Khalil Ramos, di pa rin nawawala ang kagustuhang makapagdirek

by PEP Troika
Jun 1, 2022
gabbi garcia khalil ramos love you stranger
Gabbi Garcia on boyfriend Khalil Ramos: "Ever since naman, dating pa lang kami ni Khalil, ang taas na ng paghanga ko sa kanya bilang isang artist. Hindi lang bilang aktor, kundi director din."
PHOTO/S: @khalilramos / @gabbi on Instagram

GORGY RULA

Na-feel daw ni Khalil Ramos ang pagiging direktor sa drama series nila ng girlfriend na si Gabbi Garcia na Love You Stranger.

Finally, natapos na rin at maipalalabas na ang first drama series na pagsasamahan nila ni Gabbi. Magsisimula na ito sa Hunyo 6, Lunes ng 9:35 p.m., pagkatapos ng Bolera.

Isang film director ang role dito ni Khalil at isang production designer si Gabbi.

Sabi ni Khalil sa nakaraang mediacon ng Love You Stranger, nandiyan pa rin ang matagal na niyang pangarap magdirek ng isang pelikula o series. Matagal na niya itong pinaghandaan at pinag-aralan, pero naudlot lang dahil sa pagpasok ng pandemya.

Kuwento ni Khalil, “I have been part of a small production house that I started with my friends, 2016 pa.

“Ang mga ginagawa namin mostly music videos, advertisements, mga corporate AVPs. So, from time to time, kapag hindi po ako busy sa showbiz, I do production work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Gaya ng nasabi ko na before, ratsada ngayon sa Kapuso Network ang apat na bida ng reboot ng telefantasyang Encantadia (2016).

Katatapos lang ng False Positive nina Glaiza de Castro at Xian Lim. Isa si Glaiza sa cast members ng reality-variety show na Running Man Philippines, na kukunan sa South Korea.

Pumalit sa False Positive ang Bolera, kung saan title role si Kylie Padilla.

Pinakamalakas na TV series ngayon ang First Lady ni Sanya Lopez.

At sa Lunes ay mag-uumpisa na itong Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, na nagbida sa pelikulang Last Song Syndrome (LSS) na isa sa official entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Natutuwa si Gabbi dahil nakikita raw niya ang pagiging artist ni Khalil. Nandiyan daw siya para suportahan ang nobyo.

Sabi ni Gabbi, “Ever since naman, dating pa lang kami ni Khalil, ang taas na ng paghanga ko sa kanya bilang isang artist. Hindi lang bilang aktor, kundi director din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Khalil kasi, very passionate. Sobrang… he does everything with passion talaga.

“Sa katotohanan nga, nung 2017, when I was trying to pursue my music career, he was the one who directed my music video.

"So, nung time na yun, talaga nakita ko kung gaano siya ka-passionate sa ginagawa niya.

“Hanggang ngayon, ini-encourage ko talaga na ipagpatuloy niya, kasi yun talaga ang nasa puso niya.”

NOEL FERRER

Khalil Ramos was also a workshopper sa writing class ni Ricky Lee kasama sa batch nina Iza Calzado, Joel Saracho, at iba pang artista.

Magagamit niya talaga itong skill na ito sa storytelling sa mga susunod pa niyang projects.

Sana nga ay mas ma-highlight pa ang ibang talents niya. Kasi, magaling talaga si Khalil.

At sana rin, maka-create sila ng ganoong excellence at mass following ng kapartner niyang si Gabbi Garcia. Sana talaga!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabbi Garcia on boyfriend Khalil Ramos: "Ever since naman, dating pa lang kami ni Khalil, ang taas na ng paghanga ko sa kanya bilang isang artist. Hindi lang bilang aktor, kundi director din."
PHOTO/S: @khalilramos / @gabbi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results