Bryan Revilla, sinagot ang kumukuwestiyon kung ano ang ambag ng Agimat Partylist

by PEP Troika
May 19, 2022
Bryan Revilla, Bong Revilla
Nagwaging Agimat Partylist first nominee Bryan Revilla, ipinaliwanag kung anong sektor ng lipunan ang pagseserbisyuhan niya. Ama ni Bryan na si Senator Bong Revilla, tagumpay ang pagkarir sa pagkampanya sa Agimat Partylist.
PHOTO/S: @bryanrevilla Instagram

GORGY RULA

Naging paksa sa ilang programa sa radyo ang tungkol sa mga partylist. Ang daming kumukuwestiyon sa ibang nanalong partylist na hindi alam kung anong sektor sa lipunan ang niri-represent.

Karamihang reaksiyon ng taumbayan ay buwagin na ang partylist. May mga valid points sila kung bakit sa tingin nila ay dapat itigil na ang mga partylist.

Pero marami naman sa mga nanalong partylist na nakapagsilbi sa mas nangangailangan kaya siguro patuloy silang ibinoboto.

Isa sa kinuwestiyon na partylist ay ang Agimat partylist na binuo ni Senator Bong Revilla.

Aminado ang first nominee nitong si Bryan Revilla na mas magandang gamitin ang may recall na partylist, pero may aksyon at nagtatrabaho.

Tinitiyak daw nilang may maipaparating silang tulong sa mga mas nangangailangan.

"Multi-sectoral partylist po ito. So, lahat po ng sector ay puwede nating tulungan.

"Ang una nga po naming gagawin ay ang pagpapataas ng minimum wage sa ating mga manggagawa, lalo na po sa mga probinsiya.

Continue reading below ↓

"Ipapantay man lang po ang minimum wage ng sa probinsiya dito sa Metro Manila.

"Alam naman po natin na mahal na rin ang mga bilihin sa mga probinsiya, at kawawa din po ang mga kababayan natin dun," pahayag ni Bryan nang nakapanayam siya nina Anthony Taberna at Gerry Baja sa DZRH nung nakaraang linggo.

Hiningan naman namin ng opinyon si Senator Bong Revilla tungkol sa isyu. Aniya, hindi siya kokontra kung mapagpasyahang buwagin na ang mga partylist.

"Depende 'yan. Sa akin, it doesn’t matter. Mabuwag o ano, ang importante, matugunan ang mga pangangailangan ng mga maliliit nating mga kababayan," pakli ni Senator Bong.

Ang natitiyak lang daw niya ay talagang magtatrabaho sila para mas maraming matulungan, lalo na ngayong ang dami nating mga kababayan na sobrang naapektuhan ng pinagdaanan nating pandemya.

JERRY OLEA

Nagpapasalamat si Senator Bong na natapos na ang eleksyon at maganda naman ang kinalabasan, dahil nanalo ang karamihan ng kanyang pamilya, pati ang mga ikinampanya niya. Hindi siya tumakbo, pero ito raw ang sobrang nahirapan siya sa pangangampanya.

Continue reading below ↓

READ: Bong Revilla, Aiko Melendez, Alfred Vargas ratsada sa last stretch ng kampanya

"Nahirapan ako sa laban na ‘to. Pero natuwa naman ako para sa kanila. Ang pangarap nilang makapagsilbi, magagawa na nila," pahayag ni Senator Bong.

"Alam naman nila ang mga pagsubok na dumaan sa buhay ko. Lahat ‘yan, alam niyo na ang gagawin niyo.

"Maging faithful sa ating mga kababayan at huwag tayo magpaapekto sa mga kalaban natin sa pulitika. Ang mahalaga, nasa tama ka."

NOEL FERRER

Sayang dahil maganda sana talaga ang intensiyon ng pagkakatatag ng partylist representatives, pero ayun… prone to abuse ng iba, kaya mismong si Pangulong Digong na ang nagsabing sana ma-abolish na ito.

Sana matutukan ito ng bagong mga mambabatas at isama sa pagpapalit ng konstitusyon kung sakali.

But since may nahalal pa rin ngayon, sana ay makapagsilbi pa rin sila nang mabuti sa mga tao. At tayo bilang mamamayan, we take them to account.

Continue reading below ↓

Sabi nga ni Sir Mike Enriquez, hindi dapat natin sila tatantanan!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagwaging Agimat Partylist first nominee Bryan Revilla, ipinaliwanag kung anong sektor ng lipunan ang pagseserbisyuhan niya. Ama ni Bryan na si Senator Bong Revilla, tagumpay ang pagkarir sa pagkampanya sa Agimat Partylist.
PHOTO/S: @bryanrevilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results