Watch Now

Susan Roces, ihahatid na sa kanyang huling hantungan ngayong May 26

by PEP Troika
May 26, 2022
susan roces burial
Ang ilang mga eksena sa Manila North Cemetery kung saan nakatakdang ilibing ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces ngayong Huwebes ng umaga, May 26.
PHOTO/S: Courtesy of Boy Gonzales of DZRH

GORGY RULA

Maaga pa lang ay nagsimula nang magdagsaan ang mga tao sa Manila North Cemetary para makilibing sa kinikilalang Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces ngayong Huwebes, May 26, 2022.

susan roces burial

Read: Mga labi ni Susan Roces, ililibing sa tabi ng puntod ni FPJ sa Manila North Cemetery

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakahanda na ang nitsong paglalagakan ng kanyang mga labi. Pero bago siya ihatid sa Manila North Cemetary ay magkakaroon muna ng misa sa Heritage Park, Taguig City, ngayong 9:30 a.m.

Naka-schedule ang interment ng 11:30 a.m.

Mula Heritage Park, dadaan ang funeral cortege sa Osmeña Highway patungong Buendia Skyway Entry, pa-exit ng Nagtahan Skyway, diretso ng Mabini Bridge, dadaan sa Dimasalang St. patungong Manila North Cemetery.

susan roces burial

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maaga pa lang ay kontrolado na ang lugar malapit sa mausoleum ng pamilya Poe para hindi magkagulo sa dami ng mga taong nag-aabang at makikilibing.

Samantala, bandang 10:30 p.m. nung Miyerkules, Mayo 25, ay dumating si Pangulong Rodrigo Duterte, kasama si Senator Bong Go, para makiramay sa pamilyang naiwan ni Susan Roces.

Si Senator Grace Poe ang umistima sa kanila.

president duterte at susan roces wake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napag-alamang nagtagal doon si Pangulong Duterte dahil tumuloy pa siya sa burol naman ng pumanaw na kapatid ni Pastor Apollo Quiboloy na si Bishop Jose Quiboloy, na katabi lang ng chapel ni Manang Inday ang pinagburulan nito.

Bandang alas-dos ng madaling-araw na raw nakaalis ng Heritage Park ang Pangulo.

NOEL FERRER

Bilang ihahatid na sa huling hantungan ang yumaong movie icon na si Susan Roces ngayon, expected na marami pang personalidad ang nakiramay, katulad na lang ng pagdating sa Heritage ni Vice Ganda bandang 11:30 p.m. kagabi.

vice ganda at susan roces wake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aware kaya si Vice na ang kapatid ni Pastor Quiboloy ang nakaburol katabi ng chapel ni Tita Susan?

Well, maraming mga bagay ang naaayos din dahil sa kamatayan. Harinawa, ganun na lang ang mangyari lagi.

Muli, nakikiramay po kami sa pamilya Poe, at Quiboloy na rin.

JERRY OLEA

Sa lamay kay Susan sa Heritage Park ay ipinalabas ang mga video clips ng mga kaganapan sa buhay niya — mga interbyu sa kanya, mga talumpati, mga eksena sa TV at pelikula, mga nagpugay sa kanya, yung kasal nila ni FPJ, maging yung panayam ni Jessica Soho kay Senator Grace Poe.

Kumukurot at humahaplos sa puso ang montage ng mga eksena nina Susan at FPJ, sa saliw ng pag-awit ni FPJ ng kantang "Kumusta Ka."

“Kumusta ka, ikaw ay walang pinag-iba/ Ganyan ka rin nang tayo ay huling magkita/ Tandang-tanda ko pa habang ako’y papalayo/ Tinitingnan kita hanggang wala ka na…”

May kumalat ngang illustration kaugnay sa paghihintay ni Da King sa muling pagtatagpo nila ng kanyang Reyna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

fpj & susan illustration

“Kumusta ka, may kislap na ang iyong mata/ Halata na daigdig mo ngayon ay kaysaya/ Siguro ay nagmamahal ka na nang totoo/ Siya ba’y katulad ko nung tayong dalawa?”

Habang naghihintay ang mga tao sa pagdating ng funeral cortege sa North Cemetery, nagpapalabas doon ng video clips ni Susan.

susan roces burial

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“O kaytagal na ako’y nag-isip at naghintay/ Makita ka, mayakap ka at muling mahagkan/ Nguni’t ngayong nangyari na, ako ay nauutal/ Walang masabi kundi ‘Kumusta ka?’”

Related Stories

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang ilang mga eksena sa Manila North Cemetery kung saan nakatakdang ilibing ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces ngayong Huwebes ng umaga, May 26.
PHOTO/S: Courtesy of Boy Gonzales of DZRH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results