Watch Now

Newcomer Conan King, palaban sa hubaran at harutan

by PEP Troika
Jun 2, 2022
conan king bingwit
Conan King on daring scenes with Bingwit co-star Drei Arias: “Actually, si Drei, kakilala ko siya, e. Kasama ko siya sa pageant. So, nung kinakausap niya ako, sabi niya, ‘Trabaho lang.’ So, inalalayan niya naman. Ako kasi, first time pa lang. Siya, may nagawa nang BL movie at BL series. Kaya sabi ko, ‘Sige, sige.’ Wala namang problema.”
PHOTO/S: Jerry Olea / AQ Prime

JERRY OLEA

Newcomer actor Conan King, who co-starred with Krista Miller and Drei Arias in the erotic BL movie Bingwit , will fight to be undressed and beaten .

“Kailangan po siyempre para mas makatotohanan yung mga ginagawa, saka para madala namin ang mga manonood,” pahayag ni Conan nang makatsikahan namin sa opisina ng AQ Prime Stream, Roces Avenue, Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Second choice si Conan sa pelikulang idinirek ni Neal “Buboy” Tan. Magsu-shooting na nang mag-back ang katambal doon ni Drei dahil sa mga mapupusok na eksena.

“Nabigla din ako, actually. Parang na-culture shock,” pangiti-ngiting lahad ni Conan.

“Pero sabi ko, trabaho naman, walang personalan.”

Nag-alangan o nahirapan ba siya sa mga eksenang wala siyang saplot at naghe-hello ang kanyang private part?

“Noong una, nang sinabi sa akin na may mga ganung eksena, napaisip ako. Pero andun na ako, e, trabaho iyon,” saad ni Conan.

“Kumbaga, karakter ko iyon bilang isang baguhang artista, kaya sige lang. At saka mabait naman yung mga cast, inalalayan nila ako kung paano gagawin ang isang bagay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta nung magkabingwitan na ang mga labi at katawang lupa nila ni Drei?

“Actually, si Drei, kakilala ko siya, e. Kasama ko siya sa pageant. So, nung kinakausap niya ako, sabi niya, ‘Trabaho lang.’

“So, inalalayan niya naman. Ako kasi, first time pa lang. Siya, may nagawa nang BL movie at BL series.

“Kaya sabi ko, ‘Sige, sige.’ Wala namang problema,” paglilinaw ni Conan.

First time niyang makipaglaplapan sa kapwa lalaki?

“Parang ganun. Ha! Ha! Ha! Ha!” maigting na halakhak ng baguhang aktor.

Parang ganun? Anong ibig niyang sabihin ng "parang ganun"?

“Basta! Ganun na nga! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Basta, merong kiss na hindi ko ine-expect na magagawa ko yun,” pag-iling pa ni Conan.

conan king drei arias bingwit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Conan King (left) and Drei Arias in Bingwit

Walang keber si Krista sa bold and daring scenes. Nadarang ba siya sa alindog nito?

“Noong una, medyo kinabahan ako. Pero andoon na kami, e. Andoon na sa puntong kailangan kong gawin,” pag-amin ng 24-anyos na si Conan.

“Hindi naman ako puwedeng mag-inarte dun. Kasi, kumbaga para sa akin, big break na rin yun na ako ang napili sa role na hindi kaya ng original choice.”

Mabilis magdirek si Direk Buboy, kaya bawal mag-inarte ang mga artista niya.

“Hands-on din siya. Pag sinabi niya, ‘Etong gawin mo,’ siyempre magtitiwala ka,” matamang wika ni Conan.

“Kasi, siya ang direktor. Saka maganda po ang istorya, nabasa ko yung buong script. Aabangan niyo rin yung dramatic scenes.”

Kanino siya mas nag-enjoy, kay Drei o kay Krista?

“Parehas naman po sila. Parehas akong nag-enjoy sa kanilang dalawa.”

Sino ang mas magaling humalik?

“Si Krista.”

Pormal na ilulunsad ang AQ Prime Stream sa Hunyo 4, Sabado ng hapon, sa Conrad Hotel, Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ang AQ Prime Stream ay pinamumunuan ng producers ng A&Q Films, na naghandog ng MMFF 2021 official entry na Nelia.

Title role sa Nelia si Winwyn Marquez, at co-stars niya sina Raymond Bagatsing, Ali Forbes, Shido Roxas, Juan Carlos Galano, Mon Confiado, at Lloyd Samartino, sa direksiyon ni Lester Dimaranan.

Swak sa pagdiriwang ng Gay Pride ngayong Hunyo ang launching ng AQ Prime Stream. Noong Marso lamang sila nag-umpisang mag-shoot ng mga pelikula, at mahigit isang dosena na ang natapos nila.

Kabilang dito ang BL movies na Bingwit, Adonis X, Sosyal Medya, at Baka Sakali, at ang GL movie na Upuan.

Bida sa Adonis X sina Kristof Garcia, Kurt Kendrick, Mark McMahon, at Jaycee Domincel. Idinirek ito Alejandro "Bong" Ramos mula sa panulat ni Lex Bonife.

Magpapasiklab sa Sosyal Medya sina Kristof Garcia, Mark Hernandez, Brenda Mage, at DJ Onse, sa panulat at direksyon ni Greg B. Colasito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpapakitang-gilas sa Baka Sakali sina Drei Arias, Leandre Adams, April Gustillo, at Seon Quintos, sa direksyon ni Alejandro "Bong" Ramos.

Ipagbubunyi ng mga lulu at tung-tung ang Upuan nina Krista Miller, Rob Sy, Nika Madrid at Andrew Gan, sa panulat at direksyon ni Greg B. Colasito.

Natapos na rin ng AQ Prime Stream ang shooting ng sexy movies na La Traidora, Cuatro, at Mang Kanor.

Magpapainit ng diwa at damdamin sa La Traidora sina Brylle Mondejar, Joni McNab, OJ Arci, Ricardo Cepeda, Mia Aquino, at Juan Calma, sa direksiyon ni Alejandro "Bong" Ramos.

Nakakadarang ang tunggalian ng mga emosyon sa Cuatro nina Rico Barrera, Nika Madrid, Joni McNab, at Jet Delgado, sa direksiyon ni Rosswil Hilario.

Pasabog ang Mang Kanor nina Rez Cortez, Nika Madrid, Rob Sy, Seon Quintos, Emelyn Cruz, Joni McNab, Via Veloso, at Rain Perez, sa panulat at direksyon ni Greg B. Colasito.

NOEL FERRER

Natapos na rin ng AQ Prime Stream ang shooting ng mga pelikulang Huling Lamay, Z Love, Anatomiya, Pula ang Kulay ng Gabi, at Ligaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katatakutan siyempre ang Huling Lamay nina Lou Veloso, Marlo Mortel, Buboy Villar, Mira Aquino, Waki Cacho, sa panulat at direksyon ni Joven Tan.

Romance movie na may zombies ang Z Love nina Devon Zeron, Kristof Garcia, DJ Onse, Rob Sy, Marcus Madrigal, at Carlo Mendoza, sa direksyon ni Jojo Nadela.

z love

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaka-thrill ang Anatomiya nina Teejay Marquez, Emmanuel Vera, Yana Fuentes, Shido Roxas, Cataleya Surio, Elijah Filamor, at Apple Castro sa direksiyon ni Martin Mayuga.

teejay marquez in anatomy

Magpapayanig sina Aljur Abrenica, Soliman Cruz, Yana Fuentes, Zia Zamora, at Elijah Filomar sa Pula ang Kulay ng Gabi, sa direksiyon ni Jojo Nadela.

red is the color of the night

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaabang-abang ang Ligaw na pangunguhan ni Snooky Serna, kasama sina James Blanco, Richard Quan, Alessandra Trinidad, Angel Marquez, Sky Alvarez, Princess Magnaye, Denzel Guiao, Renzo Ruiz, Vhinz Gabriel, Joni McNab, at Draven Quiño, with Jojo Nadela as director.

Is the shooting of Losers-1 Suckers-0 by Ara Mina, Marcus Madrigal, and Yana Fuentes over? Introducing here are Jayden Bravo, Bench Manalon, Khiester Bernardino, Charles Temones and Draven Quiño, under the direction of Niokz Arcega.

Direk Joel Lamangan will also do a project on AQ Prime Stream, Peyri Teyl written by Eric Ramos.

RS Francisco and Rob Sy will host the BL reality show Love or Lie and First Sight , written and directed by Afi Africa.

ALSO READ
, "widget": "Hot Stories"}]

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Conan King on daring scenes with Bingwit co-star Drei Arias: “Actually, si Drei, kakilala ko siya, e. Kasama ko siya sa pageant. So, nung kinakausap niya ako, sabi niya, ‘Trabaho lang.’ So, inalalayan niya naman. Ako kasi, first time pa lang. Siya, may nagawa nang BL movie at BL series. Kaya sabi ko, ‘Sige, sige.’ Wala namang problema.”
PHOTO/S: Jerry Olea / AQ Prime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results