Joey Marquez, kinumpirmang engaged na ang anak na si Winwyn

by PEP Troika
May 23, 2022
Winwyn Marquez gender reveal party
Joey Marquez on father of Winwyn Marquez's baby: "Magmula nung Grade 4, nagkalapit na yung dalawa, e. Matagal na. Medyo natigil lang kasi nagkalayo sila ng propesyon. Nagpribado ang isa, tapos nagkita uli. Best friend ni Yeoj yun, kaklase niya.”
PHOTO/S: Screengrab from Winwyn Marquez / YouTube

GORGY RULA

Hindi itinanggi ni Joey Marquez ang narinig naming kuwentong nag-propose na kay Winwyn Marquez ang partner nito, ang ama ng anak ng actress-beauty queen.

“Nag-propose na, nagpaalam sa akin. Expected ko naman yun dahil childhood sweetheart niya, e,” pakli ng aktor sa mediacon ng bagong drama series ng GMA-7, ang Bolera, na magsisimula na sa Mayo 30, 2022.

Ayon kay Joey, baka ngayong taon na magpakasal si Winwyn at ang partner nito. Pero wala pa raw sinasabi sa kanya si Winwyn ng eksaktong petsa at iba pang detalye ng kasal.

Read: Winwyn Marquez's partner reacts to "may sabit," "nagtatago" allegations

Tinanong na rin namin si Joey kung ano ang ibinigay niyang payo kina Winwyn ngayong papasok na sila sa pag-aasawa.

“Ang payo ko sa kanila, hindi madali ang magkaroon ng… pumasok sa ganung bagay. Ang sabi ko lang sa kanila, 'Ang desisyon niyan, nasa inyong dalawa parati,'” pakli ng aktor.

Continue reading below ↓

Maingat daw siya sa pagpapayo sa kanyang anak dahil sa tingin niya ay wala siya sa posisyon.

“Puwede kong maipayo yung pagiging ama sa mga anak. Sa pagiging asawa, wala akong moral ascendancy, e…

"Sa akin na lang, 'Lahat ng gagawin ninyo, kailangang pag-usapan. Dapat pantay kayo ng desisyon,”' dagdag niyang pahayag.

Samantala, nagpapasalamat si Joey sa GMA-7 na binigyan siya ng magandang project kagaya ng Bolera. Pero gusto rin daw niyang gumawa ng sitcom dahil maganda ang sitcom na nagawa niya noon sa Kapuso network, ang Lagot Ka, Isusumbong Kita.

“Ang sarap ng feeling na nagpapatawa ka ng tao. Napapabata mo sila,” nakangiting pahayag ni Joey.

JERRY OLEA

Childhood sweetheart ni Winwyn ang ama ng kanyang anak. Barkada raw ito ni Yeoj.

Sabi pa ni ‘Tsong Joey, “Magmula nung Grade 4, nagkalapit na yung dalawa, e. Matagal na.

"Medyo natigil lang kasi nagkalayo sila ng propesyon. Nagpribado ang isa, tapos nagkita uli.

Continue reading below ↓

“Best friend ni Yeoj yun, kaklase niya.”

Nakikita raw ni Joey na sobrang nai-enjoy ni Winwyn ang pag-alaga sa anak. Lagi nga raw niyang sinasabihan na puwede na silang bumalik sa trabaho, at siya na ang mag-aalaga sa kanyang apo.

“Sinasabi ko nga, magtrabaho na siya, tapos iwan na sa akin yung anak nila. Kasi, ayaw nga nila pahawak sa akin, baka itakbo ko.

“Hindi ko na sila papasukin dahil akin na yun,” pagbibiro pa ni Joey.

NOEL FERRER

May paraan ang tadhana na ayusin ang lahat. At least, itong nangyayari kay Winwyn ay naaayos at nailalagay sa tamang hulog.

At kung may basbas na ang kanyang mga magulang, pasasaan ba’t para ito sa ikabubuti at ikaliligaya ng lahat.

Parang ang cool na tatay ni Joey, ‘no? Ayaw ng bigat. Walang nega.

Kaya sana, magtuluy-tuloy na ang pagsaya ng pamilya nila pagkatapos subukin ng pagkakataon. Heto, lalo pa silang tumatatag!!!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey Marquez on father of Winwyn Marquez's baby: "Magmula nung Grade 4, nagkalapit na yung dalawa, e. Matagal na. Medyo natigil lang kasi nagkalayo sila ng propesyon. Nagpribado ang isa, tapos nagkita uli. Best friend ni Yeoj yun, kaklase niya.”
PHOTO/S: Screengrab from Winwyn Marquez / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results