Watch Now

Janelle Tee at Baron Geisler, nahirapan sa sadomasochism scenes nila sa Pusoy

by PEP Troika
May 26, 2022
baron geisler janelle tee pusoy
Janelle Tee on sadmasochism secen with baron Geisler: "Kasi, ayokong nananakit. So, buti na lang din si Baron, tinulungan niya ako na, ‘Hindi! Lakasan mo! Itodo mo!’ Ganun."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nahirapan si Janelle Tee sa sadomasochism scenes nila ni Baron Geisler sa pelikulang Pusoy.

“Aminado ako, dun sa mga love scenes namin. Siyempre, nananakit kasi ako dun, e!” paliwanag ni Janelle matapos ang screening ng movie nitong Mayo 25, 2022, Miyerkules ng gabi, sa isang mall sa Quezon City.

“So, alangan ako na manakit. Kasi, ayokong nananakit. So, buti na lang din si Baron, tinulungan niya ako na, ‘Hindi! Lakasan mo! Itodo mo!’ Ganun.

“And lahat ho yun, di ko alam kung paano gamitin. Buti na lang, si Direk Brillante, tinuruan niya ako! Hi! Hi! Hi! Hi!” pagbungisngis ni Miss Earth Philippines 2019 na former host ng Wowowin.

Dominatrix ang karakter ni Janelle na si Xandra sa istoryang nilikha ni Brillante Mendoza. Gumagamit ito ng whip, gag, choker, yoke, blind fold, at kung anu-ano pang sex toys sa pakikipaglampungan kay Rodolfo (karakter ni Baron).

Pagpapatuloy ni Janelle, “Sabi ko, ‘Direk, ano ba ito?! Paano gamitin ito lahat?!’ So, first time lahat yun. Ha! Ha! Ha! Ha! Mahirap siya pero nailaban namin!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-second the motion ni Baron, “Gaya po ng sinabi ni Miss Tee, ahh, buti na lang, andun po si Direk Brillante para i-guide po kami sa mga sexy scenes.

“Kung paano mag-whip. Bakit… ipapasok yung bola. Mga bagay-bagay na hindi ko na maisip kung para saan. Napa-‘I love you, General!’ na lang tuloy ako.

“But it’s my first time actually to do this kind of daring role, love scenes. And sa lahat ng mga eksena, yung love scenes talaga ang pinakamahirap gawin.

“Akala ninyo, parang nag-e-enjoy kami. Ahhm, nanginginig kami, di ba? Nanginginig tayo sa takot.

“But yun, hopefully ma-screen lang talaga ng Viva nang maayos na hindi ito pumasok sa Pornhub. Kasi, totoo, yung ibang mga movies na-screen nila.

“Kung hindi, dapat bigyan din nila kami ng porsyento. Benchingko! Benchingko, pwede na ba tayo, all in?! All in, benchingko poryento.”

Maliban kina Baron at Janelle, nasa cast ng Pusoy sina Vince Rillon, Angeli Khang, Jela Cuenca, at Julio Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Kahit magpu-40 years old na si Baron sa Hunyo 5, keri pa rin niyang sumabay sa hubaran.

Pero base sa kuwento niya sa presscon nung Miyerkules, tila napasubo siya sa hubaran dahil walang script, hindi niya alam kung ano ang mga kukunang eksena.

Natuwa siya nang tinawagan siya ni Direk Brillante na may gagawin siyang pelikula at makipag-meeting na sila kinabukasan sa supervising producer na si Ms. June Torrejon.

Kuwento ni Baron, “The next day, nag-meeting kami. Okay nice. ‘O, maganda ang mga eksena dito ha, ganyan-ganyan. Hindi ka iinom, ha?’ ‘Opo.’

“'Tapos biglang, pagdating na dun, ‘Baron, mag-plaster ka na. ‘Ho?’’Ah hindi, may mga pitong sexy scenes ka dito.’

“So, pinanindigan ko na lang dahil sa naniniwala ako dun kay Direk Phil [Giordano], at saka kay Direk Brillante, hindi ako makahindi. Si Direk Brillante pa kasi ang producer.

“So, hindi lang pang-Vivamax to, maaaring sa ibang bansa. I’m very grateful. Pero naisahan po ako ni Direk Brillante.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama naman pala ni Baron sa lock-in shoot nito ang asawa niya, pero ito nga ang pelikulang isa sa pinag-awayan nila. Pero okay na raw sila ngayon.

“Ito yung film na ‘yun,” pakli ng magaling na aktor.

"Pero kung napanood ninyo, kasama po siya sa movie.

“She’s in Turkey right now. Ang saya ng ginagawa niya dun. Nagbi-vacation with her friends.

“Soon… next month I’ll be seeing her. We’re okay. All is good,” dagdag niyang pahayag.

May kasunod pang gagawin si Baron para sa Vivamax, at alam niyang masusundan pa ito. Okay naman sa kanya kung mapapasabak siya uli sa hubaran.

Binanggit na rin pala ni Baron ang pelikulang ginawa niya sa MAVX Productions na naka-schedule na raw ang streaming nito sa Netflix.

NOEL FERRER

Grabe, napaka-prolific nina Direk Brillante at Vince Rillon, ha! Back-to-back-to-back na kinunan sa Batangas ang mga pelikulang Pusoy, Kaliwaan, at Virgin Forest kung saan tampok si Vince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Direk Brillante ang creator ng Pusoy at Kaliwaan. Yung Virgin Forest ang idinirek niya.

Malilinya na sila sa age-old director-actor tandem/protege na madalas magkasama sa pelikula as signature collaborators like Joel Lamangan-Jim Pebanco, Wenn Deramas-DJ Durano, Lav Diaz-Hazel Orencio, Jay Altarejos-Oliver Aquino, at iba pa.

Sana talaga, makagawa pa sila ng projects na magiging significant movies lalo na ngayong may bago tayong liderato.

Streaming ang Pusoy umpisa Mayo 27, Biyernes, sa Vivamax na available sa Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, USA, Middle East, at Europe.

Ang local cable operators na maaaring tawagan para mag-subscribe sa Vivamax ay Aklan Cable Television Co., Cebu Cable HD, Cable Link, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., Sky Cable, Fiber, BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect, at Zenergy Cable TV Network Inc.

Ang mga susunod na bagong pelikulang mag-i-streaming sa Vivamax ay Breathe Again (Hunyo 3) nina Ariella Arida at Tony Labrusca, Secrets (Hunyo 10) nina Janelle Tee at Benz Sangalang, at How To Love Mr Heartless (Hunyo 17) nina Sue Ramirez at Diego Loyzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janelle Tee on sadmasochism secen with baron Geisler: "Kasi, ayokong nananakit. So, buti na lang din si Baron, tinulungan niya ako na, ‘Hindi! Lakasan mo! Itodo mo!’ Ganun."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results