Watch Now

Tatlong mapangahas na pelikula, mapapanood sa bagong streaming platform na AQ Prime

by PEP Troika
Jun 3, 2022
aq prime movies
Ang BL movie na Baka Sakali, starring Drei Arias and Leandre Adams, ay isa sa daring movies ni Direk Bong Ramos na ipalalabas sa bagong streaming platform na AQ Prime. Sina Juan Calma (inset, top) at Kurt Kendrick (inset, bottom) ay tampok naman sa iba pang mapangahas na pelikulang mapapanood sa AQ Prime.
PHOTO/S: AQ Prime Facebook

JERRY OLEA

Tatlong mapangahas na pelikula na ang natapos ni Direk Alejandro “Bong” Ramos para sa AQ Prime Stream — ang La Traidora, Baka Sakali, at Adonis X.

Walang keber sa pagtatanggal ng saplot at pakikipag-love scene ang mga artista ni Direk Bong, kaya mabilis ang kanilang shooting.

“Nabasa naman nila yung script bago sila nag-sign ng contract,” sabi ni Direk Bong nang makachikahan ko via Messenger nitong Hunyo 3, 2022, Biyernes.

La Traidora is a film within a film. Sexy drama na may pagka-comedy. Palaban sa sexy scenes ang mga baguhang sina Joni McNab at Mia Aquino.

“Nag-frontal si Juan Calma, na kasama rin sa pelikulang Ang Bangkay ni Vince Tañada.”

Nasa cast din ng La Traidora si Brylle Mondejar na nagpakitang-gilas sa pag-arte sa dulang Solo Para Adultos (For Adults Only) ni Direk Bong. Una iyong itinanghal noong Oktubre 2017 sa Music Museum.

Nasa cast din niyon sina April "Congrats" Gustillo, Vivo Ouano, Tori Garcia, Andres Vasquez, at John Raspado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ni Direk Bong, “BL movie ang Baka Sakali, kung saan bida sina Drei Arias at Leandre Adams.

“Lumaban si April ‘Congrats’ Gustillo sa love scenes sa Baka Sakali. Nasa cast din nito si Seon Quintos na bagong actor ng QA Prime Stream.”

Take note na bida rin si Drei sa erotic BL movie na Bingwit with Conan King and Krista Miller, sa direksiyon ni Neal “Buboy” Tan.

Frontal kung frontal na si Drei sa Bingwit. Totoo bang mas mapusok siya sa Baka Sakali?

Pagpapatuloy ni Direk Bong, “BL din ang Adonis X pero may pagka-mysterious… parang bagong Machete.

“Si Kurt Kendrick, walang dalang damit. Kasi, nakahubad lang siya sa film.

“Si Kristof Garcia, nakipaglaplapan nang todo. Siya raw ang bagong Tambok King.”

Nagpasiklab din sa Adonis X sina Mark McMahon, Jaycee Domincel, at Grace Vargas.

Gaganapin ang AQ Prime’s The Grand Launch: Experience It Now bukas, Hunyo 4, Sabado ng hapon, sa Conrad Hotel, Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dadalo rito ang South Korean star na si Choi Moo-sung na lumabas sa K-drama series na Reply 1988, maging ang South Korean beauty queens na sina Mina Sue-choi at Do Hee-jung.

Magpe-perform sa grand launch ang all-female groups na KAIA, Witchers, at Calista.

“A&Q Prime Stream is set to change the landscape of viewing experience for Filipinos here and around the world!” sabi ng line producer na si Rodel Ocampo.

Kabilang pa sa mga pelikulang ihahandog ng AQ Prime Stream ang Upuan, Sosyal Medya, Cuatro, Mang Kanor, Huling Lamay, Z Love, Anatomiya, Pula Ang Kulay Ng Gabi, Ligaw, Amazona, Losers-1 Suckers-O, Abandoned, at Peyri Teyl.

GORGY RULA

Ang maganda sa ginawa ng AQ Prime Stream, ang daming nabibigyan ng raket. Kahit maliit ang budget, basta tuluy-tuloy ang trabaho.

Hindi ko lang alam kung ano epekto nito sa ating movie industry, dahil ang target sana natin ay mabalik ang interes ng mga tao sa panonood ng pelikulang atin sa mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang update si FDCP Chairperson Liza Diño kung tuluy-tuloy ang kampanya niyang "Nood Tayo ng Sine," at kung kailan na ang final schedule ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kaya mas gusto kong i-push ang pagpu-promote sa pelikulang Ngayon Kaya ng T-Rex Entertainment at WASD Films, dahil sa sinehan na ito mapapanood.

Sana, tangkilikin ito, dahil hindi naman nakakapanghinayang ang ticket kung gusto mong makapanood ng kakaibang love story.

Para sa medyo kapos pa ang budget sa panonood ng sine, okay rin itong streaming ng AQ Prime dahil mga bago ang mapapanood.

Sana, mas salain ang mga pelikulang ginagawa, na kahit low-budget film maayos naman at hindi mumurahin ang dating.

Nagagawa naman iyan noon sa karamihang Cinemalaya films at kahit ang pito-pito noon ng Regal Films.

Puwedeng mas mapangahas ang mapapanood sa platform na ito, dahil hindi naman ito puwede sa mga sinehan. Yun ang pagkakaiba sa pang-mainstream at pang-online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa riyan, maaring dagdagan pa ng budget sa promo, lalo na sa karamuhan ng mga artista nila, para mas makikilala ng mga manonood.

Kabilang sa mga artista ng AQ Prime na kilala namin ay sina Aljur Abrenica, Snooky Serna, Ara Mina, Max Collins, Teejay Marquez, Mon Confiado, James Blanco, Devon Seron, James Blanco, Shido Roxas, Krista Miller, Sabrina M, Buboy Villar, Brenda Mage, Marcus Madrigal, Lou Veloso, Ricardo Cepeda, Via Veloso, Rez Cortez, Richard Quan, Marlo Mortel, Rob Sy, at Mon Confiado.

Pero outnumbered sila ng mga baguhang hindi pa napapanood sa mainstream. Kaya dapat may ingay ang mga artista nila para ma-curious ang mga manonood kung sino ba sila.

NOEL FERRER

Tulad ng iWant TFC, Vivamax at heto ngang AQ Prime Stream, alam kong marami pang lalabas na streaming platforms for local content — na siyang magiging alternative na talaga para sa viewers.

Tama kayo, mga ka-Troika, it means more jobs and more content na sana nga ay lalo pang magpapakulay ng ating industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana rin, patuloy nitong maiangat ang kalidad ng mga panoorin sa lahat ng platforms lalo pa’t lumalawak na ang menu na puwedeng piliin ng publiko.

Who knows, ang Troika ay makakasama na diyan sa mga streaming platforms soon?

Iyan ang pangarap ni Direk Joven Tan sa atin! We’ll see!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang BL movie na Baka Sakali, starring Drei Arias and Leandre Adams, ay isa sa daring movies ni Direk Bong Ramos na ipalalabas sa bagong streaming platform na AQ Prime. Sina Juan Calma (inset, top) at Kurt Kendrick (inset, bottom) ay tampok naman sa iba pang mapangahas na pelikulang mapapanood sa AQ Prime.
PHOTO/S: AQ Prime Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results