Gino Roque, "super-worth it" ang paglabas para sa Star Magic All-Star Games 2022

by PEP Troika
May 24, 2022
gino roque all-star games 2022
Gino Roque on his first All-Star Games experience: "Just to experience the whole thing, when you shoot, di ba? The crowd screams whether for or against you, or pag nagpi-free throw ka, di ba Everybody’s like cheering you on, or like saying, ‘Miss!’ So, andaming mga experiences na hindi ko naranasan before."
PHOTO/S: Star Magic

JERRY OLEA

First big event ni Gino Roque during pandemic ang Star Magic All-Star Games 2022 nitong Mayo 22, 2022, Linggo, sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

“Nag-compete po ako dun, sa basketball at badminton po,” kuwento ni Gino nang maka-Zoom ko nitong Mayo 23, Lunes.

“Kasi po, tennis player po ako, e. Pero nung sinabi nila na walang tennis pero may badminton, sabi ko, e, first time ko. Di… subukan ko na din.

“So, sa awa ng Diyos, ayun, naka-finals kami sa badminton. At saka sa basketball naman, champion kami.

“So, kahit paano, OK naman yung experience.”

all-star games 2022

Continue reading below ↓

Gino Roque (second from left) with his teammates in Star Magic All-Star Games 2022

Istrikto sa bahay nina Gino kaya matapos ang Star Magic All-Star Games ay nag-isolate muna siya.

“Siyempre, ang daming contact sa iba’t ibang tao. So ngayon, naka-quarantine ako dito sa kuwarto ko for three days,” lahad ni Gino.

“Tapos, magte-test ako. So, every time na lumalabas ako, nagku-quarantine ako ng tatlong araw, and 'yan, nagsu-swab ako.”

After Pinoy Big Brother: Otso (Nobyembre 2018-Agosto 2019), itong Star Magic All-Star Games 2022 ang event na may pinakamalaking fans na bahagi siya.

“First time na ganung klaseng event na they are watching us. Ever since after PBB, ito ang pinakamalaking crowd na pinuntahan ko,” lahad ni Gino.

“I think, there was 3,000 to 5,000 people. And then siyempre, you know, I’ve always done events na you dance, you sing, or you create mga MMA fights na ganun karaming tao.

Continue reading below ↓

“Pero to compete in sports is totally different, di ba? So parang, medyo kinakabahan ako.

“Pero siyempre, I mean, you’re out there to play for the fans and to create an experience. Kasi, that does not happen all the time, di ba?”

Kahit paano, may sense of normalcy na makapaglaro sa sports event na maraming nanonood. Nakaramdam siya ng fulfillment?

“Siyempre po. Kasi, kada labas ko, alam na meron akong… hindi naman parusa, meron akong kailangang gawin which is itong three days na quarantine,” natatawang sambit ni Gino, na endorser ng Solmux Advance.

“So dapat, paglabas ko, it must be worth it. And itong All-Star Games, super-worth it talaga!

“Kasi, you know, to go out and to see many people, to see all the fans, to go out there, to compete, di ba?

“And just to experience the whole thing, when you shoot, di ba? The crowd screams whether for or against you, or pag nagpi-free throw ka, di ba?

Continue reading below ↓

“Everybody’s like cheering you on, or like saying, ‘Miss!’ So, andaming mga experiences na hindi ko naranasan before.

“Kasi, I’ve never played basketball in a big stage like this, di ba? I just watch it sa UAAP. Or we host mga events, di ba?

“E, dun, we’re just the producers sa likod, make sure everything is running properly.

“Pero to be one of the athletes, is totally different… is totally different. Iba siya! It was bigger than the ASEAN Games that I went to noong 2016. Mas maraming tao.”

GORGY RULA

Si Gino Roque IV ng Kamiseta Group of Companies ay nagmamay-ari rin ng kumpanyang apparel-turned-events na Forza.

Pagkatapos maging housemate sa Pinoy Big Brother: Otso, nag-produce siya at nagbida sa romantic-comedy series na Beauty and the Boss katambal si Elisse Joson, at Pasabuy kasama si Heaven Peralejo.

Bilang isang multi-hyphenate, kailangang manatiling malusog ni Gino.

Kuwento niya, “Mula nang magsimula ang pandemya, lahat tayo ay hindi nakakakuha ng sapat na impormasyon sa loob ng mahigit isang taon. Lalo na sa pamilya ko, nakatira kami sa isang compound.

Continue reading below ↓

“Takot na takot sina Lolo at Lola kung marami kaming lalabas. Napakatagal na ng pandemic na ito. Ang ginawa namin, nag-adjust kami sa New Normal.”

NOEL FERRER

Tatatak kaya si Gino Roque IV?

Pinasikat ng singer na si Gino Padila ang kantang "Let The Love Begin" (1987), na naging theme song at title ng 2005 movie nina Richard Gutierrez at Angel Locsin, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Ang sexy actor na si Gino Antonio ay isa sa leading men ni Joy Sumilang sa landmark penekula na Sabik: Kasalanan Ba? (1986) na idinirek ni Lito J. de Guzman.

Ang Seiko stud na si Gino Ilustre ay nagpasiklab sa mga pelikulang tulad ng Pag Dumikit, Kumakapit (1998) at Anakan Mo Ako (1999).

Ang indie actor na si Gino “Junjun” Quintana ay nagwaging best supporting actor sa 37th Gawad Urian para sa pelikulang Philippino Story (2013).

So, Gino ka ba talaga, Gino Roque IV? Sana, makilala ka pa namin nang husto at gumawa ka ng matinding marka sa industriyang pinasukan mo.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gino Roque on his first All-Star Games experience: "Just to experience the whole thing, when you shoot, di ba? The crowd screams whether for or against you, or pag nagpi-free throw ka, di ba Everybody’s like cheering you on, or like saying, ‘Miss!’ So, andaming mga experiences na hindi ko naranasan before."
PHOTO/S: Star Magic
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results