Watch Now

Vince Rillon, maraming natutunan kay Baron Geisler; Baron, puring-puri si Vince

by PEP Troika
May 27, 2022
vince rillon baron geisler pusoy
Vince Rillon (left) on Pusoy co-star Baron Geisler (right): “Lagi niya akong pinupuri na, ‘Ganyan, ha! Ikaw, ang galing-galing mo! Sobrang galing mo!’ Tapos ang eksena namin, ‘Tahimik ka lang pero nakikita ko ang reaksiyon mo.’ Sabi ko, ‘Hindi! Hindi ganun yun!’ sabi ko kay Kuya. ‘Huwag kang mag-alala,’ sabi ko sa kanya, ‘lamon mo ako dito! Kasi, mas intense kang umarte sa akin pero may puso!’ Sabi ko sa kanya, ‘Iba ka pa rin!’ Baron is Baron Geisler!”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Maganda ang dynamics nina Baron Geisler at Vince Rillon sa pelikulang Pusoy bilang mag-amo na sina Rodolfo at Popoy.

“Thirteen years old pa lang si Vince, may mga ginagawa na po kami ni Direk [Brillante Mendoza], mga horror movies,” kuwento ni Baron matapos ang special screening ng Pusoy nitong Mayo 25, 2022, Miyerkules, sa isang mall sa Quezon City.

“And Vince would tag along. Parang pinag-aaral siya. Nag-aaral siyang mag-act. So, nakailang beses na rin kami.

“But this is the first time na talagang nakita kong… unang-una, bida na siya. 'Tapos, internationally acclaimed na rin siya for his acting.

“So, ahhhm, actually may mga scenes na ako ang humihingi ng gabay kay Vince. Totoo, iba po ang kamay nito… medyo pag tumatanda po tayo, medyo bumabagal yung kamay saka isip,” natatawang sambit ni Baron, who’s turning 40 years old on June 5.

Pagpapatuloy ni Baron, “Pero si Vince, iba. Iba po ang talento nito. So, humihingi po ako ng payo sa kanya kung paano gawin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambot ni Vince, “Ibig niya pong sabihin… tinanong ko siya kung, ‘Nalulong ka ba sa sugal?’ ‘Ever since, hindi ako nalulong sa sugal.’ Hindi daw po talaga siya nagka-casino ever since.

“So, kada magte-take kami, kaya makikita ninyo ang baraha… hindi siya marunong humawak! Tapos nanginginig pa. Kaya sabi niya, ‘Vince, ayusin mo ang baraha ko!’ Dun ko siya natutulungan sa baraha.

“Hindi po kasi talaga siya marunong magsugal. Yun po.”

Laging pinupuri ni Baron si Vince.

“E, hindi ko naman po yun gusto yung ganun!” bulalas ni Vince, na nagwaging best actor sa 19th Asian Film Festival noong Abril sa Rome, Italy para sa pelikulang Resbak.

Read: Vince Rillon on first best actor award: "Parang ang aga… maagang dumating sa ‘kin."

“Lagi niya akong pinupuri na, ‘Ganyan, ha! Ikaw, ang galing-galing mo! Sobrang galing mo!’ Tapos ang eksena namin, ‘Tahimik ka lang pero nakikita ko ang reaksiyon mo.’

“Sabi ko, ‘Hindi! Hindi ganun yun!’ sabi ko kay Kuya. ‘Huwag kang mag-alala,’ sabi ko sa kanya, ‘lamon mo ako dito! Kasi, mas intense kang umarte sa akin pero may puso!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko sa kanya, ‘Iba ka pa rin!’ Baron is Baron Geisler!”

Doon pa lang sa pelikulang Captive (2012) ni Direk Brillante ay nagkasama na sila. Through the years, maraming natutunan si Vince kay Baron.

Mabilis na tugon ni Vince, “Opo! Marami na po! Ayan, yung pupunta sa set, iinom — hindi ko na po ginagawa yun. Kasi, nakikita ko na po yun sa kanya.

“Dati po! Dati po! Dati po! Dati po! Dati po! Dati po! Kaya ngayon, hindi ko na ginagawa.”

Natawa si Baron sa pa-throwback ni Vince.

Sabi ni Baron, “Kaya matalino nga pong bata itong si Vince. Napakatalino po. Ito po dapat ang inyong idolohin…”

Pagbabalik-tanaw pa ni Vince, “Dati pong ginawa namin, mautak po siya, e! Umorder siya ng halo-halo. Akala ko talaga, halo-halo. Nilalagyan pala niya ng alak! Ng gin!

“Basta gusto niyang uminom, iinom talaga siya. Dati po iyon! Pero ngayon, ang laki po ng ipinagbago niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro po, takot lang kay Direk Brillante, hindi ko po alam.”

“Takot ako kay Boss Vic [del Rosario]!” sambit ni Baron.

GORGY RULA

Mistulang nagpaligsahan sina Baron at Vince sa hubaran at pakikipagharutan sa Pusoy co-stars na sina Angeli Khang, Janelle Tee, at Jela Cuenca.

pusoy cast

Janelle Tee, Baron Geisler, Vince Rillon, and Angeli Khang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kita po naman nating lahat, pantay-pantay po yun. Feeling ko nga, mas naka-score, mas nakalamang po itong baby brother ko, e. Di ba?” natatawang sambit ni Baron.

“Nagkataon lang, mas marami kaming laman na ipinakita. Mas marami akong laman na ipinakita, ‘no?”

Pagmamatuwid ni Vince, “Mas malupit po yung mga sex scenes ni Baron. Kasi po, talagang kain kung kain, e! Hindi man lang tinanong kung naghugas muna ng paa yung ano, di ba?

“Ako po, hindi ko pa po nagagawa yun.”

Tinablan ba sila sa maiinit na eksena?

Napailing si Vince, “Hindi naman po. Kasi po, talagang trabaho po yun. Pag nandun ka po sa eksena, hindi niyo po mararamdaman yung libog. Hindi po. Ako, hindi po.”

Ang Pusoy ay isinulat at idinirek ni Phil Giordano. Nasa cast din ng pelikula sina Julio Diaz, Kiko Matos, Raquel Monteza, at Jacq Yu.

Streaming na ang Pusoy umpisa Mayo 27, Biyernes, sa Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sa tuwing may pagpapalit ng administrasyon, palaging sinusukat ang hangganan nito. Kasama rito ang usaping artistic freedom.

Is Pusoy part of the last vestiges of the Duterte administration na walang control sa digital media where some of the outputs bordered on soft porn? O aabot ba ang BBM era sa bomba at penekula ng Marcos Sr. reign?

Aabangan natin ang magiging bagong kalakaran. For now, indulge in Pusoy created by our Cannes-acclaimed director Brilliante Mendoza.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vince Rillon (left) on Pusoy co-star Baron Geisler (right): “Lagi niya akong pinupuri na, ‘Ganyan, ha! Ikaw, ang galing-galing mo! Sobrang galing mo!’ Tapos ang eksena namin, ‘Tahimik ka lang pero nakikita ko ang reaksiyon mo.’ Sabi ko, ‘Hindi! Hindi ganun yun!’ sabi ko kay Kuya. ‘Huwag kang mag-alala,’ sabi ko sa kanya, ‘lamon mo ako dito! Kasi, mas intense kang umarte sa akin pero may puso!’ Sabi ko sa kanya, ‘Iba ka pa rin!’ Baron is Baron Geisler!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results