Janine Gutierrez, napaiyak nang sabihing "When I get married, sana forever na."

by PEP Troika
Jun 2, 2022
paulo avelino janine gutierrez ngayon kaya press preview
Janine Gutierrez on kissing scene with Paulo Avelino in Ngayon Kaya: “Sobrang kinakabahan ako nun, e. Kasi, I think it was one of our first shooting days. Tapos, may kiss agad. So yun, kinakabahan po talaga ako.”
PHOTO/S: T-Rex Entertainment Facebook

GORGY RULA

Lalong uminit ang isyung hiwalayan ng showbiz couples, at ang dami nang nakisawsaw.

Pagkatapos ng official announcement ni Jason Hernandez na hiwalay na sila ni Moira dela Torre, may mga naglalabasang kuwento na parang hindi naman kapani-paniwala.

Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

Pero noon pa namin nahahalatang may problema ang mag-asawa dahil tahimik lang at walang sagot ang ilan nilang malapit na kaibigan. Nahahalata na kasi noong nakaraang buwan pa na may problema talaga ang mag-asawa.

Nabuhay naman ang isyu nina Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil sa pagbabalik ng Kapuso actor sa Instagram.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Naintriga ang halos lahat sa IG story ni Tom ng dalawang kamay na may breaking chains. Nakalaya na nga kaya siya sa relasyon nila ni Carla?

Tom Rodriguez cryptic post

Continue reading below ↓

Pati tuloy sa homily ng paring si Fr. Cris Cellan ng Sambuhay TV Mass na dinaluhan ko ngayong araw ay sinabi niyang makikisawsaw na rin siya sa isyung hiwalayan nina Moira at Jason.

Naging marriage counselor din Fr. Cris at ibinahagi niya ang ilang natutunan sa mga couple na kumukonsulta sa kanya. Ang ipinupunto niya sa kanyang homily ay ang advantage kapag Christ-centered ang isang pagsasama.

Aniya, “Marriage is actually a love triangle wherein the third party is no less than God.

“As it were, it takes two to get married, but three to stay married.

“The unity and harmony that we all aspire for cannot be achieved by sheer human effort. But by participating in the divine community of love.

“With God at the center of our relationship, love overflows. Iyan ang isa sa nahahalata ko bilang marriage counselor.

“Kapag wala ang Diyos sa isang relasyon, malamang ang pride ang siyang mangingibabaw.

Continue reading below ↓

“Kapag merong Diyos, may takot sa Diyos, maging mahinahon ang pag-uusap. And we always resolve, to end your conflict, at least initially before we go to sleep. As it where, it is easy to fall in love, but difficult to stay in love.”

Ito rin ang hiling ni Janine Gutierrez nang humarap sila ni Paulo Avelino sa ilang miyembro ng entertainment press sa press preview ng pelikula nilang Ngayon Kaya na magsu-showing na sa mga sinehan sa June 22.

Napaiyak ang aktres nang sinabi niyang ang tanging hangad niya, kung sakaling mag-aasawa na siya, sana pang-forever na.

Aniya, “Gusto ko lang na eventually, when I settle down, na kami na forever. Kasi, in my family halos lahat yata na… yung couples, like my parents, everyone, naghiwalay.

“So, ako… nalulungkot ako. Ako, if I… when I get married, sana forever na.”

Naiiyak na si Janine, pero pinipigilan na lang niya.

Nagkatawanan lang ang lahat nang biglang sumagot si Paulo ng “Noted.”

Continue reading below ↓

Hindi man nila diretsahang inaming sila na, mukhang sila na nga. At, sana, si Paulo ang “forever” na hinihiling ni Janine.

NOEL FERRER

Unfortunately, nahahalintulad at naihahambing ang circumstances ng hiwalayan nina Jason at Tom.

At sina Carla at Moira, nananatiling tahimik muna.

Ang daming naki-Marites sa nangyaring ito… pati na ang parehong pag-iyak nina Tom at Jason noong kasal nila.

Sana na lang, makahanap silang lahat ng tunay na ligaya na lahat tayo ay umaasam.

At sa ating Troika, Happy Pride Month, Love Wins na lang palagi!!!

JERRY OLEA

Sa istorya ng Ngayon Kaya, may seryosong karelasyon (John James Uy) si AM (Janine Gutierrez) kaya kinimkim na lang ni Harold (Paulo Avelino) ang pag-ibig niya sa kaibigan.

Pagkalipas ng mga taon, sa muli nilang pagtatagpo, single si AM pero ikakasal na si Harold sa fiancée nito.

ngayon kaya

Continue reading below ↓

Sa totoong buhay ba, may parallelism ang ganoong sitwasyon kina Paulo at Janine?

Noong 2019 pa ginawa ng PauNine ang Ngayon Kaya. Noong lumaganap ang pandemya ay nagtambal sila sa Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You, at kapagkuwan ay nakasama ni Ogie Alcasid sa U.S. concert tour nito.

Napakunot-noo si Paulo sa mediacon, “Hindi ko sure kung parallel, e. Sa ibang sitwasyon siguro.

“Pero in terms of relatibility sa character, like I said earlier, sobrang relate ako. Actually, yun din ang isang dahilan kung bakit ko tinanggap yung script.

“Dahil ramdam ko na ako ‘to, ‘yung nawalan!”

Matalinhaga ang ngiti ni Janine, “Gets ko po yung tanong niyo. And naniniwala din ako na sa kahit anong bagay sa buhay, ang laking parte ng timing.

“So, 'yan ang masasabi ko!” pagbungisngis pa ng dalaga.

Kumusta yung shooting ng kissing scenes nila noon? Comfortable ba sila considering na hindi pa sila ganun ka-close at the time? Anong anecdotes ang maise-share nila tungkol doon?

Continue reading below ↓

“Si Pau, minamali yung kissing scene!” himutok ni Janine.

“Wala si Direk [sa mediacon], wala akong kakampi!”

“Hindi, ah! Hindi!” pangiti-ngiting pagkontra ni Paulo.

“Totoo kaya!” pagdidiin ni Janine.

Paliwanag ni Paulo, “Kasi, 360-degree dolly shot. Siyempre, kapag umaalog yung dolly, so inuulit. So, hindi ko po kasalanan. Kasalanan nung dolly.”

“Ganun ba?” sambit ni Janine, na nag-make face, “Minamali. Nag-take two tuloy.”

Pagtanggi muli ni Paulo, “Uy! Hindi ako ganun, ha? Ito, aaminin ko po kung bakit ko po nauulit yung mga eksena… hindi po ako ang mali.

“Siya po yun. Kasi, pagkatapos ng kiss, tawa po siya nang tawa lagi.”

Napahalakhak si Janine.

Dagdag ni Paulo, “Hindi ko alam kung bakit.”

Pagbabalik-tanaw ni Janine, “Sobrang kinakabahan ako nun, e. Kasi, I think it was one of our first shooting days.

“Tapos, may kiss agad. So yun, kinakabahan po talaga ako.”

Pagbibiro ni Paulo, “Magrereklamo nga po sana ako nung time na yun. Kaso, hindi po nila in-accept ang reklamo ko.”

Continue reading below ↓

“Sorry,” pakli ni Janine.

Ang Ngayon Kaya ay idinirek ni Prime Cruz. Kasama rin sa cast nito sina Rio Locsin, Alwin Uytingco, at Donna Carriaga.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez on kissing scene with Paulo Avelino in Ngayon Kaya: “Sobrang kinakabahan ako nun, e. Kasi, I think it was one of our first shooting days. Tapos, may kiss agad. So yun, kinakabahan po talaga ako.”
PHOTO/S: T-Rex Entertainment Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results