Pinoy TV shows at movies, nangunguna na sa Netflix PH Top 10

by PEP Troika
May 22, 2022
2 Good 2 Be True
Daniel Padilla
Kathryn Bernardo
Sa kauna-unahang pagkakataon, Pinoy TV shows at movies na ang nangunguna sa Top 10 rankings ng Netflix Philippines, kabilang na ang pelikulang More Than Blue nina Yassi Pressman at JC Santos, at ang TV series na 2 Good 2 Be True nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

JERRY OLEA

Dati-rati, labu-labo ang mga pelikula at TV shows/series sa paramihan ng nanonood sa Netflix Philippines.

Meron din namang hiwalay na kategorya para sa Top 10 TV shows, at Top 10 movies ng nasabing streaming platform.

Recently, yung magkahiwalay na kategorya ng mga pelikula at serye na lamang ang nakalista.

Noong Mayo 14, Sabado ng 8:43 pm ay nag-tweet si Yassi Pressman kaugnay sa pangunguna ng pelikula nila ni JC Santos na More Than Blue sa Netflix Philippines. Hindi yun nagtagal sa puwesto at kinabog agad ng Hollywood comedy film na Senior Year (2022) ni Rebel Wilson.

JC Santos
Yassi Pressman

Continue reading below ↓

Noong Mayo 16, Lunes ng gabi, ay nanguna naman sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ang bagong KathNiel series na 2 Good 2 Be True.

Daniel Padilla
Kathryn Bernardo

Hanggang ngayong Mayo 21, Sabado ng gabi, ay number 1 pa rin sa Top 10 TV shows ng Netflix Philippines ang teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Continue reading below ↓

May isa pang Pinoy TV show na nasa Top 10 ngayon ng Netflix Philippines, ang The Promise (Pangako Sa ‘Yo, 2015) kunsaan sina Kathryn at Daniel din ang mga bida.

At ang nakakatuwa pa, bumalik sa pagiging number 1 sa Top 10 Movies ang More Than Blue. Pumangalawa ang kare-release pa lang na A Perfect Pairing, at pumangatlo ang Senior Year.

Walang ibang Pinoy film sa talaan ng Top 10 Movies ng Netflix Philippines ngayong Sabado night.

First time ever na ang nanguna sa Top 10 movies at Top 10 TV shows ng Netflix Philippines ay gawang Pinoy!

Inantabayanan din ng mga Kapamilya ang pag-ere ng 2 Good 2 Be True sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV, at Cinemo noong Lunes, Mayo 16. Nagtala ang pilot episode niyon ng 130,000 concurrent viewers sa YouTube channel ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Naka-8.0% ang combined ratings (A2Z, TV5, Kapamilya Channel at Jeepney TV) ng pilot episode ng 2 Good 2 Be True noong Mayo 16, Lunes sa AGB Nielsen NUTAM Ratings.

Noong Mayo 17, Martes ay naka-7.3% ito, at noong Mayo 18, Miyerkules ay naka-6.9% naman.

Mapapanood ang advance episodes ng 2 Good 2 Be True sa Netflix at iWantTFC. Maari ring subaybayan ito Lunes hanggang Biyernes ng 8:40 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV, at Cinemo.

Siyanga pala, streaming na rin sa Netflix Philippines umpisa Mayo 20, Biyernes ang Kapuso series na Legal Wives nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali. Abangan natin kung papasok ito sa Top 10 TV Shows!

Legal Wives

Continue reading below ↓

Dennis Trillo

NOEL FERRER

Napanood ko ang More Than Blue nina Yassi at JC, at magaling silang umarte, ha?

Grabe lang ang twist and turns ng istorya na para nang teleserye but it picked up from the formula of that Paolo Contis-Alessandra Da Rossi movie na Through Night And Day na tungkol sa mga huling araw ng isang taong mamamatay.

Continue reading below ↓

Habang "I Will Be Here" ang kanta kina Paolo at Alex, "Kahit Kailan" naman dito kina JC at Yassi.

Sana lang talaga, since may following na ang mga Pinoy content, mag-level up pa tayo sa mga gagawin natin. Kasi, kayang-kaya naman natin iyun!

Let’s offer the world the best of what we can do lalo pa’t malawak ang espasyo sa Netflix or other digital platforms. Puwedeng maging edgy at daring. Basta sana, mag-LEVEL UP talaga!

GORGY RULA

Papanoorin ko pa lang ang More Than Blue. Na-curious tuloy ako dahil hindi naman ito gaanong nag-hit sa ibang streaming service.

Kathryn Bernardo

Continue reading below ↓

Ang 2 Good 2 Be True naman ay nasusubaybayan ko pa rin sa Netflix kahit hindi ako gaanong na-impress.

Siguro mataas lang ang standard ko sa KathNiel movies at ilang teleserye nila dahil magaganda naman talaga. Pero itong huling ginawa nila ay nakokornihan ako.

Ang daming eksenang predictable at de kahon ang acting ng ibang cast. Okay naman si Daniel, pero may mga kuhang medyo malusog siya.

Kahit ang ibang nakausap ko na nakapanood sa A2Z ay halos ganun din ang kanilang obserbasyon. Ang OA raw!

Pero baka umeepek naman ito sa karamihang manonood dahil okay ang ratings ng pilot week, at nagti-trending pa rin sa Netflix.

Inaasahang gaganda pa ang mga susunod na episodes dahil mabilis ang pag-usad ng kuwento nito. Hindi maitatangging ang KathNiel pa rin ang pinakamalakas na loveteam at hindi talaga nagpapabaya ang mga fans.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kauna-unahang pagkakataon, Pinoy TV shows at movies na ang nangunguna sa Top 10 rankings ng Netflix Philippines, kabilang na ang pelikulang More Than Blue nina Yassi Pressman at JC Santos, at ang TV series na 2 Good 2 Be True nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results