa standard ng society natin, yung morality.

“Naging interesting din siya dahil yung karakter ko, naging magaling siyang magtago. Matalino siyang maghanda, di ba?

“So, yung suspense nun, yung exciting dun, kung paano siya mahuhuli. Hindi ko na-predict.”

Sabi nga ni Aljur, there’s always a story behind… Pero keri na ba niyang ibuyangyang nang lubos ang kanyang behind sa pelikula?

O may limitasyon siya gaya ng younger brother niyang si Vin na isinasaalang-alang ang 13-month-old daughter kaya ayaw magpakita ng behind?

Read: Vin Abrenica flattered by positive comments about his sexy posts; says no to butt exposure

Napangiti si Aljur, “Wala pa naman akong ganun… wala naman akong restrictions diyan as long as the story demands it.

“Sa sarili ko lang yun, ha, may napapanood akong sobrang sexy pero hindi naman kailangan. For the sake of…”

Benta? Napatango si Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Vivamax at iba pang streaming platforms, maraming paayuda ang sexy stars. May mga lalaking game sa frontal nudity.

“May mga tao para dun. Ako, sa ngayon, hindi pa!” natatawang sambit ni Aljur.

Naku! Maraming naghihintay!

Matagal pa ba bago magiging lubusan ang kanyang kapangahasan? Bakit hindi pa ngayon na ang ganda-ganda pa rin ng kanyang katawan? Baka in five years, hindi na ganun siya kaborta. Naiisip ba niya iyon?

“I understand. Naiisip ko rin yun. Pero iniisip ko rin yung pag matanda na ako… hindi naman sa hindi kaya. Hindi, e.

“Hindi sa hindi ko nakikita ang sarili ko. It has to be one story na kailangang gawin yun. Hindi ko isinasara ang possibility.

“Basta nakita ko sa script na, ‘Uy! Kailangang ipakita ko yung t*t* ko dito, gagawin ko dito,” kaswal na pagbubunyag ni Aljur.

GORGY RULA

Kahit anong ganda ng script, depende pa rin sa direktor iyan. May mga pelikulang ang simple ng kuwento, pero ang ganda ng pagka-handle ng direktor, maganda ang kinalabasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung kakayanin ni Aljur ang mag-frontal nudity, sa tingin ko, hindi na isyu iyan pag lumaki na ang mga anak niya.

Pero kung totoo man siya sa sinabi niyang basta maganda ang script, willing siyang magpakita ng kahubdan niya, siguro mas bongga kung ngayon na niya gagawin iyan. Huwag na niyang hintaying mag-mature pa siya.

Ang dami pang maglalabasang mas batang artistang hindi na big deal sa kanila ang paghuhubad.

Nagagawa nga ng iba diyan sa socal media pa lang. Malamang, mas keri na nila kapag bida na sila sa pelikula.

Huwag nang hintayin ni Aljur na mapapangiwi na tayo kapag magpakita na siya ng kabuuan niya. Ngayon na! I-reveal na niya sa The Revelation!

Di ba, gustung-gusto naman daw niya ang script?

NOEL FERRER

Take it, take it, Aljur!

Take any chance to prove your worth as an actor. Kahit mag take it, take it off pa.

Kailangang mapatunayan — hindi na sa mga kritiko, pero kahit sa iyo na lang — na isa kang aktor na may natatanging ambag sa sining (hindi lang business) ng pelikula!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES
Game!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica on showing skin on movies: “Wala pa naman akong ganun… wala naman akong restrictions diyan as long as the story demands it. Sa sarili ko lang yun, ha, may napapanood akong sobrang sexy pero hindi naman kailangan. For the sake of…”
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results