Watch Now

Sina Diego Loyzaga at Franki Russell na ba?

by PEP Troika
May 22, 2022
Franki Russell, Diego Castro
Kahit wala pang inaamin, nakikita na sa social media ang sweet moments nina Franki Russell at Diego Loyzaga.
PHOTO/S: @missfranki / @diegoloyzaga Instagram

GORGY RULA

Ayaw mag-comment ng ilang taong malapit sa dating taga-PBB na si Franki Russell kung sila na ba ni Diego Loyzaga.

Nakikita lang ang mga sweet moments nilang napu-post sa social media, pero tinanggal din ito ni Franki sa kanyang Instagram account.

Pero muling nag-post si Franki ng kanyang birthday message kay Diego na nag-celebrate ng 27th birthday noong Sabado, Mayo 21, 2022.

Message ni Franki kay Diego, “Happy birthday @diegoloyzaga you have the biggest heart and everyone around you is so lucky to have someone like you in their life. 27 ain’t ready for you papi.”

Baka nga silang dalawa na, pero wala pa silang kinu-confirm. Lalong hindi nag-comment ang ilang taong malapit kay Franki nang tinanong ko kung naging magkaibigan ba sina Franki at April Scott, ang model at nag-aartista ring naging girlfriend noon ni Diego.

Bago pa si Barbie Imperial ay matagal-tagal ding naging girlfriend ni Diego si April.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lang naging active sa pag-aartista si April, pagkatapos niyang sumali sa Starstruck.

Kasabay niya noon si Ivana Alawi na maaga ring naligwak sa naturang talent/reality show.

Sa modeling at commercials nalinya si April nung naging sila ni Diego, at kasama pa niya noon si Franki.

Hindi lang ako sure kung nagkakilala na sina Diego at Franki noong girlfriend pa ng aktor si April Scott.

Samantala, mahigit 40,000 views sa Instagram ni Cesar Montano ang video ng birthday message nito para kay Diego.

Kinakantahan niya ng "Happy Birthday" ang kanyang anak, kasama ang iba pa niyang maliliit na anak na bihira lang niyang inilalabas sa social media.

Nag-“I love you” si Diego sa kanyang daddy pati sa tatlo niyang kapatid na kasamang kumanta roon sa video.

JERRY OLEA

Kilig-kiligan noon ang fans ng PBB Otso (Nobyembre 2018-Agosto 2019) sa Frankiana tandem nina Franki Russell at Diana Mackey. Pareho silang half-Pinay at half-Kiwi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa si Franki sa 30 finalists ng first-ever Miss Universe-UAE 2021.

Kaso, naudlot ang koronasyon nito na nakatakda sana noong Nobyembre 7, 2021. Kaya hindi pa rin kasali ang UAE sa 80 participants ng 70th Miss Universe noong Disyembre 13, 2021 sa Israel, kung saan nagwagi si Harnaaz Sandhu ng India.

Samantala, Binibini 35 si Diana sa Bb. Pilipinas 2022, at kinatawan siya ng Nueva Ecija.

Meron pa kayang avid fans ang Frankiana? O mas bet na ng fans ang tambalang FranDi nina Franki at Diego?

NOEL FERRER

Naku, kailangan ko nang makilala sina Franki and April.

Weno naman ngayon kung sina Franki at Diego na?

In fairness kay Diego, ha, maganda ang rehistro niya sa Netflix Vivamax movie na More Than Blue.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit wala pang inaamin, nakikita na sa social media ang sweet moments nina Franki Russell at Diego Loyzaga.
PHOTO/S: @missfranki / @diegoloyzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results