Mayor Ina Alegre, suportado ang neophyte Oriental Mindoro vice governor na si Ejay Falcon

by PEP Troika
May 20, 2022
Ejay Falcon, Mayor Ina Alegre, Oriental Mindoro
Pola Mayor Ina Alegre, siniguro na determinado si Ejay Falcon (left) na magsilbi sa mga kababayan sa Oriental Mindoro. Ibinahagi rin ng alkalde ang pagkikita nila ni Cesar Montano (right) para sa pelikulang nais niyang iprodyus para sa aktor.

GORGy RULA

Puring-puri ni Mayor Ina Alegre si Ejay Falcon, ang bagong halal na vice governor ng lalawigan ng Oriental Mindoro.

Si Mayor Ina, o Jennifer Mindanao-Cruz, ay nanalo bilang alkalde ng Pola at nasa second term na siya ng panunungkulan. Magkapartido sila ni Ejay.

READ: Robin Padilla, Richard Gomez, Arjo Atayde, other celebs triumph in 2022 elections

Nakatsikahan namin si Mayor Ina sa DZRH nung nakaraang Miyerkules, Mayo 18, 2022.

Naalala ng alkalde na noong una ay nagdadalawang-isip pa si Ejay na pasukin ang pulitika. Isa raw siya sa nagkumbinsi kay Ejay na tumakbo dahil nakikita namang gusto siya ng mga taga-Pola.

"Noon, ayaw niyang tumakbo. Sabi ko, 'Tumakbo ka, mananalo kang vice governor.' Isa ako sa nagsasabi sa kanya na tumakbo. 'Siyempre, tulungan kita,'" lahad ni Mayor Ina.

"Marami akong binibigay na payo sa kanya habang nangangampanya siya."

Ngayon ay nakikita raw niya kay Ejay na talagang gusto nitong matuto at magsilbi sa kanilang mga kababayan.

Continue reading below ↓

"Nag-aaral siya," bulalas ni Mayor Ina.

Dagdag niyang pahayag: "In fact, ang dami niyang mga tanong. Magaling siyang bata, ang dali niyang matuto.

"Nung una nga, parang ang bata niya, pero nakikita ko, magaling siya. Marunong siyang bata.

"Ang maganda sa kanya, marunong siyang makinig. Very good siya. Yun naman ang dapat, marunong kang makinig."

Ejay Falcon

Continue reading below ↓

Hindi raw alam ni Mayor Ina kung magiging active pa rin si Ejay sa pag-aartista.

Sa parte niya, gusto niyang ipagpatuloy ang pagpo-produce ng pelikula at sa Pola ang shooting para mai-promote ang kanyang bayan.

Katatapos lang niya ng indie film na 40 Days na idinirek ni Buboy Tan, at nakikipag-uusap siya kay Cesar Montano para sa isang movie project na pagbibidahan at ididirek ng actor-director.

"Kausap ko nga kanina si Buboy," tukoy ni Mayor Ina kay Cesar na ang palayaw ay Buboy.

"Sabi ko sige, usap kami. Kasi gusto ko talaga mag-produce ng movie na almost the same as Banal na prinodyus ko noon.

"Siya ang magdidirek, at siya rin ang artista. Pero sa Pola ang shoot."

Marami raw magagandang tanawin ang Pola na gusto niyang i-promote para mapalakas ang turismo nito.

Cesar Montano, Mayor Ina Alegre

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Nakilala ko si Ejay bago pa siya lumahok at magwagi sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus (2008) na naging daan upang siya’y mag-artista.

Mula noon ay mapagkumbaba na siya, kaya natutuwa tayo sa pagkapanalo niya sa halalan, at sa masugid niyang hangaring tulungan ang kanyang mga kababayan.

Sabi sa Facebook post ni Ejay noong Mayo 10, 2022 (published as is):

"Sa lahat po ng nanindigan, nagpakita ng suporta, nagtiwala, nagmahal at bukas palad na tumanggap sa isang Ejay Falcon, hindi bilang artista kundi bilang isang kababayan nyo na nag nanais maglingkod ng buong puso, MARAMING MARAMING SALAMAT PO.

"Hindi naging madali ang laban pero bawat isa po sa inyo ang dahilan kung bakit po tayo nagtagumpay. Ilang beses po tayong ibinaba, minaliit at hinusgahan pero kayo po ang nag angat at nag panalo sa isang Ejay Falcon.

"Utang ko po sa inyo ito at hayaan nyo pong bayaran ko kayo ng tapat at malinis na paglilingkod.

Continue reading below ↓

"Ang mga ngiti, palakpak at hiyaw nyo po ang nagbigay sa akin ng lakas na kaya natin ito. Hindi ko po maipaliwanag sa mga salita ang saya at galak na nararamdaman ko ngayon dahil gustong gusto ko na pong magsimulang maglingkod sa inyo.

"Sa lahat ng mga kabataan, ito na si Ejay Falcon, ang Kuya nyo sa Sangguniang Panlalawigan.

"Umasa po kayo mga kababayan ko na may action star po kayo na magtatanggol at tutulong para sa kapakanan at interes ng lalawigan at magbibigay ng dobleng aksyon para sa mga mamamayan.

"Ito po ang bagong Bise Gobernador ng Oriental Mindoro, ready to serve you."

NOEL FERRER

Katulad ng sinabi natin sa mga bagong mambabatas, marahil ay alam din ni EJ na hindi sapat ang magandang intensiyon para manilbihan sa gobyerno.

Habang hindi pa nagsisimula ang termino nila, maaari pang mag-aral ng local governance at batas at provincial council si EJ para mas maging handa pa siya sa panunungkulan at hindi mag-on-the-job-training sa gobyerno.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pola Mayor Ina Alegre, siniguro na determinado si Ejay Falcon (left) na magsilbi sa mga kababayan sa Oriental Mindoro. Ibinahagi rin ng alkalde ang pagkikita nila ni Cesar Montano (right) para sa pelikulang nais niyang iprodyus para sa aktor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results